"Ang ganda mo talaga, Georgia. Hindi mo na kailangan ng makeup kung tutuusin eh." Kanina pa nagbibigay ng papuri ang hair stylist na kinuha ni Justine para sa gabing ito. Nag-organize ng isang charity ball si Justine at iba pang kasama nitong manager na may mga sikat na artista ding hawak. Maganda daw itong exposure sa kanya dahil makakahalubilo nila ang mga piling negosyanteng imbitado. Pati ilang direktor at producers ng mga pelikula ay dadalo din sa charity ball. "Marami din namang magaganda na sa showbiz. Kailangan lang talaga ng sipag at maayos na pakikisama sa mga ka-trabaho para mabigyan tayo ng maraming projects." "Tama ka naman d'yan. Kaya hanga din ang mga kasama mo sa show kasi lagi kang maaga sa set at inaaral mo talaga ang script mo. Naku, tiyak na malayo ang mararat

