Chapter 3 - Their fate

2898 Words
"SURPRISE!" Sabay-sabay nilang sabi nang salubungin nila si Michelle na papasok sa malaking sala sa second floor ng Root Valley. Nagulat pa ito nang makita sila roon. "Ay, kamote! Anong-----" "MICHELLE!" Isa-isang niyakap nila ang kaibigan na halos dalawang buwan ng nanatili sa lugar mula noong inatasan ito sa isang misyon. Muli na naman silang naging maligalig sa puntong iyon. "Kamusta ka na? Ano na nangyari sayo dito? Saka, bakit dito ka nakatira sa mukhang palasyo na ata ito sa laki," sunod-sunod na tanong ni Khale sa kanya. "Ah, isa-isa lang! Mahina ang kalaban," tugon nito. Umupo muna sila sa malawak na sofa at doon ipinagpatuloy ang interogasyon. Ngayon nagtagpo na ang landas nila sa isang kaibigan, malalaman na nila ang totoong nangyari rito. "Okay naman ako. Kayo? Anong ginagawa niyo rito?" tanong nito sa kanila. Nagkatinginan pa sila ngunit siya na rin ang sumagot. "Ang totoo niyan ay ipinadala kami ni Miss Jow rito upang imbestigahan ang nangyari sa'yo. Hindi siya kumbinsido na ipinasa na lang basta-basta sa iba ang misyon mo kahit pa buong-buo pa rin ang ibinayad sa'yo. Akala namin may kung anong nangyaring masama sa'yo." "Ganoon ba." "Ano ba talagang nangyari, Michelle? Tutal, nandito na rin lang naman tayong lahat eh di sabihin na natin ang mga nalalaman natin. Tulad nitong sina Jho at Khorie na parang kabute kung makasulpot sa eksena," saad ni Po. "Slight lang. Siguro nga tadhana na natin ang pagtagpuin tayo rito. Pero mas maiging si Michelle na ang magsalaysay ng mga naranasan niya sa mahiwagang lugar na ito," si Jho. "Mahiwaga? Tulad ng mga nakalaban mo noong pinasok ka sa tinutuluyan mo? Sorry, nakita kasi namin ang cctv footage na hinack ni Po noong gabing salakayin ka. Those weird black guys! Sumabog na lamang sila noong tamaan mo sa batok," salaysay niya. "Nakita niyo pala iyon," may halong kalungkutan ang boses ng kaibigan. "Oh? Why? Is there something wrong?" tanong din ni Anna rito. "Sabihin mo na," tudyo ni Khorie upang isiwalat ni Michelle ang nangyari. Nagpakawala ito ng mahinang buntong-hininga saka ito nagsalita. "Ganito ang totoong nangyari." Mataman silang nakinig ng mga kaibigan niya at isinalaysay ni Michelle ang totoong nangyari sa kanya sa lugar at mga kakaibang natuklasan nito. Noong una, ayaw nilang maniwala. Imposible nga namang may mga kakaibang nilalang sa mundong ginagalawan nila subalit habang nakikinig sila rito ay kagyat na nagsitayuan ang mga balahibo niya at kaybilis ng pintig ng kanyang puso. Pakiwari niya ibang misyon ang kakaharapin nilang magkakaibigan. Lahat ng dapat isiwalat nito ay napakinggan nila mula umpisa hanggang sa mapait na sandali. "It means, sasapitin din namin ang nangyari sa'yo dito," hindi makapaniwalang sambit ni Lea. "Siguro, Lea. Alam kong pati kayo ay nabigyan rin ng souvenir ni Khorie. Pero hindi ko rin naman siya masisisi dahil pati siya ay biktima rin," paliwanag ni Michelle. Humingi ng paumanhin si Khorie. "Pasensiya na, girls. It's my fault. Hindi ko talaga alam na ganito ang mangyayari sa atin. Malay ko ba? Sino ba namang mag-aakala na may mga magic ek ek sila?" "Ako? Gusto ko ang magic pero hindi ko kakayaning maglaho na lang. At saka napaka-imposible kasi. Sa mga movies lang nangyayari ang ganitong eksena," wika ni Jingky. "Sounds interesting, Michelle. Pero paano kung tanggihan namin ang tadhana namin? Ibibigay na lang namin ang aming tsuka sa mga Diyos na tinutukoy mo. And speaking of them, nakilala namin sila kanina ng personal. Hindi namin lubos akalain na sila ay reincarnated Gods! Siguro alam na nilang patungo kami rito kaya sinalubong kami roon. Siguro sila rin ang dahilan kung bakit nagka-aberya kami sa hotel. Ngayon ko lang napagtanto." "Tama ka, Anna. Iniisip ko na din iyan kanina," dugtong niya saka siya bumaling kay Michelle. "Kung reincarnated na sila ibig sabihin ay hindi na nahahalintulad ang buhay nila noon bilang mga Diyos ng Olympus? Pangalan lang pero hindi ang karakter nila, tama ba ako?" "Tama. Walang kinalaman ang nakaraang buhay nila at ayaw nilang ihalintulad sila noon. Magkaiba na ngayon at may tadhana silang sinusunod," tugon ni Michelle. "Paano iyan? Hindi namin alam kung paano magpaalab ng isang katana. Dadaan rin ba kami sa pagsubok? Kung tatanggihan natin ito ay makakahanap pa ba sila ng ibang carrier?" tanong naman ni Jona. "Iyan ang problema, Jona. Kahit ilibing pa natin ang ating mga sarili sa lupa at mamuhay bilang kamote, susundan pa rin tayo nito. Ilang beses ng nasa bingit ng kamatayan ang buhay namin ni Khorie ng dahil diyan," tugon ni Jho. "Kasalanan ko ito. Kung hindi ako nagpapaniwala sa matandang nagbigay sa akin nito sa Quiapo eh 'di sana maalwan na ang buhay natin ngayon. Walang mga halimaw at walang magic." "Hindi mo pa rin matatanggihan ang tadhana mo lalo na at kasal kayo ni Hercules," pagbubunyag ni Jho "Ano? Kasal kayo ni Hercules?!" Animo'y isang lyrics iyon sa kanta na sabay-sabay silang nagsiawitan. Noon napagtanto ni Sam kung bakit malapit ito sa isang lalaki kanina sa hotel at iyon pala ay asawa nito ang isa sa Director ng kumpanya kung saan sila under nito. "Oo. Kasal kami sa kasamaang palad," may halong kalungkutan pa ang sinabing iyon ni Khorie. "Wow! You're lucky. But then again, how about LJ? H-hiwalay na kayo?" "That was the worst thing, Sam. I did not tell him that I'm already married. Ang kasal namin ni Hercules ay hindi naman tulad sa isang normal couple. We are married for just a piece of paper. Kontrata lang ang pinaghahawakan namin. Nothing else. Isa pa, isa din ito sa dahilan kung bakit tumiwalag ako sa grupo dahil sa kasunduan namin. Si Jho naman ay may dahilan din dahil sa katana na iyan." Inilagay ni Sam ang mga braso sa dibdib. "It's a worst thing nga. Kaya pala bigla na lang kayong nag-resign na hindi man lang nagpaalam sa amin ng personal. So? Natuklasan na natin ang mga bagay-bagay, what's the next plan?" "We have no choice but to face the reality. Kung tatalikuran natin ito baka mas lalo lang magiging kumplikado ang lahat. Somehow, we are the choosen as the carrier of the blades," si Po. "M-may isa pa akong aaminin." "Ano iyon, Mitch?" "Kasal na ako kay Hephaestus," pagsisiwalat ni Mitch sa kanila. "Ano??" Hindi sila makapaniwala sa pangalawang ibinunyag ni Michelle sa kanila. Kanina lang ay nagkukuwento pa ito tungkol sa mahiwagang mga bagay na iyon at ngayon ay ikinasal na siya sa isa mga ito. Napamulagat ng mga mata si Jona. "Seryoso ka ba?" Bahagyang itinaas ni Mitch ang kanang kamay nitong may wedding ring. "Heto. Hindi naman ako nagbibiro," sabay napangiti rin ito. "Anak ng tipaklong naman! Dalawang buwan ka ng hindi nakabalik tapos magkukuwento ka ng kakaiba tapos ikinasal ka na pala. Si Khorie ay kasal din," si Anna. "Totoong ikinasal ka na talaga. Sino naman ang malas na Diyos ang pinakasalan mo?" tanong ni Jingky. "Makamalas naman ito. Si Hephaestus syempre. Ang pag-aalayan niya ng katana ay mismong asawa na niya ngayon," pagbibigay ng detalye ni Jho. "Ikinasal na siya three weeks ago sa Switzerland at nandoon kami ni Khorie para maging saksi. Hindi na muna ipinaalam ito dahil nga delikado. Saka judge ang nagkasal sa kanila." "Hindi rin ako nagkamali ano? Hindi ka na magugutom kapag naging asawa mo ang chef na si Maverick Hephaestus. Tama ba ako?" "Oo nga. Naalala ko ang sinabi mo sa akin noon, Po." "Anyway, kung kasal ka na pala ay tuloy-tuloy na ang pananatili mo dito?" "Ganoon na nga, Sam. At sana hindi niyo ako tatalikuran na ipaglaban natin ang ating mga tadhana dito. Sana ay samahan niyo pa rin ako," may bahid na pag-aalala ang boses ni Michelle. "Okay lang sa akin. Gusto ko ang adventure," si Jho. "Nandito na rin ang buhay ko kasama ang asawa ko," si Khorie. "Ano pa nga ba? Dahil kasama kami sa nabigyan ng katana ay mananatili na rin kami dito pero hindi ibig sabihin na tinanggap na namin ang aming tadhana," si Po na ang huling nagdesisyon para sa kanila. Sang-ayon naman siya at ng iba pa kaya minabuti na lamang muna nilang isantabi ito pansamantala at saka na lamang muling isipin kapag nakaharap na nilang muli ang mga lalaking pag-aalalayan nila ng bagay na iyon. Makalipas ang ilang araw ay nag-anunsiyo ang kaibigang si Michelle na ikakasal na siya sa pangalawang pagkakataon. Wala silang nagawang magkakaibigan kundi ang suportahan ito. Masaya sila para rito dahil natagpuan din nito ang wagas na pag-ibig subalit iyon pa lang ang simula ng kanilang pakikipagsapalaran. Isang umaga, nasa loob sila ng Root Valley Library upang alamin ang simbolo ng katanang nakaukit sa mga tsuka. May mga librong nakapatong sa mahabang mesa na binubuklat nilang magkakaibigan upang malaman na rin nila ang mga lihim ng society na mayroon ang mga nilalang na ito. "Tulad sa lipunan na kinabibilangan natin ay may sinusunod din silang batas. We need to study their rules," Po said. "Tama si Po. Kailangan natin malaman ang batas nila lalo na sa mga mortal na tulad natin. Kung kailan nila maaaring gamitin ang kanilang kakayahan at kung anong kaakibat na kaparusahan. They can use their spell as long as it's necessary," dugtong ni Anna. "Ang sabi sa atin ni Aphrodite, ang mga nakaukit sa tsuka ay lengguahe ng ancient greek. Palaisipan sa akin kung bakit napili ang sandatang ito na nagmula pa sa bansang hapon samantalang hindi naman gumagamit ang mga ito," binubuklat ni Jingky ang bawat pahina ng libro. "Baka nagkataon lang. Narito ang lumang mga greek alphabet. Hanapin na natin dito," inilapag ni Lea ang hawak na libro. Nagkumpulan sila sa mesa upang makita ang mga sinaunang alphabet ng mga griyego. Isa-isa ring inilabas nila ang kanilang mga tsuka at inilapag sa mesa. Nakigaya rin si Sam. "Andaming makalumang salita! Mukhang mawewendang ang mga utak natin dito," napabulalas si Jona. "Ako na ang magbabasa," pagboboluntaryo ni Jho. Kakarating lang nito mula sa kabilang book shelves kasama si Khorie. Ang dalawang kaibigan na matagal ng naririto at napag-aralan na rin ang tungkol sa tsuka, sa mga nakaukit na salita at iba pang bagay na konektado rito. "Sakto at nandiyan na kayo. Paano ba gamitin ito? Para mabasa na namin kung kanino nakapangalan ang aming hawak na tsuka," aniya. "Ganito iyan," pumagitna si Jho. "Here's the ancient greek alphabet that contains twenty four letters including the lower cases. Kinuha ang mga alpabetong ito sa mga phoenician, phoenician naman from proto-sinaitic and then proto-sinaitic from egyptian heiroglyphs. Kaya mahirap basahin ang  alphabet nila." "Kung sinaunang sibilisasyon ang pag-uusapan, dudugo talaga ang mga utak natin. Biruin niyo, diyan pa nga pinangalan ang mga sorority sa greek name tulad ng Alpha, Beta, Gamma at kung anu-ano. Sumasakit na ang sentido ko talaga," reklamo na ni Jona. "Ang sabihin mo sabog na talaga ang utak mo," dugtong ni Jingky. Dinaan na naman nito sa biro ang lahat. "Matagal na," aminado naman ni Jona. Si Jho naman ay kumuha ng isang katana na kulay pula. "Kanino ito?" "That's mine. Pero alam ko na kung para kanino iyan," sagot ni Po. Si Po ang computer geek friend nila na maraming alam pagdating sa teknolohiya. Maaaring nakapag-research na ito tungkol sa nakaukit sa tsuka nito. "Okay. Pero sabihin ko na rin sa kanila kung para kanino ito." "Go ahead, Jho." Sinipat ni Jho ang katana kung saan nakaukit ang pangalan ng nagmamay-ari nito. "Subukan natin ito. Ang letrang ito ay nagsisimula sa letter A-R-E-S or Ares. Ibig sabihin ang imortal na si Ares Vincent ang pagbibigyan mo niyan." "Yeah. I know right," dismayado si Po. "Oh? Bakit tila hindi mo gustong siya ang pagbibigyan mo, Po?" tanong niya. Mukhang ramdam niyang hindi gusto ng kaibigan ang lalaking iyon. "Nakilala niyo naman ang isang iyon! Halos digmaan ang laging nasa isipan. Parang walang pinagkaiba kay Ares ng greek mythology. Feeling ko siya pa rin iyon," asar na ang kaibigan sa lalaking iyon. Natawa si Sam pati ang iba pa. Hindi niya lubos akalain na sa ganitong sitwasyon ay magbabago ang kabilang bahagi ng kaibigan niya. Kilala ito sa pagiging clingy sa lahat ngunit pagdating sa mga bagay na hindi nito gusto ay mabilis na itong naaasar. Kumuha pa si Jho ng isa pa. "Relax lang. Si Ares lang iyon, okay. Next? Kanino ito?" "Akin iyan," aniya. Saglit na bumagal ang sandali niya at batid niya ang kakaibang pakiramdam sa katana sa hindi niya malamang dahilan. She wouldn't ask her friends about her sudden strange feelings. Ayaw naman niyang may iisipin ang mga ito. "Ito naman ay para kay A-P-O-L-LO or Apollo." "Apollo?" tanong niya sabay napakunot-noo rin siya. "Siya iyong best friend ni Hephaestus. Sa dami kasi nila hindi ko na matandaan. Those weird greek names. Ang paniniwala ng ibang tao ay myths lang ang kasaysayan nila pero ngayon totoo na. Gusto ko sanang pag-aralan ang mitolohiya na iyan kaso sa ibang araw na lang," si Lea. "Ako din. Parang umurong na ang utak ko. Mabuti pa tapusin mo na iyang pagbabasa, Jho. Gutom na ako. Saka dapat sila ang mag-research niyan para sa atin at hindi tayo. Kapag ako nainis lalayasan ko sila rito," si Anna. "Kalma ka lang, Anna. Heto," sabay inilapag ni Jingky ang isang libro. "Dimensional world daw. Ibig sabihin ay may mga dimensional world sila na hindi natin alam," binuklat na rin ito para makita ng iba. "Maraming dimensional room sa loob ng mansiyon na ito. May training ground din sila na minsan na naming napasukan," paliwanag ni Jho. Napansin niya ang kakaibang naroon at tinuro ang nakasulat sa libro na binuklat ng kaibigang si Jingky. "Wait," binasa niya ang nakasulat. "Mga mundong hindi dapat pinupuntahan. Dark World, Under World at Nobis." "Basahin mo nga Sam at mukhang interesante ang bagay na iyan," ani ni Khale. "Sige. Dark World. Isang mundo na kanlungan ng mga may sakim sa kapangyarihan tulad ng mga Dark Gods noon. Binubuo rin dito ang kanilang imperyo kabilang na ang mga Dark Caster o mga nilalang na kayang gumamit ng itim na mahika. Under World. Sinaunang nakasulat sa mitolohiya at kanlungan ng mga titans tulad ni kronos. Ngunit ipinasara na ito ng lumikha at hindi na nabuksan pa. Nobis. Ang mundong ito ay ginagamit din ng mga Dark Gods upang dito magtago at magpalakas. Walang sinumang nakakarating dito maliban sa kanila." Napahimas si Jona sa kamay niyang nagsitayuan ang balahibo. "Nakakatakot naman pala iyan. Ang mga Dark Gods ay mga imortal din na nasa dark side, tama?" "Oo. Rival sila ng mga imortal na nandito. May dalawang klaseng society sila, white and dark society. Dark Gods ang namumuno sa Dark Society at White Gods naman sa White Society," tugon ulit ni Jho. "Sa susunod na natin ito pag-usapan. Hindi na kaya ng utak ko," sabay tiniklop na ni Jingky ang libro. "Tama. Mabuti pa," aniya. Ibinalik na nila ang kinuhang mga libro at nagkasundo silang ituloy na muna ang pag-aaral sa susunod na araw. Nagkayayaan na lang silang lumabas na muna ng Root Valley at magliwaliw sa paligid. Nais nilang matanggal ang anumang stress na idinulot ng lugar at baka hindi na nila ito matagalan pa. Exhausted na kami sa mga pangyayaring ito. Isinabak kami sa isang misyon na wala man lang kaming ka ide-ideya. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Sam habang nakatingala siya sa langit. Naiwan na siya ng mga kaibigan habang malalim ang kanyang mga iniisip. Muli niyang itinuon ang mga mata sa malaking mansiyon upang tingnan ito ngunit nahagip ng kanyang mga mata ang isang bulto ng taong nasa rooftop nito. Huh? Tao ba iyon? Naningkit pa ang mga mata niya dahil sa sikat ng araw na tumama rito at marahan napaatras upang siguraduhing tao ba ang naroon. Subalit nawala na lang ito bigla. Nawala siya! Sa pag-atras niya ay natalisod ang kaliwang paa niya sa isang bato kaya nawalan siya ng balanse. "Ay!" Mabuti na lamang at may mabilis na kamay na nakahawak sa bewang niya upang hindi siya tuluyang humandusay. Naramdaman niya ang mainit na hatid ng mga braso nitong nakahapit sa bewang niya at ang puso niyang biglang nakadama ng pag-kaba. Anong------ "Are you okay?" Narinig niya ang boses lalaki nito kaya agad siyang naalarma at humiwalay. "I'm okay!" Napaangat siya ng tingin upang makita kung sinong mabuting lalaki ang tumulong sa kanya. Napatitig siya nang  malaman niyang kilala niya ito. Ang lalaking malalim ang tingin sa kanya sa hotel pa lang at ito rin ang pag-aalalayan ng kanyang hawak na mahiwagang bagay. Muli na naman itong nakatitig sa kanya at sa pagtitig na iyon ay sinabayan na naman ng pagkunot ng noo nito. Noong lang din niya ito nakita ng malapitan. Salubong ang kilay ng binata, kulay abo ang mga mata nito, may matangos na ilong at mapupulang labi. Idagdag pa ang brush-up nitong buhok at malinis ang mukha. Matangkad ito sa kanya kahit na nasa 5'8 ang height niya na swerte na rin maituturing dahil Pilipino siya at hindi lahat binibiyayaan ng ganoong height. "Sa susunod, tingnan mo ang inaatrasan mo. Dapat nag-ingat ka at hindi sa kung saan ka nakatitig. Kayo talagang mga mortal, napaka-careless niyo. Paano kung natuluyan kang mabuwal sa ginagawa mo?" Hindi agad siya nakasagot. Hindi niya inaasahan na iyon ang sasabihin nito na dapat ay mahinahon lang. At dahil mabait siyang nilalang at may respeto siya sa mga kakaibang tao tulad ng kaharap ay kumalma siya. "Next time at mag-iingat po ako, sir. Sige po. Salamat," pilit ang ngiti niya saka siya naglakad at nilagpasan ito. Malaki-laki ang hakbang niyang lumabas sa gate ng Root Valley at hinanap ang mga kaibigan. Iyon ang unang pagkakataon nakaharap niya si Apollo. Akala ko ba ang mga Diyos ay mababait? Bakit ang isang iyon ay may sanib? Okay lang naman sana kung pagsasabihan ako pero iba naman ang tono niya. Sarcastic! Okay na po, kuya! Kasalanan ko na! Putik! Pagngitngit niya sa sarili. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD