Pasado alas sais ng umaga ay nasa terminal 2 na sila upang makapagcheck-in. Hawak-hawak na ni Sam ang kanyang passport at iba pang dokumento. Dumaan rin sila sa immigration at smooth naman ang proseso kaya mabilis rin silang nagtungo sa departure area. Mabuti na lang at wala namang aberya. Maganda ang organisasyon nila dahil on the spot nagkakaroon sila ng instant visa at ibang pangangailangan.
"Sinong gusto ng kape?" tanong ni Khale.
"Ako," bahagya siyang nagtaas ng kamay. "One capuccino latté sa akin."
Tumayo si Jingky sa kinauupuan nito. "I'll go with you, Khale. Mukhang kailangan ko ng kape at wala rin akong maayos na tulog."
Anim na babae silang magkakasama at tulad niya ay mga matakaw din sa tulog ang mga ito. Si Anna ay narinig na lamang niya ang paghihilik sa tabi niya at hinayaan na lamang muna niya itong makapagpahinga. Galing itong Mindanao at sumabak sa madugong pang-espiya sa mga NPA.
Isang oras ang nakalipas ay handa na silang mag-on board. Non-stop ang biyahe nila patungong London Hearthrow Airport na may labintatlong oras ang lalakbayin. Iniisip niya habang nasa himpapawid ay matulog na lang muna.
Gabi na nang lumapag ang eroplanong sinasakyan nila sa kanilang destinasyon. Pagkababa nila ay dumiritso muna sila sa immigration ng airport saka sila sa nag-claim baggage. Naghihikab pa siya habang pinapagulong ang hawak na luggage nang makalabas. Nasa arrival area sila at nanunuot ang malamig na hangin sa loob ng makapal na jacket niyang suot. Ayun sa weather forecast, nagsisimula na ang winter sa buwan ng november at saktong buwan silang naroon. December to February naman ang pinaka-coldest point dito.
Napahalukipkip si Jingky sa kanya. "Grabe, ang lamig! Hindi pa naman winter season at bakit ganito ang klima rito?
Napasulyap siya rito na halos yumakap na ang kaibigan. "Hangin pa lang ito. Paano kung umuulan ng yelo?"
"Titira na ako sa bunganga ng bulkan," biro ni Jingky sa kanya.
"Girls, let's go! Nariyan na ang shuttle ng GV hotel," tawag sa kanila ni Po.
Pumarada sa tapat nila ang puting van na may tatak na Green Valley Hotel. Ayun sa itinerary nila ay dadalhin muna sila sa isang magandang hotel sa London City upang doon na muna magpalipas ng gabi at bukas ng umaga tutulak naman sila patungo roon.
Sandali lang ang biyahe nila at nakarating agad sila sa isang luxurious hotel na pagmamay-ari ng G&A Corporation. Ang kumpanyang nagtalaga sa kanilang organisasyon sa Pilipinas.
Hindi niya naiwasang mamangha sa paligid at kagyat na nawala ang antok niya. First time nilang pumasok sa ganito kagarang hotel. May mga magagandang desenyo ang paligid, malawak na reception at ang pinakanakatawag pansin sa mga mata niya ay ang malaking chandelier sa gitna. Hindi na rin naiwasang kumuha ang mga kaibigan ng mga photos rito kahit na tulad niya ay nawala rin ang pagod.
Magpanggap na nga rin akong bakasyunista.
Naglabas na siya ng cellphone at kumuha ng ilang shots sa paligid pati sa sarili niya. Maya-maya pa ay nagtungo na sila sa kanilang malawak na silid upang makapagpahinga na ng husto.
Kinabukasan, matapos makapag-almusal ay tumulak na sila patungong Green Valley. Sakay ng puting van ay maglalakbay sila ng tatlong oras bago makarating dito.
Pasado alas dose ng tanghali nang sa wakas ay naroon na sila. Ngunit nadismaya sila sa biglaang pagsama ng panahon sa buong lugar na halos wala na silang makita.
Green Valley is one of the most amazing places in the Kingdom of Valley, Europe. People are spending their money just to be relaxed here while enjoying the amenities they have. Some of these amenities are the park and clubs, resorts, golf course and many more. Lahat ng ito ay mga katangian ng lugar kaya naman dinadagsa ito ng maraming tao mula sa sa iba't ibang panig ng mundo. Ang naturang lugar ay nasa Eastern part ng London kaya naman bago makarating dito ay kailangan bumiyahe pa ng tatlong oras mula sa city. May private jetplane din naman sumusundo sa mga guests ngunit mas pinili nila ang mag-travel by land. Tinaguriang 'top wonders of the world' na ang lugar kaya naman kahit siya ay excited rin na makatuntong dito.
"Maganda sana kung hindi ganito kasama ang panahon. Okay naman ang panahon sa city kanina pero bakit dito halos dilim na lang ang nakikita ko?"
"Sinabayan pa ng masamang panahon," dugtong niya sa sinabi ni Lea.
"Siguro kung maaraw ito ay busog na busog si Michelle sa lugar na ito at kahit ako na may libreng tinutuluyan plus food ay hindi na ako uuwi," wika ni Jingky.
"Talaga lang? Kagabi ay lamig na lamig ka sa labas ng airport tapos ngayon nagbago na ang isip mo," aniya. Naalala niya ang senaryo nito kagabi na halos pumulupot na sa kanya.
"Nanibago lang ako sa weather kagabi. Alam mo naman ang panahon sa Pilipinas na tropical country. I'll ask my boyfriend to spent time with me here," tugon nito sa kanya.
"Ako din. I like that idea," singit naman ni Anna na nakikinig din sa usapan nila.
Speaking of boyfriend, hindi pa ako tinatawagan ni Chester. Saang lupalop na naman kaya ang mokong na iyon ni hindi man lang ako tinatawagan? Hay, parang hindi pa ako nasanay.
Reklamo niya sa isipan.
Bukod sa career niya sa buhay, may boyfriend siya na halos dalawang taon pa lang silang in a relationship. Wala itong alam sa mga kilos at sa klase ng trabahong mayroon siya. Businessman ito at laging busy sa negosyo. Minsan ay pumupunta ito sa iba't ibang panig ng mundo kaya may mga sandaling hindi sila nagkakatagpo sa Pilipinas.
"We are here, ladies. Welcome to Green Valley," anang driver ng van.
Kanya-kanya na silang kumilos upang bumaba sa sasakyan. Tumambad naman sa kanila ang isang hotel na kahalintulad sa ganda kung saan sila nanatili kagabi. Sinalubong naman sila ng staff ng hotel upang alalayan sa kanilang mga dala-dalang gamit. Pagpasok sa loob ay siya namang biglang pagkulog na may kasamang kidlat.
"Ibang klase ang pagsalubong ng panahon sa atin. Hindi man lang nakikisama," dismayadong wika ni Jona.
"Oo nga. Hindi man lang tayo pinatikim na makapag-selfie sa labas," wika naman ni Khale.
Kanya-kanyang kuro-kuro ang mga kaibigan niya na halos hindi makapaniwala sa biglang pag-iiba ng panahon.
Bakit nga ba? Strange! Maganda naman ang panahon sa weather forecast kanina. Kapag minamalas nga naman. Sino kayang may balat sa puwit sa aming anim na nandito?
Napapailing siya. Ilang saglit pa ay narinig na lang niya na sumisigaw na ang kaibigan niyang si Po sa frontdesk ng reception. Ito kasi ang may nakakaalam sa itinerary nila at bookings. Si Po na rin ang tinuring na team leader ng grupo. Nagkatinginan sila at naalarma sila.
Hindi pa rin bumaba ang tono ng boses ni Po sa receptionist na kaharap. "What? You mean, wala sa system niyo ang ang booking confirmation namin? How can that happen?"
Kaharap nito ang pinay na receptionist at nagsasabing wala roon ang booking reference na sinasabi ni Po. Hindi tuloy makaimik ang receptionist na naroon at kahit ito ay nagtataka rin kung bakit hindi nito mahanap sa computer ang reservation nila. Ayaw naman sanang magalit ng dalaga subalit pinagdidiinan ng babae na walang naka-record sa system nila. Lumapit na siya rito at ang iba pa upang kumpirmahin ang nangyari.
"Po, ano daw nangyari?" tanong niya.
"Wala daw record ang system nila na nag-book tayo! Pinakita ko pa nga ang payment at booking reference number! Badtrip," inis na napahalukipkip si Po sa sarili.
"Oh? Paano nangyari iyon gayong may booking at payment reference number tayong hawak," napakunot ang noo ni Sam.
"Miss, pwede bang makausap ang manager niyo?'' tanong ni Anna sa receptionist. "Baka sira iyang system ninyo at kailangan nang palitan," hindi na rin naiwasan ni Anna ang mainis sa nangyari sa kanila.
"Y-yes, ma'am! Sandali lang po at kinakausap na po ng kasama ko ang head manager," aligagang tugon ng receptionist.
Saglit na naghintay sila sa reception. Mabuti nalang at kaunti lang ang tao roon na dumadaan dahil na rin sa kondisyon ng panahon kaya walang masyadong guest. Isa pa, ang haba ng nilakbay nila mula Pilipinas hanggang London at ito lang ang magiging kahinatnan ng lahat.
Hay, may balat nga sa puwit ang isa sa amin. Jusko! Gusto ko ng matawa na ewan. Wala kaming problema sa immigration kagabi tapos pagdating dito saka kami magkakaproblema. Hay, pambihira! Tinatawag na ako ng malambot na kama.
Nanatili pa rin sa reception area ng hotel ang grupo niya habang hinihintay nila ang manager upang makausap. Ilang minuto na silang nakatengga sa lugar at wala pa ring nangyayari kaya naman hindi na rin nila napigilan ang kaibigang si Po na sumabog. Sa unang pagkakataon ay nagwala ang magandang dalaga. Malayo sa karakter nito ang nagagalit at nagwawala pero sadyang ipinaglalaban lang nito ang kanilang karapatan.
Hindi pa rin bumababa ang tensiyon ni Po sa pagitan nito at ng kawawang receptionist. "Where's the manager, Miss? We're running out of time! Malamig sa labas at alangan namang dito lang kami nakaupo hanggang mamaya. My Goodness! Anong klaseng hotel ito at hindi man lang kayo marunong mag-asikaso sa mga guests? What the----"
Hindi na nito naipagpatuloy ang sasabihin nang biglang may isang grupo ng mga nagguguwapuhang lalaki ang dumating sa lobby ng hotel. Kasama nito ang isang napakagandang babaeng foreigner. Habang pinagmamasdan niya ang mga ito ay naging pamilyar ito kay Sam. Nakita na nila ito sa profile ng misyon ni Michelle na walang iba kung hindi ang mga may-ari mismo ng G&A Corporation kung saan sila under nito. Subalit may isang pakiusap si Miss Jow na huwag na huwag nilang sasabihin ang tunay nilang pakay at magkunwaring hindi nila kilala ang mga ito.
The Gods from heaven walked through the aisle from the entrance to the lobby. Napatitig ang mga dalaga sa grupo ng mga binatang papalapit sa direksiyon nila. May kung anong bugso ng tadhana ang nag-adya na pagtagpuin ang kanilang landas sa pagkakataong iyon. Maya-maya pa ay namayani ang katahimikan sa pagitan ng magkabilang panig nang tuluyan na silang magkaharap-harap.
Binasag ng isang lalaking kasama sa grupo ang katahimikan ng lahat at base sa napag-aralan nilang profiles ito ang nagngangalang Non Pem Persius Villa Acosta.
"You are the guests who----"
Hindi na natapos ang sasabihin ni Persius ng sumingit si Anna. "Are you the manager?" tanong ni Anna habang pinagkrus nito ang mga braso sa dibdib.
"Actually, all of us manage this hotel," the woman said.
"Lahat pala sila kaya full force," mahinang sambit ni Jingky. "Kayo na ang kumausap at baka dumugo lang ilong ko," pasimpleng nagtago ito sa likuran ni Anna.
Natawa naman si Jona na nasa likurang bahagi. "Takot ka palang humarap sa mga foreigner," hindi na rin nito naiwasang bumungisngis.
Lahat ng iyon ay narinig niya mula sa kanyang likuran. Inaasahan na niyang magbibiruan na naman ang mga ito at hindi nga siya nagkakamali.
Nagsimula na naman silang mag-ingay at bida na naman itong sina Jingky at Jona.
Pinagkrus naman ng isang lalaki na nasa pinakagitna ang mga braso nito saka ito nagtanong. "So, what's the matter?"
"Here," ipinakita ni Po ang payment details nila at inabot dito. "We want to file a complaint regarding your system error! As you can see, it's not our fault! We already paid for our hotel accommodation but your staff told us that she can't find any record of our reservation! How can that be possible, sir?"
Tiningnan ng mga ito ang papel na ibinigay ng kaibigan niyang si Po. Ilang segundo lang ay bumaling ang mga ito sa grupo nila saka nagsalita ang lalaking pinag-abutan nito.
"Okay. Pwede na kayong makakuha ng room. Ah, Clara?" tawag nito sa receptionist. "Give them the best rooms, okay?"
"Yes, sir."
Nagkatinginan silang magkakaibigan dahil ang lalaking inakala nilang foreigner ay marunong pa lang managalog. Actually, hindi lang marunong kundi matatas pa.
Humirit na naman sa likuran nila si Jingky. "Pambihira! Dumugo na nga ang ilong ko kay Po tapos sasagot lang ng tagalog si sir. Hanep!"
"Oo nga! Kalokang araw ito,'' dugtong ni Khale.
"Tumigil nga kayo at baka marinig nila," mahinang sita ni Anna sa mga ito.
Nakakahiya talaga ang mga ito at parang hindi kilala kung sino ang mga kaharap. Sabagay, kabilin-bilinan ni Miss Jow na huwag magpahalata.
Iniwas na lamang niya ang tingin sa ibang direksiyon dahil uneasy na ang mga titig ng mga binatang kaharap lalo na ang isa sa kanila na kanina pa siya tinititigan. Hindi niya alam kung para saan ang mga titig na iyon kaya minabuti na lamang niyang huwag pansinin.
Kuya, tunaw na tunaw na ako. Bakit hindi pa umaalis ang mga ito eh aayusin na ng staff ang room namin? Kilala na kaya nila kami?
Habang naghihintay sila sa lobby ay biglang bumukas ang elevator malapit sa may couch at iniluwa niyon ang dalawang babaeng pamilyar sa kanila. Naunang napansin iyon ng kaibigan niyang si Jona.
"Hindi ba sina Jho at Khorie iyon," sabay turo ni Jona sa kinaroroonan ng mga ito. Tinawag din nito ang dalawa. "Jho! Khorie!"
Napalingon naman ang lahat sa kinaroroonan ng dalawa. Nagulat pa ang mga ito nang makita sila roon sa reception. Marahang naglakad ang dalawa habang sinisipat ang grupo nila.
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Jho sa kanila saka tila nagtataka rin ito.
Nang mapagtanto nila na mga dating member ito ng grupo at matagal na kaibigan ay nilapitan nila ito at nagkayakapan. Halos dalawang taon nang humiwalay sa grupo ang mga ito upang magkaroon ng simpleng buhay. Hindi magkamayaw ang grupo nila sa loob ng hotel sa tagpong iyon at hindi alintana ang mga binatang naroroon lang na nagmamasid at nakikiramdam.
"Ano nga pala ang ginagawa niyo dito?" tanong ulit ni Jho sa kanila.
Ibinalik niya ang tanong sa dalawa. "Kayo na muna. Anong ginagawa ninyo dito?"
"Ang lagay ba ay kami agad ang magsasabi. Kayo itong dayuhan at kararating lang," wika ni Jho na kailanman ay hindi nagpapaisa kahit sa simpleng bagay. Isang karakter na nakadikit na sistema nito kahit noon pa man.
"Inaayos iyong room namin dahil may kaunting aberya lang. Saka nandito kami para magliwaliw. Naiinggit kami kay Michelle kaya kami sumunod dito. Hindi ba nagkita na kayo?" tanong ni Po.
"Oo nga pala," tugon ni Jho. "Pero ilang araw na rin hindi namin siya nakita rito. Is she still here? Akala ko nakabalik na siya ng Pilipinas dahil aborted ang misyon niya."
"How did you know about Michelle's mission, Jho? Nabanggit ba ito ni Mitch sa inyo?" tanong din ni Lea.
"Nope! Nakalimutan niyo atang dati rin kami sa trabaho niyo ngayon. Alam namin ang kalakaran ng grupo at alam rin naming may sinusundan siya rito. Si Uzik. Nahuli na ang russian drug syndicate na iyon."
"Kaya nga aborted ang misyon ni Michelle dahil diyan. Ibang grupo na ang humuli kay Uzik. I guess, Michelle is still here," saad naman ni Khorie.
"So, nasaan na siya?" tanong din ni Khale.
"Baka kumakain. Hanapin natin sa mga restaurant dito baka andiyan lang siya at nag-spy sa mga pagkain," biro ni Jingky.
"Grabe ka kay Mitch," natatawang wika ni Lea rito.
Nagkangitian ang mga ito. Alam nilang minsan trip ni Michelle ang kumain at mag-explore pagdating sa pagkain lalo na sa lugar na bago sa paningin nito.
"Riding in tandem na naman kayong dalawa. Nawala lang kayo sa grupo mukhang may itotokhang na naman kayo," pabirong sambit ni Jona.
"Oo. At ikaw uunahin ko," akma sanang sasakalin ni Jho si Jona na pakunwari lang.
"Biro lang," tatawa-tawang sambit ni Jona.
Ganito sila noon na mas lalong maiingay at magugulo kahit sa kabila ng delikadong trabahong pinasok nila. Parte ito ng buhay nila na kahit sa anumang pinagdadaanan ay kailangang manatili pa rin ang mga ngiti sa kanilang mga labi.
The guy in the center of the group gentle yet obviously orchestrated cough caught their attention. "Excuse me, ladies. This is not a wet market! Confidential files ang tungkol sa kasong iyon. Hindi niyo dapat pag-uusapan iyan dito," seryoso rin ito at malalim ang mga tingin nito sa kanila.
Muling natahimik ang grupo nila. Tama ito at hindi dapat pinag-uusapan ang bagay na iyon sa public place at baka may makarinig.
Lagot na! Muntik na naming makalimutan na nandito pa sila. Napaka-careless namin. Tinagurian kaming mga spy pero hindi kami alerto.
"I guess, sila ang undercover agent natin sa Pilipinas. Am I right, girls?" tanong ng magandang binibini at tanging nag-iisang babae sa grupo ng mga ito.
Marahang tumango silang lahat maliban kina Jho at Khorie.
"So, ikaw si Miss A ng G&A?" tanong ni Po rito.
"Yeah. Ako ang nagdala kay Michelle dito. And she's at the Root Valley right now. Kung gusto niyo, doon na muna kayo manatili pansamantala. Don't worry, it's free."
Hinintay nilang mag-react ang mga kasama ni Miss A ngunit nanahimik lang sila. Napag-alaman na rin nila noong nasa Pilipinas pa sila kung sino ang contact nina Miss Jow at Miss NC sa main base ng London at walang iba kundi ang babaeng nasa harapan nila.
Sakto! Hindi na kami mahihirapang mag-imbestiga.
Sa huli, napagkasunduan ng kanyang grupo na manatili kung saan naroroon si Michelle habang sina Khorie at Jho naman ay susunod na lang. Kapansin-pansin rin na magkakilala ang dalawang kaibigan sa mga binatang naroon. Iyon ang nahalata niya bago pa man nila lisanin ang hotel.