"Let's have a date." Natigilan ako sa paghahalo ng sauce sa pasta na niluluto ko nang bigla na lang itong magsalita. Kanina pa ito tahimik. Sobrang tutok nito sa trabaho kaya hindi ko in-expect na bigla na lang itong magyayaya ng date. "You and me?" takang ani ko rito. Hoy! Ang tagal ko kayang pinangarap iyon. "Of course, alangan namang si Manang ang yayain ko." Pabirong ani nito na napakamot pa sa batok. "Oo naman, kailan ba?" nakangising tanong ko rito. "Now na." Napasimangot ako sa sinabi nito. Hindi ba nito plan na mag-effort man lang? "Now? As in ngayon? Seriously? Paano naman ako kikiligin n'yan. 'Yong boyfriend ko wala man lang ka-effort effort na bigla na lang magyayaya ng date." "Oh shoot, gets ko na." Napakamot sa ulong ani nito saka basta na lang akong iniwan. Gago r

