"Ayawwww," marahas akong napabuntonghininga nang paluin ni Batsy ang kamay ko nang akma ko itong hahawakan. Nagpunta agad ako rito sa condo ni Bible at inabutan ang dalawa na tulog na tulog na. Mali 'yong desisyon kong gisingin pa ito dahil kahit si Bible ay gising na rin. "Ang pangit!" matalim kong tinitigan si Bible na nakaturo ang kamay sa akin at tawang-tawa. Masama ang titig ko rito habang si Batsy ay nakita na rin. Hindi ko kakayaning alagaan ang dalawang ito. Si Soul ang agad na pumasok sa isip ko. Ngunit hindi okay ang lalaking iyon ngayon kaya naman si Yko na lang. After all, nasa higher floor lang ito ng condominium na ito. Tinalikuran ko ang dalawa saka nagtungo sa balcony at tinawagan ang lalaki. "Dude, pwede ka bang pumunta rito sa condo ni Bible?" seryoso ani ko rito.

