NANGINGINIG kong hinalughog ang loob. Hindi katulad ng inaasahan ko bago pumasok, wala na ni isang tao pang naroon. Siguro ay nakatunog na sila sa biglaang paglusob ni Yvonne kaya nagsitakas na ito.
Kasama si Yvonne.
Marami pang naiwang gamit at napakarami ring kwarto. Sinubukan kong buksan ang kada pinto pero hindi ko na ito nagawa. Nakaagaw agad ng atensyon ko ang nakaawang na pintong nasa pinakadulo ng isang pasilyo.
Tinakbo ko ang distansya saka sumambulat sa akin ang naglalakihang mga b***l at kahon kahon pang mga hinihinala kong droga.
We already have an answer to all these. Mananalo na rin kami pero hindi iyon ang nagtagal sa utak ko.
Si Yvonne.
Hinalughog kong muli ang buong bahay. Kilala ko ang lalaki, imposibleng magpunta iyon dito ng walang plano kaya pilit kong tinatalasan ang paningin at naghahanap ng bagay na posibleng naiwan niya rito.
"Come on, Yvonne. Kahit isang bagay lang–"
Agad akong nahinto sa paglalakad at nagkukumahog pang pinulot ang isang b***l.
"KEL-TEC PMR 30..."
Sakanya ito, tama. At sa sobrang kadesperadahan kong makahanap ng kahit anong tip, pinagbalibaliktad ko na ang hawak hanggang sa may nahulog na papel mula sa espasyo kung saan magazine ng mga bala dapat ang nakalagay.
He left this on purpose.
Nang maibukas ko ang papel ay rumagasa lahat ng pangamba at takot ko para sa ADU maging sa University.
They're in danger.
"Ulan..."
•••
"Bossing, pick up the phone!"
Sa sobrang panggigigil ko kulang na lang ay maihagis ko na ang hawak na cellphone. Paanong hindi? Nagpunta ako sa lugar na hindi ko alam kung paano makakauwi.
Dali-dali akong bumalik sa tinutuluyan at saka kinuha ang iilang gamit na kailangan pati na ang pera at saka nagbakasakali — habang patuloy na tinatawagan si Sinag. Nagtanong na rin ako sa iilan naming 'kapitbahay' kaya kahit papaano may lead naman na ako sa dadaanan.
Dala ang samu't saring b***l na pagmamay-ari sa loob ng isang backpack, cellphone sa nanginginig na kanang kamay at pitaka naman sa kabila.
Paulit-ulit ko silang tinatawagan pero wala man lang sumagot.
Malayo ang lugar na iyon kaya inabot ako ng ilang oras para makabalik sa ADU Headquarters.
Grabe ang galit na nararamdaman ko. Nasa labas pa lang ako ng building pero halos pagkakalampagin ko na. Agad-agad kong tinungo ang daan papasok. Kinuha ko ang maliit na papel na pinagsulatan ni Yvonne ng pangalan ng ugat ng lahat ng ito — ULAN.
Ang tagal tagal kong naghangad ng hustisya para kay papa. Ilang beses komg sinuong ang pamatay ng training g ADU pero ni minsan hindi ko man lamang nagawang paghinalaan ang Alpha na iyon!
"Boss Sinag!" Ilang beses kong narinig ang sarili kong boses dahil sa echo sa napakatahimik nang lugar na iyon. Walang mga tao na parang natutulog ang lahat.
Imposible iyon ngayon lalo pa't sabado at walang pasok ang mga agents.
Humigpit ang pagkakakapit ko sa papel na hawak. Nautakan nila kaming lahat–
"Agent Luna..."
Iuungkos ko pa lang ang kamao ko upang mapuruhan sana ang lalaking ugat ng lahat ng ito nang mapigilan ako ng dalawa pang malalaki ang katawang mganlalaki sa likuran ko. Hindi ko iyon ininda at patuloy lang na nagpumiglas.
"Hayop ka! Babagsak ka sa impyerno!"
Natatawang napailing si Ulan kaya mas lalo pang nag-alab ang galit ko. "Magkikita kami ng tatay mo pagnagkataon–"
"Hayop ka! Pakawalan mo ako dito, lumaban ka ng patas!"
Mas lalo lang lumakas ang tawa nito sa sinabi ko na para bang biro lang ang lahat ng iyon.
"Still the old impulsive Luna we all knew. Magaling ka sana, eh. Kaya lang ang tayog ng pangarap mo. Akala mo matatalo mo lahat? Magaling ka pero hindi ka nag-iisip. Tamang tama ka sa pamumuno ni Sinag–"
Awtomatiko siyang napatigil nang biglang bumagsak sa harapan niya ang dalawang lalaking nagbabantay sa akin. Sa susunod nitong pag-angat ng tingin, nakatutok na rito ang b***l ko.
"Sa susunod, 'wag ka maraming satsat!" Mabilis kong kinasa ang b***l ko pero bago ko pa man ito maiputok, kitang kita ko ang biglaang pagngisi ni Ulan kasabay ng pagtusok ng kung ano sa likuran ko.
Agad na umikot ang paningin ko. Bumigat ang mga talukap ng mata ko kaya nalaman ko na agad kung ano marahil iyon.
"Sleepwell, Luna. Paggising mo, lumaban ka para sa inutil mong boss."
Hindi ko na nagawang makapagsalita. Tuloy-tuloy lang ang pagbagsak ng katawan ko habang labis kong pinipigilan ang pagpikit.
Hindi ko na halos namalayan ang mga sumunod na naging aksyon ng kalabang kaharap pero sigurado akong bago ko maipikit ang mga mata ko, dalawang Agent Ulan ang nasa harapan ko — nakangisi at inaantay na lang ang aking pagkatalo.
•••
"Luna... Luna, open your eyes."
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at nakumpirma kong ang Sleep ngang gawa ni Agent Sinta ang ginamit sa akin. Pinatulog ang ako ng bagay na iyon pero hindi man lang ako nanghina o kung ano.
Hindi ako nagsayang nagpagkakataon at sinubukan ko agad tumayo pero nabigo lang ako. Doon ko na lang nalamang nakatali ang mga kamay at paa ko sa isang bakal na upuan.
"Luna..."
Hindi magkamayaw sa pagkabog ang puso ko. Nilingon ko agad ang taong nagsalita — si Yvonne.
"Yvonne–"
"Sol. It's Sol," sabi pa nito saka ako nginitian. Kitang kita ko mula rito ang pagod na nitong mga mata.
Teka? Dinala nila ako kung nasaan si Yvonne, ibig sabihin, malaki rin ang posibilidad na narito si Boss Sinag. Nandito ang ADU.
At talagang nagsimula na sila.
"Paano tayo makakaalis dito?" deretsahan kong tanong. Pilit kong inaanalisa ang nangyayari. Hindi ako pupwedeng magkamali sa nakita. Hindi ako pupwedeng linlangin ng aking mga mata.
Dalawa sila... nililinlang nila kami noon pa.
"I've been trying–"
"We need to save them. Paniguradong mapapahamak sila!"
Ilang beses kong pinagkakakalas ang kadenang nakapalibot sa mga paa ko pero hindi ko man lang magawang maigalaw ang mga ito nang maayos.
"Si Erl... 'yung text na pinadala niya sakin iyon yung nagamit kong passcode para sa lock ng pinto ng isang kwarto sa lugar na 'yun, Luna. May kinalaman si Erl dito! Kitang kita ko roon ang lahat ng mga tinatago ni Ulan. Pati na ang iilang papeles na hindi ko na halos nabasa kasi nahuli na nila ako! Luna, nalinlang tayong lahat ni Ulan. Lahat ng kilos ng ADU alam niya– Luna!"
Masakit man pero tyanaga kong ilusot ang mga kamay ko para lang makaalis ito sanl pagkakatali. Matalim ang ginamit na lubid sa kamay ko pero wala na akong pakealam sa pagkakataong iyon. Ito na ang pinakaaantay kong pagtatapat.
It's now or never.
Pinangako ko na kay daddy na ipaghihiganti ko siya. Hindi ako nagpunta rito para mamatay, nagpunta ako rito para angkinin ang hustisya.
"L-Luna..."
"Mag-isip ka na ng gagawin, you idiot! Kailangan nila tayo ngayon!"
Naiisip ko pa lang kung ano pang panganib ang pwedeng harapin nila Sinag sa kamay ng mga gagong iyon, kung ilan pa ang kailangang magbuwis na buhay para sa labanang ito ay mas lalo ko lang ginugustong makatulong.
"Kaya mo ba akong malapitan? May handgun ako sa loob ng pantalon–"
"What?! Pwede namang ikaw na lang! Tanggalin mo yang lubid sa kamay ko!"
Imbes na makipagtalo, ibinaling niya na lang ang mga tingin niya sa baba kung nasaan ang mga kamay nitong napapalibutan ng kadenang katulad ng nasa mga paa ko.
Swerte pa palang lubid lang ang akin.
"Ano? Kaya mo ba?"
Gusto kong mainis pa sa lalaki pero alam kong wala na kaming oras para doon. Ilang metro ang layo ng lalaki pero tumaya pa rin ako. Padahan-dahan man ay inuurong ko ang upuan gamit ang pwetan ko. Matagal at katawa-tawa ang itsura ko panigurado pero napuno lang ng katahimikan ang lugar — seryoso kaming dalawa, sigurado yun.
Matagal iton pero nagawa kong makalapit. Halos nagtagal na lang ang pagtitig ko sa lalaki nang naalala kong kailangan kong kalasin ang sinturon nito para tuluyang maabot ang b***l na nasa loob na talaga ng pantalon. Hula ko nakaipit iyon sa balakang niya pero bumaba na noong nagkagulo-g**o.
"Baka naman gusto mo lang akong tsansingan?!" singhal ko pa dahil sa sobrang kahihiyan. Ngayon ko lang ata naramdamang kailangan kong mag-ingat sa buong buhay ko.
One wrong move at may mahahawakan akong pagsisisihan ko habangbuhay.
"Luna... you want to help them, right? Do it." Tahimik kaya rinig na rinig ang mga malalaim kong paghinga. Bwisit naman oh, bakit ba sa dinami-raming pupwedeng pagkuhanan ko ng b***l ngayon dito pa?
"Hoy! Anong ginagawa niyo–"
Nagpabalik-balik ang tingin ko sa lalaking naliligo na sa sarili nitong dugo sa sahig at sa Guardian .32 ACP na umuusok pa. Sa gulat ay kusa nang gumalaw ang mga kamay ko para maprotektahan ang sarili.
Mabilis kong pinagbabaril ang mga kadenang nakapalibot pa sa paa ko maging kay Yvo saka tuluyang tumayo.
Wala nang ibang sumunod na bantay kaya mas lalo lang akong kinabahan. Paano kung nakikipaglaban na ang ADU sa mga The Odds ngayon? At kung oo man, saan kami magsisimulang maghanap?
"I can't believe it! All this time si Ulan–"
Mabilis kong hinawakan ang mukha niya dahil na rin sa pagkataranta ko kaya mabilis din siyang napahinto sa pagsasalita.
"Listen. Dalawa sila! Dalawang tao ang utak ng The Odds... at, magkamukhang magkamukha sila. Paniguradong hindi iyon alam ni Sinag. Mga demonyo sila! Paniguradong plinano nila 'to mula sa simula. Sol, kailangan nating mag-ingat. Kailangang malaman muna to ni Bossing! Kailangan natin silang makita. We should formulate our plan properly dahil kapag nagkamali tayo, baka buong University pa ang madamay! Sol, we can't risk the safety–Yvonne, are you even listening?!"
Kitang-kita ang takot at pangamba sa mga mata ng lalaking kaharap ko. Nakatingin ito sa akin pero alam kong wala ang utak niya sa pinag-uusapan.
Marahil, naiisip niya na naman ang dahilan ng paglaban niya — si Ulrica pati na ang mga magulang nito. Pero hindi kami dapat panghinaan ng loob ngayon! Dapat mas pag-isipan namin ang lahat.
"Matthew and Matheo... twins..."