NAKAKAILANG hakbang pa lang kami mula sa kwartong nilabasan, halos manlumo na ako sa putukang naririnig. Hindi ko na kailangan pang makita ang nangyayari. Alam na alam ko nang natunton kami ng ADU at nakikipaglaban na sila kaya mas lalong hindi dapat kami matagalan sa pagsunod.
Hindi ito basta bastang labanan dahil alam kong eto na ang pinakaaantay ko. We need to win this, pero hindi ko hahayaan na makulong lang ang kambal na iyon.
Ayon kay Sol, nakita niya ang mga pangalang iyon sa mismong kwartong iyon. Malinaw na alam niyang Matthew ang pangalan ni Ulan kaya iyon na ang naging suspetsa niya. Hindi siya naging handa sa katabi pa nitong pangalan. Kambal pala ang kalaban namin kaya rin daw malaki ang koneksyon ng mga ito.
Nang ibaling ko ang tingin ko sa kasama ay mas lalo lang sumeryoso ang mukha niya. Madalas ang pag-igting ng panga nito, halatang-halatang ready na sa p*****n.
"Maybe you need to calm down. Siguradong tumawag na rin ng pulis ang ADU kaya mas lalong lalaki ang laban natin."
Hinarap ako nito at umiling-iling kayanmas lalong naging malinaw sa akin ang panginginig ng mga kamay nito — siguro sa sobrang panggigigil.
Gustong-gusto ko rin silang mapatay dahil sa ginawa nila kay daddy kaya paniguradong triniple pa ang kagustuhan ni Sol. Pamilya niya ang kinuha sakanya.
"No. Hawak nila ang kapulisan–"
"What?! What do you mean?!"
Kinukuha namin ang mga b***l ng makita naming taong nakahilata na sa sahig at mukhang wala ng buhay. Bawat makuha ay talagang iniipit nito kung saan, samantalang ako ay nakuntento na sa dalawang b***l na hawak.
"Kaya hindi sila mahuli-huli dahil hawak nila sa leeg ang mga pulis na 'yan. Sabi ko sayo, malaki ang koneksyon ng mga hayop na 'yan. We can't win against them. Mananalo lang tayo kapag yung mismong may pakana ang natumba natin," seryoso nitong sabi. Deretso lang ang tingin nito sa dinadaanan.
Wala naman akong ibang magawa kundi mamangha. Iba pala ang Sol na kilala ng lahat kapag seryoso. Parang nakakatakot. Napangiti na lang ako sa mga naiisip.
Tama siya, hindi kung sinong tao lang ang pakay namin dito kundi ang totoong dahilan ng lahat ng pagkawala ng mga mahal namin sa buhay.
"Ano na?" Naulunigan ako nang biglaan nitong pagsasalita. Sa sobrang pag-iisip ay napahinto na pala ako sa paglalakad.
"May plano na ako," taas-noo kong sabi.
"Kaya nga dalian na natin!" Tinawanan ko na lang ang pagiging masungit niya saka sumunod.
Tingnan na lang natin kung sino ang hindi nag-iisip ngayon, Ulan.
•••
Nanlalambot ang mgan tuhod ko nang pilit naming dinadaanan ang mga bangkay na tauhan ng ADU. Karamihan sa mga ito ay Patrol at mga Elite kaya hindi ko na maiwasang kabahan.
Pamilyar ang mga mukha ng mga ito pero hindi ko naman alam ang mga pangalan. Ang iilan dito ay paniguradong gustong makapagtapos ng pag-aaral at makabalik sa mga magulang pero nasirang lahat dahil sa mga hayop na The Odds.
Hindi ko mapigilang mapahiyaw ng makita ko sa hindi kalayuan si Boss Sinag. Marami ang naroon pero alam kong hindi maganda ang nangyayari. Nandoon si Ulan at paniguradong hindi pa alam ni Sinag ang lahat kaya halos takbuhin ko ang distansya namin nang bigla akong pigilan ni Sol.
Bigla niya akong hinila dahilan para sumubsob ako sa matigad nitong dibdib. Magrereklamo pa sana ako kaya lang ay agad ko ring naramdaman ang pagyakap ng lalaki.
Ilang segundo akong nabingi dahil sa malakas na kabog ng dibdib. Kung ano man marahil ang dahilan noon ay pinabayaan ko na muna lalo pa't hindi naman naging matagal ang pagyakap.
"Tara na," malamig nitong sabi.
What?! Niyakap ako tapos bigla akong wo-walk-out-an? Okay. Ano naman ang gusto mo kung ganoon, Luna?
Pinagsasapak ko pa ang sarili ko habang sumusunod sa lalaki — kung ano-ano kasi ang pinag-iisip!
•••
"Ang pinakaaantay ko!" sigaw ng isa sa kambal na naroon. Kilala ako nito kaya paniguradong siya ang totoong Ulan.
Handa at nakatutok ang b***l ko sa lalaki, ganoon na rin si Sol na nasa katabi ko. Nakararamdam man ako ng kaonting takot, mas pinapatatag ko lang ang sarili ko. Maraming taong naroon, karamihan pa ay puro alagad ng The Odds. Iilan lang kaming galing sa ADU kaya siguradong hindi magiging madali.
Totoo rin ang sinabi ni Yvonne, wala ngang mga kapulisang dinala si Sinag dahil paniguradong alam niya na rin ang totoo sa mga koneksyon ng kambal.
"Erl..."
Napalingon ako sa direksyon kung saan nakabaling si Sol. Hawak ang Erl na iyon ng dalawang lalaking mula sa The Odds habang nakatutok naman ang b***l ng isa rito.
Teka, akala ko ba kakampi siya ng mga ito?
Nasa tabi ni Erl si Boss Sinag na deretso lang ang tingin. Mukhang hindi nasisindak sa b***l na hawak ni Ulan na nakatutok sa sintido niya.
Hindi ko mabasa ang nasa isip nito pero isa lang ang sigurado ko — handa na rin siyang pumatay.
"Pareng Sol! Halika rito sa tabi ko," mayabang na sabi ni Ulan na parang inaasar pa ako. Nakatitig ito sa akin pero si Sol ang kinakausap habang may nakakaasar na ngiti sa labi.
Binalingan ko si Sol na nakatitig lang sa akin. Nag-aalangan ito kaya deretso ko lang siyang tinitigan.
Come on, Yvonne. You need to move.
Nakahinga na lang ako nang maluwag noong tuluyang umusog si Yvonne papalapit sa lalaki.
Hindi ko na napigilan ang ngumisi. Nakakatawang nakita pa tuloy iyon ni Bossing kaya kinunutan niya lang ako ng noo saka umiling.
Tinitigan ko ito ng deretso saka biglang ibinaba ang tingin sa mga paa kong iba ang ayos — nasa unahan ng kaliwang paa ko ang kanan, saka tumingin ulit sa lalaking nagsilbi ko na ring tatay.
You'll be safe — iyon ang ibig sabihin ang aksyon sa paang iyon. Danger naman kapag magkadikit ang mga ito.
Ngumiti ito sa akin ng ilang segundo pagkatapos ay umiling muli.
Anong ibig nitong sabihin?
Ilang sandali pa, napasinghap ako ng maramdaman ang matigas na bagay sa ulo ko mismo. Nahulaan ko na iyom agad, naisip ko na ang plano ng kalaban. Minsan maganda rin palang nanonood ako ng mga cliché na action movies.
"Luna!" bulalas ni Yvonne pero itinunop ko lang ang bibig ko. Pilit ko lang pinakikiramdaman ang lahat.
"One wrong move and say goodbye to the most precious gem of Ajencia De Unibersidad," malamig na pagkakasabi ng lalaki sa likuran ko. Hindi ko napigilan ang magyukom ng kamao. Parehang pareha ang boses ng dalawa kaya hindi malayong magpanggap silang isa't isa. Ilang beses kaya pumasok ang isang ito sa headquarters?
Natahimik ang lahat. Ilang minutong nagtititigan at nagsasagutan pero wala ni isang nangunguna sa paglaban.
Except me.
I'm tired of these shits.
Hindi na lang ito basta tungkol sa ama ko. Ipaghihiganti ko rin ang lahat ng mga nagbuwis ng buhay para sa punyetang The Odds na yan.
Kahit delikado...
Kahit hindi sigurado....
Alam kong magiging proud din sakin ang daddy ko.
"Any last words, Lady of the Moon?" nanunuyang sabi ng lalaki sa likuran ko — si Matheo.
"YUKO!" Sa isang iglap, agad kong sinipa ng buong lakas ko ang kaliwang paa niya dahilan para mapadaing siya ng sobra. Tumalsik ang b***l na hawak niya at malakas ang naging pagbagsak nito sa sahig.
"Wala silang lakas kung hindi sila magkasama. Kaya maghihiwalay tayo. Paniguradong hawak ni Matthew si Ulan kaya si Matheo ang magbabantay sa'yo. Ang putol niyang kaliwang binti ang magiging sagot sa lahat. Hindi alam 'yun ng lahat sigurado ako. Nakakatayo siya nang maayos dahil sa artificial leg. Iyon ang nakita ko sa iilang picture ng kambal sa kwartong iyon..."
Samu't saring putok ng b***l ang sunod-sunod kong narinig. Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari. Nagawa kong paulanan ng bala si Matheo pero hindi ko na nagawang makalingon sa likuran kug nasaan sila Sol at Sinag. Biglang sumirit ang nakamamanhid na sakit sa likuran ko. Napapikit ako, pilit iniinda ang lahat habang umuusal ang mumunting panalanging sana nagtagumpay kami. Sana nagawa naming naipaghiganti ang lahat.
Inaabangan ko na lang ang pagbagsak ko sa sa sahig dahil sa labis na panghihina pero hindi iyon ang nangyari nang maramdaman ko ang kamay na biglang pumulupot sa katawan ko.
Ramdam ko ang pag-angat ng katawan ko pero hindi ko na magawang maibukas pa ang mga mata ko.
"Luna, we did it. We won! Naipaghiganti na natin sila. Open your eyes please!"
Hindi ko man nakita ang lahat, masaya ako sa nalaman. Nagawa namin... paniguradong masayang masaya na ang lahat kung nasaan man sila ngayon — lalo na si daddy.
Iyon lang ang bagay na nasa isip ko bago ako tuluyang mawalan ng malay.
We did it, well, atleast.