"SIGURADO ka ba talagang hindi na kita kailangang dalhin sa ospital?"
Sinubukan kong tabihan siya at umupo rin sa damuhan. Yakap niya lang ang bag niya pagkatapos niyang uminom ng mga gamot.
Akmang susuntukin ko na sana siya kanina noong bigla siyang dumaing sa sakit. Noong una, hindi ko agad pinansin ang mga iyon dahil akala ko nagbibiro lang para makatakas sa mga sapak ko pero nang nagsimula nang manginig ang mga kamay niya, doon na rin ako nagpanic.
Pagkatapos noon ay dali-dali ko na lang siyang tinulungang makaupo. Saka niya pa lang nahanap ang backpack na nahulog kung saan at uminom ng gamot.
"Okay... lang ako," nanghihina pa nitong sabi.
Marami sana akong gustong itanong. Kaya lang hindi ko naman kilala ang lalaking ito lalong lalo na hindi kami close kaya bakit ko naman gagawin iyon.
Pero kasi, hindi mawala sa isip ko ang mga gamot na ininom nito kanina. Marami iyon para sa sakit ng ulong sinasabi niya.
"Don't tell this to anyone," seryoso niyang sabi kaya napairap na lang ako sa kawalan. At kanino ko naman maaaring sabihin? Ni hindi ko ng kilala ang taong ito at wala rin naman akong pakealam.
"May kotse ka ba?" napatingin ito sakin, mukhang nagtataka.
"Ihahatid kita. Amina susi mo," I said cooly. Syempre! Baka kung ano pang isipin ng lalaking ito no.
Pasalamat siya nasa mood ako para maging mabuting bata ngayon.
May kinuha siya sa bulsa niya pagkatapos ay agad na inabot sa akin ang susi. Akmang tutulungan ko na sana si Axl ng dumating doon si Lirik.
"What the hell?" bungad ko rito.
"What?" pangisi ngisi pa ito na parang demonyo. "Liam at your service," sabi niya pa.
Well, hindi na ako magtatanong kung paano ito napunta rito. Uso na ngayon ang GPS. Kaya hindi na rin uso ang privacy.
Paniguradong pinahanap ako ni Bossing Sinag kaya andito itong epal na to. Akala niya, hindi ko pa nakakalimutan iyong hindi niya paggising sakin kanina kaya ako late? Manigas siya.
Hindi niya kilala si Axl pero mabilis pa sa alas kwatro niya itong inalalayan hanggang makasakay kami sa sasakyan.
Hindi ko na rin nagawang bitawan angg susi at nauna nang pumasok sakanila. Mabilis kong ini-start ang sasakyan hanggang sa marinig ko ang katok ni Lirik mula sa labas. Nailapag na niya si Axl sa uupuan nito.
"Sumakay ka na, sigurado hinahanap na ako ni Tatay." sabi ko na lang habang nakababa pa ang bintana noon.
"Umalis ka, ako ang magmamaneho." mabilis kong inilabas ang dila ko at ginamit iyon pang-asar sakanya.
Sa huli, wala itong nagawa kundi ang umupo sa likuran na mukhang pikon na pikon na.
Mabilis kong pinaandar ang sasakyan. Paminsan minsan tumitingin ako kay Axl na nakatingin lang sa labas ng sasakyan.
Ilang beses ko ring inisip na kausapin ang binata pero hindi ko na pinilit. Mukhang problemado at ayaw ko na makadagdag sa inis. Palihim kong tinawanan ang sarili.
"I'm Liam. Ikaw, pare?"
Gusto kong bumungkaras bigla ng tawa sa pagiging friendly ni Lirik. Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa lalaking ito.
Una basta basta na lang ang punta sa sementeryo, tapos biglang ang bait bait. Nakihithit ata ito sa The Odds, eh.
"Axl," sabi ng lalaki at binalingan pa siya saka nginitian.
"Bakit ka nga pala nasa sementeryo?"
Parang gusto kong batuhin si Lirik sa pagiging insensitive ng tanong niya pero bago ko pa magawa ay sinagot na siya ng binata.
"Dinalaw ko lang si Daddy," sabi niya na hindi pa rin naaalis a ngiti sa mukha.
"He left when I was seven. Namiss ko lang kaya gan'on," sabi niya kahit hindi na nagawang magtanong ni Lirik.
Natameme ang hayop. Tatanong tanong pa kasi! Ano akala niya? Pumunta roon si Axl para gumawa ng research paper?
"Kayo? Ikaw, Ate MJ?"
Napuno ng tawanan sa loob ng sasakyan at syempre nangunguna roon ang pandemonyong tawa ni Lirik.
Papansin talaga ang lalaking iyan!
Mas mauuna ko pa atang gilitan kaysa sa The Odds.
"Ikaw, MJ?" pag-uulit ni Axl nang maramdaman niya sigurong sasabog na ako sa sobrang inis.
"Ewan ko sainyo!"
Deretso kami agad sa HQ pagkatapos naming mahatid si Axl. Papapasukin pa sana kami sa bahay niya pero agad na akong humindi. May pagkain sana pero malalagot naman ako panigurado kay Boss Sinag nito.
Sasabihin na naman niyang "Naka-on na naman yang Lakwatsera mode mo!"
Kaya hindi na kami sumubok. Marami pa namang pagkakataon panigurado. Akalain mo, siya lang pala ang nakatira sa malaking bahay na iyon.
Nang makarating kami sa HQ, hindi nga ako nagkamali. Mainit na agad na ulo ni Sinag at halatang halata iyon sa kunot nitong noo pagkapasok ko.
Napaismid ako nang makita roon ang espiya. Kausap ito ni Boss at mukhang seryosong seryoso ang lagay.
Nang makita ako nito, halos magbuga na siya ng usok. Akala ko pagagalitan ako nito dahil sa paglalakwatsa pero nagkamali ako.
"Ikaw talagang bata ka, hindi ka tumitigil! Ilang beses ko nang ipinaliwanag sayong hindi espiya si Sol. Matagal ko na siyang kilala at ako mismo ang gumawa ng paraan para makapasok siya rito–"
Nahinto siya sa pagsasalita, doon ko nakita na sobrang namumula ang mukha nito at mukhang iritang irita talaga sa akin.
Inalalayan siya ni Yvonne para maupo kaya ganoon na lang rin ang ginawa niya. Napahagikgik ako sa sarili, mukhang aatakihin pa si Boss dahil sa akin.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yong bata ka!" asik niya pa.
Wala akong ibang nagawa kundi magpeace sign sakanya habang pilit na nakangiti pero mas lalo pa ata siyang naasar.
Nasobrahan na ata talaga sa akin.
"Boss naman kasi. Inip na inip na po ako. Kailan ba natin mapapatay 'yang The Odds na 'yan?"
Mabuti naman ay nagawa ko nang makapagtanong. Iyon naman talaga kasi ang iniisip ko. Hindi ko na kasi kayang mag-antay. Sobra sobra na para sa akin ang ilang taong paghiling na dumating ang araw para doon.
At hindi ko na kayang humiling pa ngayon.
Gusto kong hawakan ang pugot na ulo nang presidente ng The Odds! I'll make them pay.
Si Dad na lang ang mayroon ako at kinuha pa nila iyon. Now, I have nothing! Ako na lang mag-isa! Ako na lang!
Sa sumunod na minuto, natahimik na ako. Hindi ko na nakontrol ang pag-iisip ko sa mga hinanaing at reklamo ko. Hindi na natigil ang isip kong sisihin ang kung sino.
"Kaya pinatawag ko kayong dalawa ni Agent Sol because I have a plan and a tip," taas-noo niyang sabi.
Gusto kong umangal at kulitin siya katulad ng palagi kong ginagawa pero sa pagkakataong ito, bigla akong nanghina. Bigla kong naalala ang lahat. Ang pagkawala ni Mommy noon pa, ang paglipat namin. Ang pangungulila, pati ang pagkawala ni Daddy.
"Ano po 'yun, Boss?" Si Yvonne na ang sumagot.
"Nakuha na namin ang address kung saan sila posibleng nagkukuta," pangiti ngiti nitong sabi na siyang nakakuha ng atensyon ko.
"But... hindi pupwedeng lulusob tayo lahat dahil delikado. Maraming tao ang nasa lugar, mga inosente at pupwedeng madamay. Isa pa, hindi tayo basta basta magtitiwala sa kung sino man ang nagbigay ng tip na ito. Kailangan niyo muna iyong manmanan so, I want you... Agent Sol pati ikaw Luna. Magbabantay kayo roon hanggang sa makumpirma nating sakanila nga ang lugar. I can't risk my people and I have trust in you guys kaya mamanmanan niyo muna habang nagpaplano kami ng mga susunod na habang kasabay ang pagbibigay niyo ng impormasyon araw-araw–"
"Teka, teka..." Huli na pero ngayon lang nagsipasok ang mga impormasyon sa akin.
"Mamanmanan? Mamanmanan lang namin? Are you kidding me? They deserve to die! We must kill them!"
Naihilamos ni Sinag ang palad niya sa mga mukha kaya si Yvonne na ang sumagot. "Kailangan pa natin ng matibay na ebidensya, Luna. They are powerful, pupwede nilang malusutan–"
"And then what?!" sigaw ko. Hindi ko na naman halos mapigilan ang mabilis na pagkabog ng dibdib sa sobrang galit na nararamdaman. "We'll get evidences then ipakukulong natin sila?"
Nakita kong tumango si Yvonne kaya bago pa ito makasagot ay agad ko nang sininghalan.
"Hell no! Hindi iyon ang gusto ko! Hindi 'yun ang dapat! Dapat mawalan mismo ng buhay sa harap ko ang pumatay kay Daddy!"
Bago pa man rumagasa ang mga luhang kanina pa nagbabadyang lumabas, tumakbo na ako agad palabas. Hindi nila ako pwedeng makitang umiiyak.
Hindi nila ako pwedeng makitang mahina.