"ISANG buwan?!" Halos maghuramentado ako kahit handang handa na ang lahat. Nakahanda na ang bagahe namin, nakahanda na rin ang sasakyan.
Ngayon pa lang, gusto ko nang bumalik sa kwarto ay humilata. Mas gugustuhin ko pa atang araw-araw na pumasok sa major subject kaysa makasama ng isang buwan ang lalaking ito.
"Well, kung makakakuha agad kayo ng lead. Pero kung wala, baka matagalan pa kayo–"
"Oh, come on!"
Nagpapadyak pa ako sa harap ng pinto ng HQ at halatang gustong gusto nang magback-out.
Hinawakan ni Boss Sinag ang dalawa kong balikat at tinapatan ako ng tingin. "Luna, look. You need to trust me. You need to trust ADU. Kayong dalawa ang papupuntahin ko dahil sa ngayon, kayo lang ang nasisigurado kong hindi manlalaglag sa grupo. I trust you, Luna. I admire your eagerness. Alam kong gusto mong paghigantihan ang mga taong 'yan so used that as a motivation. Matatapos din ang lahat ng 'to, Luna. At mananalo tayo. But now, you need to focus."
Hindi ko alam kung paanong bigla na lang akong agad na nakumbinsi ni Boss Sinag. Parang sa isang iglap, bigla na lang nawala lahat ng pag-aalangan ko.
Tama siya. Kailangan kong gawin ito, kailangan kong gawin lahat para kay Daddy. For once, I know that he will be proud of me. For once, alam kong magiging worth it din ang lahat ng mga paghihirap namin.
Hindi rin nagtagal ang paghihintay nang dumating si Yvonne na humahangos pa.
"You okay? Okay na ba si Ulrica?"
Doon ko naalala ang babae. Pagkatapos noong pag-uusap namin sa food court noong nakaraan ay hindi ko na siyang muli nakausap o kahit makita.
"Yup. Thank you for letting Ligaya..." simpeng nagkatinginan ang dalawa at agad na tumango si Boss.
Hindi kumpleto ang pahayag na iyon kaya nagtaka rin ako. Inilibot ko ang paningin at hindi nga nakita roon si Ligaya. Saan naman nagpunta ang babae?
"Ihahatid kayo ni Lirik sa lugar pero malayo layo pa ay ibababa na niya kayo. Lalakarin niyo pa pero malapit lang naman. Ayokong pagtinginan kayo ng mga tao roon so you need to act like the normal ones. You need to disguise as another person dahil kung may mangyari man, mas mabuti nang tago ang identidad ninyo sa lahat. Mas mabuti rin kung makahalubilo kayo sa mga taong naroon para hindi maghinala ang mga kalaban," dere-deretsong sabi ni Boss na sinundan pa ng sandamakmak na bilin.
Ayaw na ayaw ko ang inuutusan at dinidiktahan pero sa pagkakataong ito, alam kong totoo ang lahat ng sinabi niya. I need to focus. Ito na dapat ang huling planong ggagawin namin sa mga The Odds dahil inip na inip na ako at sigurado akong ganoon din si Dad.
"Noted. Now, saan ba ang lugar na iyon?" sabi ko hahang inilalabas ang cellphone sa bulsa ng pantalon. Balak ko kasing isearch kung saan mang lugar kami ipatatapon.
"Sa Saisel," sagot ni Boss Sinag kaya agad ko iyong tinipa sa selpon ko at sinearch. Hindi kasi ako pamilyar sa lugar kaya ganoon na lang rin ang pagkagimbal ko nang hindi ko na halos makita sa mapa ng Bicol Region ang lugar.
"Nice joke, tatay."
Tsang ama! Hindi siya nagbibiro. Talagang sa bundok kami dadalhin nitong si Lirik. Ayaw naman na ata sa amin ni Boss Sinag, eh. Dapat sinabi niya na lang! Hindi iyong ipapadala pa niya kami sa ganito para kainin ng mga mababangis na hayop.
Natawa na lang ako sa sarili dahil sa pagiging OA. Actually, hindi naman talaga puro kakahuyan ang nandito. May mga kabahayan rin naman pero aabutin ng tatlong oras bago makarating sa bayan.
Imagine?!
Paano kapag bigla sila nagcrave ng chicken joy sa Jollibee?!
Ang sabi ni Boss, ibaba lang kami ni Lirik sa kanto pagkatapos ay kami na ang bahalang matunton ang bahay. Sinadya niya rin talagang pasuotin kami ng tshirt at pantalon para raw hindi kami pagtinginan ng mga tao.
Pasado alas otso ng umaga kami umalis doon at mag-aalas tres na ngayon. Marami pang naging bilin si Lirik bago kami makarating sa bababaan. Kesyo magtetext daw ako lagi sakanya dahil hindi naman daw problema ang signal sa lugar. Tatawag rin daw ako agad kapag may problema o may napapansin akong hindi dapat.
Halos hindi ko maigalaw ang mga binti ko dahil sa sakit ng pwet sa kakaupo pagkababa. Agad ding umalis si Lirik dahil kabilin bilinan ni Boss Sinag na huwag daw naming ipapahalata ang pagdating.
Mahigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng duffel bag na dala habang tahimik naming binabagtas ang daan patungo sa bahay na tutuluyan namin.
Honestly, the people are creeping the hell out of me. Totoo nga ang sinabi ni Boss, pagtitinginan nga kami. Maganda talaga ang ideya nitong huwag isuot ang mga paborito naming damit.
After a few minutes that felt like an hour to me, narating din namin ang bahay. May kaliitan iyon pero swerte na lang dahil may pangalawang palapag.
Agad agad akong pumasok. Hindi na rin ako nagulat kung maayos na ang mga gamit doon dahil may pinadala na si Sinag noong isang linggo para makapag-ayos. Agad kong ibinagsak ang sarili ko sa maliit na sofa na naroon.
Kakaonti lang din ang mga gamit pero siguro akong sapat na iyon para sa ilang linggong pananatili namin doon.
Umupo rin sa tapat ko si Yvonne. Katulad ko, mukhang hapong hapo rin ito sa byahe. Nang magkatinginan ay halos sabay pa kaming bumuntong hininga.
Ngayon pa lang, hindi ko na ito naiisip na magandang ideya. Kinukutuban na ako agad. Pero taimtim ko pa ring hinihiling na kung nasaan man si Daddy, mabantayan niya pa rin ako.
Ayokong mamatay ng hindi man lang siya napaghihiganti, ano!
"What now?"
Wala akong nakitang sagot sa mga mata ni Agent Sol. Mukhang katulad ko, hindi rin siya makapaniwalang magiging magkasama nga kami sa iisang bahay ngayon at sa mga susunod pang araw.