Five: The ball

1356 Words
"Hoy, wala namang biruan dyan!" natatawa tawa ako habang nagsasalita. Paano kasing nandidito kami sa conference hall at lahat sila ay nakabihis na — ng nagkikintabang mga gown?! "Hindi naman kami nagbibiro, Luna." seryoso akong nilapitan ni Ligaya, pagkatapos ay nag-abot ng puting damit sa akin. Nagdali dali akong tiningnan at bumungad sa akin ang nakapaiksing peasant dress. Inis ko iyong naibagsak sa mahabang mesa ng confe hall. "I am not wearing that—" "Yes, you are." naputol ang sinasabi ko noong pumasok si Bossing Sinag. Seryoso ang mukha nito at parang abang na abang na sa misyon namin para mamaya. "I'll be attending the ceremony. Kapag nagsimula na akong magsalita sa unahan, iyon na ang magiging hudyat ninyo para kumilos." bumaling naman ito sa akin. "That's a ball, Luna. Ano ang gusto mong isuot? Pants at oversized shirt? O baka naman ball gown pa ang gusto mo? Ako mismo ang pumili ng damit na 'yan. Alam kong hindi kayo mahihirapan kumilos unlike that ball gown," dagdag pa niya. Muli ako nitong tiningnan kaya tumango na lang ako. Wala naman akong choice, hindi ba? Lalo pa dahil galing kay Bossing ang desisyon. Madali akong nakapagbihis, hindi na rin ako naglagay ng kung anong kolorete katulad nila at nilugay ko lang ang buhok ko. Sa madaling oras lang, nasa BUCENG Gymnasium na kami. Bumungad agad sa amin ang sandamakmak na estudyante. Mga estudyanteng madadamay kapag hindi namin napigilan ang The Odds na iyan. Peasant dress ang suot na pinaresan ko na lang ng Lita boots, tama nga si bossing. Hindi nga mahirap makagalaw sa damit na ito at marami pang pwedeng pag-ipitan ng mga gagamitin. "May nakaupo ba rito?" pinili kong maupo sa grupo ng mga engineering students. Anytime now magsisimula na ang mga napag-usapan, kailangan ko lang mas maging handa ngayon. I mean, we shouldn't fail now! Napakalapit na sa amin ng kalaban, hindi pa namin magawang mahuli. "Wala naman po," sagot ng isang lalaking mukhang freshman kaya dali-dali na rin akong umupo. "I'm Axl." nilingon ko muli ang katabi kong iyon matapos nitong makapagsalita. Pormal na pormal ang suot niya at wala naman itong kasamang ibang babae bukod sa iilan pang kasama niya sa mesa na parang mga kaibigan at kaklase niya lang. In-obserbahan ko nang mabilisan ang kilos nito. He's a student, wala namang balak na masama. "MJ," tipid kong sagot pagkatapos ay inilibot ko na ang paningin sa lugar. Mula rito, tanaw ko sila Lirik, Ligaya at Sinta na nasa iba't ibang colleges nakapwesto. Namataan ko rin si Ulan na nakikipag-usap sa iilang admin ng eskwelahan. Sa misyon kasing ito, ang Alpha, Supreme at Elite ang magtutulungan. May hiwalay na misyon rin kasi ang mga Patrols. "MJ? Short for?" binalingan ko siyang muli, naiinis na. Kaya rin siguro wala akong ni isang kaibigan sa labas ng HQ ay sa madali akong mainis. "Just MJ," I said in a dismissive tone. Makiupo lang naman talaga ang layon ko rito, hindi ko naman inihanda ang sarili kong makipag-usap. Hindi na rin umimik ang lalaki, siguro ay nakuha na niya ang gusto kong iparating. Nang magvibrate ang gadget na nasa tainga ko, iniluwa noon ang boses ni Lirik. "In three, two, one.." Agad na umakyat si Boss Sinag sa stage, hudyat para simulan na namin ang pag-iikot. Iniwan ko ang upuan ko at minabuting magtungo sa pwesto — nursing students. Dito ang tinumbok ko dahil pinanghahawakan ko pa rin ang sinabi ng kalbong nasa impyerno na ngayon. They want fun and excitement.. Isa pa, ito ang pinili ko dahil bukod sa Education students marami rami ang mga babaeng naririto. Mas gusto ko silang protektahan. Mas lalong gusto kong obserbahan dahil paniguradong magiging mainit ito sa mga kalaban. Pagkatapos magsalita ni Bossing, nagsimula na ang party! Mas lalong naging maingay ang lugar, mas naging magulo. Mas kailangang hindi ko alisan ng tingin ang lugar. Hindi dapat ako malingat dahil sa iisang segundo ay marami na ang pupwedeng mangyari. It's... actually harder than I thought. Maingay rin kasi kaya hindi ko maideretso ang atensyon ko. Kung hindi pa nga ako magtatakip ng tainga ay hindi ako makababalik sa tinitingnan. Isama mo pa ang papalit palit na ilaw na masakit na sa mata. Bullshit! Dapat hindi dito manggulo ang The Odds. The students were very happy! Isang maling kilos lang ay pupwede na silang mapahamak. Naging madiin ang titig ko nang mamataan ang lalaking kahina-hinala sa grupo ng mga babae. Tahimik lang ang grupo na iyon kaya nakapagtataka. Dahan-dahan ko iyong nilapitan kaya hindi nakalusot sa mata ko ang biglaang pag-abot ng lalaki ng panyo sa mas batang babaeng naroon. Panyo?! Ayan na ang pandisguise nila?! Pathetic! Malalapitan ko na sana ang lalaki nang bigla itong mabilis na kumilos papalayo roon dahilan para mas lalo kong makita ang mga babaeng naiwan niya. Hawak pa rin ng babae ang panyo, parehas silang gulat sa biglaang pag-alis ng lalaki. "Miss, pahiram muna." Hindi ko na inantay ang saabihin ng babae, basta ko na lang hinablot doon ang panyo at sinundan ang lalaking kalalabas lang ng gym. Lintek! Hindi ako papayag na matakasan pa ako ng alagad ng The Odds na iyan! Namumuro na sila sa akin. Nang lumiko ako sa isang maliit na daan malapit sa kantina ng campus, mabilis kong nakita roon ang lalaki. Ibinulsa ko muna ang panyo saka inilabas ang Walter PPS kong b***l na nakuha ko pa sa mesa ni Bossing Sinag kanina habang pilit na hindi winawaglitan ng tingin ang lalaking kanina pa sinusundan. "Kapag tuta talaga ng The Odds, tanga magtago." Napansin ko ang pagkagulat ng lalaki, lilingon pa sana ito nang maramdaman ang nguso ng b***l kong nakadikit sa likod ng ulo niya. One wrong move, tatalsik ang utak niya —kung mayroon man. "Ibaba mo ang b***l mo," malumanay ang pagkakasabi niya na siyang agad na ikinataas ng kilay ko. "May miyembro pala kayong kalmado?" bahagya akong natawa. "At hindi kalbo, ha." He tsked. Napikon ko pa ata ang loko. "That's because hindi ako miyembro ng The Odds," sagot niya. "Now, put your g*n down." Hindi ko na napigilan ang pag-iinit ng ulo dahilan para mas lalo kong ipagdukdukan ang dulo ng b***l ko sa uluhan niya. "Bakit ako maniniwala sa'yo? I saw you! Tapos nung napansin mong nakita kita, tumakbo ka? Tatakas ka pang kupal ka ha—" "What?!" iritado na ang lalaki. "Kupal? Ano 'yun?!" Bumaba ang tingin ko sa batok nitong may Letter D. 'D' ang pinapatattoo ng mga miyembero ng ADU na nasa ikalawang posisyon — ang mga Alpha. Kapareha ng tattoong iyon ang kay Ulan. Sa natuklasan ay mabilis kong naibaba ang b***l ko kaya madali rin ako nitong nalingon. "Sino ka ba?" tumaas ang isang sulok ng labi nito habang pinapagpag ang damit. "Alpha ka?" imbes na sagutin ay mabilis ko itong binato ng panibagong tanong. "Oo," inis nitong sabi. "At anong kupal? Ako?" Hindi, ako tuloy. Ikaw nga sinabihan ko 'di ba? "Panyo ng kapatid ko 'yang nasa bulsa mo, ah." usal pa niya. Mabilis ko iyong inilabas at agad na inihagis sa mga kamay niya. Hindi ko rin kasi makontrol. Hindi ko rin alam kung bakit bigla akong kinakabahan sa lalaking ito. Kung tutuusin, para ring si Ulan ang kaharap ko pero mas bata lang ang lalaki. Nagagawa ko ngang sagot sagutin ang Ulan na iyon kaya bakit hindi ko ata magawa dahil sa kabang nararamdaman ko. "I'm Agent Sol, an Alpha." Imbes na magpakilala rin ay inirapan ko na lang. Buong akala ko pa naman, makahuhuli akong muli ng The Odds pero naging malabong mangyari dahil mas pinagtuunan ko ng paningin ang lalaking ito. Bwisit! "Kaya ako tumakbo kanina dahil may hinahabol ako. Pinaghihinalaan kong miyembro iyon ng The Odds. Kaya lang nawala sa paningin ko dahil bigla na lang may nanunutok ng baril." Nakataas na ang mga kilay ko at handa na sana itong supalpalin nang biglang magvibrate ang gadget na nakakabit sa tainga ko. Sabay pa kaming napahawak doon. Mayroon din pala siya! Bakit hindi iyon ang una kong nahalata? Malalim na paghinga mula kay Sinag ang bumungad sa akin, "We lost them."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD