Yvo Funtelar's
"KUNG hindi lang ako nalingat, siguradong siguradong supalpal 'yang mga hayop na 'yun sakin." napaismid na lang ako sa sinabi ng babaeng iyon.
Mayabang.
Pagkatapos ng naging tawag na iyon ni Agent Sinag, minabuti nitong papuntahin kaming muli sa Headquarters.
Matagal tagal na akong hindi nakapasok rito dahil kung oo man, nasa kwarto ko lang ako at kadalasan nagpapahinga. Nagpupunta lang ako tuwing wala akong matuluyan kapag inaantay ko si Ulrica — my sister, pati na rin ang rason kung bakit ako nandito sa ADU.
Ulrica was r***d when she was grade 10, sixteen years old. Pero kahit ilang taon na ang nagdaan, kahit first year college na siya ngayon.. hinahabol pa rin siya ng mga alaala. Madalas pa rin niyang napapanaginipan ang mga iyon at ako, biglang kuya niya, hindi ko kayang basta tiisin na lang.
Ginawa naming magsumbong sa pulis pero dahil sa pagiging makapagyarihan ng The Odds, nakagawa sila ng paraan para malusutan ang kasong iyon.
Kaya ngayon, sinisigurado ko nang mahuhuli na namin ang utak ng The Odds na iyan lalo pa dahil pumasok na rin ito sa University.
Mas malapit, mas madali.
Our parents died when Ulrica's on the 12th grade. Dagdag sakit pa iyon para sa kapatid kong hindi pa halos matanggap ang ginawa sakaniya ng mga hayop na The Odds na iyan. Kaya ngayon, kaming dalawa na lang ni Ulrica sa bahay. Alam na rin iyon ni Agent Sinag, dahilan ng hindi ko pananatili sa headquarters. Minsan lang rin ako makapagparamdam kapag alam kong ayos lang ang kapatid.
She's all I have. Hindi ko na talaga kakayanin kung pati ang kaisa-isahan kong kapatid ay mawala pa sa akin.
Namatay sina Mommy at Daddy sa isang car accident. Ginawan na ng paraan iyon ng mga pulis pero hanggang ngayon, patuloy pa rin ito sa pag-iimbestiga dahil wala ni isang lead na makuha. Pati ang mga cctv sa lugar ay wala.
Car accident daw, pero hindi ni minsan sumagi sa isip kong totoo ang mga iyon. It was am ambush. Kung sino ay may pakana? Isa lang ang alam ko.
Dahil sa pagsusumbong namin sa pulis sa nangyari kay Ulrica, iyon siguro ang pagganti nila.
Kaya na rin itinuloy ko ang pag aabogasya, gusto kong ako mismo ang makapagpatunay sa mga taong iyon na mali ang totoong nalalaman nila tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ko.
"Bulag ata 'tong mokong na 'to, eh."
Matiim kong binalingan ang babaeng nagsalita, kanina pa pala iyon sa tabi ko. Kanina niya pa rin iwinawagayway ang mga kamay niya sa harapan ko pero hindi ko man lang iyon napansin sa lalim ng iniisip.
"Anong ginagawa mo?"
Inirapan ako kaagad nito. "Tsine-tsek kung talagang sa ADU ka talaga. Mukha kang The Odds, eh."
Aba't! "Ako pa ang mukhang The Odds, ha? Baka ikaw? Hinabol mo ako kanina para hindi ko tuluyang masundan ang kakampi mo, 'di ba—"
"Hoy!" lumakas na ang boses babae at nagawa pang tumayo, pagkatapos ay tinuro turo ako. Napansin ko rin ang pananahimik ng iilang nasa conference hall at pagbaling sa amin. "Excuse me, ha! Ikaw itong may drugs sa panyo at ibinigay mo pa roomn sa babae."
Tumaas na rin ang kilay ko, what's wrong with this girl?
"That's my sister. At natural aabutan ko siya ng panyo dahil ayoko—"
"What an alibi! Akala mo ba hindi ko 'yan narinig sa iilang—"
Napatayo na rin ako. Iniisip talaga ng babaeng ito na kalaban ako?
"That's nonsense–"
"–espiya ka siguro, ano?!"
Sabay kaming natigilan noong padarag na ibinagsak ni Agent Sinag ang b***l na hawak. "Luna, get out."
Sabay sabay naming binalingan ang babaeng nasa harapan ko. Tahimik na ito ngayon, malayong malayo sa malalakas na sigaw nito kanina.
"Bossing, hindi—"
"I said get out." madiin ang pagkakasabi noon ng lalaki kaya wala na ni isa sa aming nakaimik.
"Boss, pasensya—"
"Get out! Now!"
Mabilis na tumakbo papalayo roon ang babae, pagkatapos ay agad namang sinundan ni Agent Lirik. I know him, madalas na rin kaming nagkikita noon pa dahil kay Agent Ulan. Hindi ko lang alam kung bakit ngayon ko lang nakita ang babaeng iyon.
Bakit niya naman iyon susundan?
Napaismid ako ng maisip ang posibleng dahilan. Minabuti ko na lang ng makinig sa sinasabi ng Boss.
Ayon sakanya, nakakapagtaka raw kung papaanong palaging handa ang The Odds. Parang gamay rin daw nito ang bawat galaw ng ADU kaya madali para sakanila ang makalusot tuwing may operasyon kami.
Sobrang nakakapanghinala nga iyon. Nakakakuha kami ng tip patungkol sa mga kilos nila, tapos ganoon din sila? Kanino naman posibleng manggagaling iyon?
Natapos ang meeting na iyon ng puro katanungan lang ang naiwan sa akin. Kailangan pa namin iyong imbestigahan pero isa lang ang sigurado ko.. isa sa amin ang hindi dapat naririto. May traydor sa grupo!
Pagkalabas ng HQ ay saka ko pa lang namataan si Ulan, humahangos papasok. "Tapos na 'yung meeting," sabi ko dahilan para mapatigil siya.
"Gano'n ba? Ano naman ang mga napag-usapan? Bakit daw hindi natin mahuli huli 'yang The Odds?"
Nagkibit-balikat muna ako bago sumagot, "Mga susunod na plano lang naman at pagtataka kung bakit parang may nagti-tip din sa mga The Odds."
Bahagyang tumaas ang kilay ng kaharap at pinagkrus ang mga braso sa tapat ng dibdib. "Tip? Like a spy? May traydor sa loob?!"
Pasimpleng tumango lang ako, "I really need to go. Nasa loob pa naman si Boss. You can talk to him."
Nang tuluyang makapaglakad paalis, bumalik na naman ang mga kaisipan na kung mayroon kang espiya sa ADU... sino naman marahil iyon?
Alam kong wala sa akin ang karapatan para magbintang sa iilang ADU na naroon dahil madalas naman akong wala ay hindi ko pa rin maiwasang mag-isip.
Sasakay na sana ako sa kotseng dala nang may sigawan akong narinig. Madilim na sa paligid, kung iisipin ay baka alas dos na rin ng madaling araw.
Nang ilibot ko ang paningin, dalawang lalaki ang nakita kong nanghihigit sa isang maliit na babae. Dali-dali ko iyong pinuntahan, tinapik ko pa ang KEL-TEC PMR 30 na matagal tagal ko ng hindi nagagamit.
"Mga bossing, anong problema natin dito?" I asked them calmly pero may isang akala ko may basta na lang hinulugan ng bomba at bumunot kaagad ng b***l.
"Ikaw, isa ka pa 'wag kang mangealam—"
Nakahinga ako nang maluwag ng isang bala ng b***l lang ang kinailangan kong gamitin para humandusay sa harap ang lalaking iyon. Hindi masyadong nag-effort ang paborito kong b***l.
Dahil nagulat na rin ang isa nitong kasama, madaling naagaw ng babae ang hawak nitong b***l at malakas din niya itong nasuntok sa mukha.
"Solid punch," natatawa tawa ko pang sabi. Akmang hahawakan ko na sana ang lalaki nang bigla itong kumaripas ng takbo.
Wala kaming naging choice kundi humabol. Pupwede rin kasi iyong maging tuta ng The Odds and we wouldn't waste the moment. Baka ngayon ay may malaman na kami.
"Move and I'll shoot you dead," maawtoridad kong sabi. Tutal naman dead end na ang eskinitang napasukan niya, paniguradong wala na itong kawala sa amin.
Kaya ganoon na lang ang pagiging kampante ko. Baka may malaman na kami, kahit iilang impormasyon lang.
O kahit kung sino ang espiya ng mga ito sa ADU.
Pero imbes na sumuko at sumama sa amin ng matiwasay ay sinubok nitong umakyat sa mataas na pader ng lugar na iyon para lang makatakas. Kaya wala na rin akong choice kung hindi kalabitin ang gatilyo ng b***l na hawak.
Bahagya pa ngang napasigaw ang babaeng kasama ko dahil sa gulat noong nahulog iyon mula sa mataas na parte dahilan para magtalsikan ang mga dugong galing sa biak na nitong ulo.
"Tumawag ka sa HQ, ipalinis mo 'to pati yung nandoon pa sa campus." dere-deretso kong sabi kaya nadaanan ng gulat ng mukha ng kasama.
"Teka... p-paano niyo po nalaman na—"
Nginitian ko lang itong muli. Magaling ang babae, posibleng bago pa lang siya sa grupo pero nagawa nito ang sekretong galaw ng mga ADU kanina na kadalasang itinuturo sa mga Patrols.
"I'm Sol," sabi ko na lang.
Nakuha na rin naman nito ang sinabi ko kaya malugod din itong nagpakilala. "Agent Malaya, Sir. Maraming salamat po sa tulong ninyo."
Ngumiti na lang akong muli at inulit na kailangan nitong tumawag sa HQ bago magpaalam.
Natagalan ako sa pag-uwi, paniguradong umiiyak na namang Ulrica ang sasalubong sa akin.