One: The rival's here

1272 Words
"AKIN na kasi! Ibibigay mo lang naman andami mo pang drama!" hindi na ako nagulat sa nakita. Lahat naman siguro ng eskwelahan mayroong bully at binu-bully. "E-Eh wala naman talaga—" "Bobo! Ilabas mo! Sabi ni Arnold nasa sa'yo raw!" nang nagsimula nang yugyog yugyugin ng maskuladong lalaki ang mahinhing babaeng nasa harapan ay doon na ako umaksyon. "Bossing." naniningkit ang mga mata nitong tumingin sa akin. Tumingin sa likuran ko at tumaas ang gilid ng labi noong napagtantong mag-isa lang din ako at tatlo lang kaming nandirito sa tagong lugar sa CBEM. "At 'pag sinuswerte ka nga naman, dalawang magaganda pa ang kaharap ko." ani ng lalaki bago ngumiti. Awtomatikong napatiim ang bagang ko. Kita mo tong walang hiyang lalaking ito? Kala mo gutom na leon kung makatitig. "Miss, alis na." mataman kong sabi, hindi winawaglit ang titig sa bastos na lalaki sa harap. "P-Pero—" "Alis na sabi, eh!" agad ko siyang hinila papaalis sa pagkakahawak ng lalaki. Mabilis siyang tumakbo, namataan ko pa ang panginginig ng tuhod dahil sa hindi maayos na paglalakad. Doon ay mabilis na umungkos ang kamao ng lalaki papunta sa akin na agad ko ring nasalo. Hindi na ako nagdalawang-isip, ginamit ko ang buong lakas para sumuntok sa lalaking agad ding tumumba sa lapag. "Tapos na? Walang challenge," nagpatuloy ako sa paglalakad na parang walang nangyari. Nauna na kasi si Liam dahil kailangan siya sa groupwork kaya kahit ayokong maglakad ng mag-isa na parang baliw rito ay wala akong choice. Sa kagustuhang maglibang ay dumerecho ako sa main campus, siguro ay matutulog na lang muna sa grandstand o hindi naman kaya magjojogging. Wala rin naman kasi akong gagawin pa sa HQ dahil sa puro meeting naman nila Boss Sinag ang ginagawa roon. Wala rin naman si Sinta o Ligaya kaya wala rin akong makakausap. Nang makarating ako roon ay sumakto ang pagkalam ng tyan kaya umupo na muna ako at bumili sa famous Gracianas. Bihira lang akong magpunta rito pero sulit naman. "Aray–" "Nako, Ate. Sorry po," tinitigan ko lang babaeng nakabunggo sa akin dahilan para matakot ang mga iyon. Tatlo silang magkakaibigan kaya tatlo rin ang mga babaeng natakot ko pa ata. Bakit naman sila matatakot? Ganon ko na ba kamukha si Shomba? "Ayos lang." Madaling madali sila sa pag-alis, narinig ko pa ang bulungan nila. "Si Jae kasi hindi nag-iingat!" "Teka, hindi ko naman sinasadya ah!" Napailing na lang ako. Pretending not to hear those giggles and laughs — pretending not to be shaken by them — friends. I wonder what it feels like to have friends. Alam kong andyan naman si Lirik pero kasi hindi iyon normal na pagkakaibigan na gusto ko. Iyon bang sabay kayong kakain ng ice cream habang nagkukwetuhan tungkol sa pinaka nakakatawang nangyari sa buhay ninyo. Sharing each other's thoughts about something, political views, opinions. Love advices. Simula bata kasi ay hindi ko naranasan ang mga iyon dahil kapag weekends ay sa HQ na ako namamalagi. Yup, my father is a member too. Isa siya sa mga Alpha ng ADU, matagal na siya sa serbisyo. Limang taong gulang pa lang ata ako noong nagsimula na niya akong dalhin sa headquarters. Si Daddy lang ang kaisa-isahang pamilya ko. Wala ng iba. Kaya hindi ko halos matanggap na bakit sa dinami rami ng pupwedeng kunin ay siya pa? Kailangan ba talagang walang itira sakin? Kailangan ba talagang kunin ang kaisa-isahang mayroon ako? Noong pinatay si Dad ng The Odds, hindi na ako nagdalawang isip na pumirma ng kontrata. Buong buhay ni Daddy ay ako na ang prinotektahan niya. Kaya hindi ko hahayaang hindi nabigyan ng hustisya ang pagkamay nito. Kahit iyon na lang sana ang magawa ko para sakanya. Mabigat ang mga sumunod kong paghinga, inaabot na naman ng lungkot. Buong buhay ko hindi ko man lang nagawanag magkaroon ng kaibigan — palagi akong mag-isa. Ni hindi ko nga alam ang pakiramdam ng maglaro ng tagu-taguan o ano. Hindi ko alam kung may pagkakapareho ba iyon sa mga mabilis na pagtatago sa kung saan na naging parte na ng training ko. Nang magkolehiyo, ADU na ang kumupkop sa akin. Si Sinag na ang tumayong pangalawang magulang ko. Kaibigan kasi siya ni Daddy na labis ding naging malungkot sa pagkawala niya. I really wish I could end all these, fast. Ang The Odds lang naman ang pinakakalaban ng ADU sa ngayon. Malaking grupo kasi at kami mismo ang inaasinta. "Bestfriend!" boses pa lang ay awtomatikong napaikot na nito ang mata ko. Paakyat ako sa grandstand noong makita ako ni Lirik. Tapos na siguro sa groupwork nila. "Feeling alone ka, ha." hindi ko lang siya pinansin kahit natatawa na ako sa itsura niya. Paano ba naman kasi, mukhang hindi groupwork ang pinuntahan nito. Parang mas mukha pang pinagsamantalahan siya ng mga kasama. Groupwork nga. "You look shit." hindi ko na mapigilan ang pagtawa. Bwisit! Kung makikita lang ni Boss Sinag si Lirik ngayon baka hindi na siya magawang patulugin sa HQ. "Mukhang niyanig ka?" dagdag ko pa habang kumukuhang muli nang hangin dahil sa pagtawa. "'Yung aso kasi—" "Pinagsamantalahan ka ng aso?!" "Hinabol ako ng aso! Ano ka ba, MJ!" Sabay na kaming bumunghalit ng tawa. Paminsan minsan ay pinagtitinginan pa kami ng iilang taong na roon. Epic! "Gusto kong gilitan ng leeg, eh. Pasalamat siya 'di ako makakalapit." mayabang pa niyang amok. "Weakling." "Hoy—" agad kong nasalo ang kamay na pabagsak sa akin at saka marahas na hinila iyon. Napahiyaw tuloy si Lirik dahilan para mapatingin sakanya ang iilang estudyanteng na roon. Walang choice, kailangan kong itigil kaysa gumawa ng g**o. "Nagbibiro lang naman ako, Luna" paliwanag niya. "Nagbibiro lang rin ako, Liam." Diniinan ko ang pagkakasabi ng totoo niyang pangalan. Naiwaglit niya kasi bigla ang akin. "Bumalik na tayo sa HQ." Nagkukulitan pa rin noong naglalakad na kami pabalik. Ilang minuto lang iyon dahil marami namang short cuts sa lugar. Madali lang ang naging paglalakad kahit ilang beses pa kaming huminto ni Lirik para pabirong magbugbugan. Natigil na lang kami noong sabay nagvibrate ang mga telepono namin. From: A. Ligaya ASAP. Matiim na nagtinginan kaming dalawa ni Lirik. Gayong ako ay kinakabahan, ano naman kaya posible ang nangyari? Nang makarating doon ay halos ilabas namin ang mga dila namin sa hingal. Bakit naman kasi naisipan naming takbuhin ang distansyang iyon? O baka kulang na kami sa training ni Lirik. Wala naman kasing mapagpapractice-an. Gusto ko sana totoong tao, eh. "Sinta?!" Nang makitang ayos naman ang headquarters ay doon lang ako kumalma. Akala ko may nangyari nang masama o hindi naman kaya ay nilusob na kami ng The Odds — pero sino naman ang tangang gagawa nun? "Confe hall, asap." Wala kaming sinayang oras at agad kaming nagtungo roon, mabibilis ang mga kilos at may nakakalusot na malalamig na pawis. Nakasunod lang sa amin si Sinta na kalmadong kalmado. Hindi mo kakikitaan ng kung anong pangamba. Ganoon din naman ako. Iba lang ang naiisip ko twing dumadalaw sa utak ko ang konseptong The Odds. Pakiramdam ko kasi malapit na sa akin ang hustisya para kay Daddy. "Lirik, Luna. Have a seat." Kumunot ang noo ko. Iilan lang kasi ang taong naroon sa loob. Si Boss Sinag, at ang mga Supreme — si Lirik, Ligaya, Sinta at ako. "What is going on, Boss?" Sa lahat ng meeting ay hindi kami nakokompleto. Pero natural naman iyon dahil ang Supreme ang madalas nagpaplano. Magpaplano kami para maipadala sa mga Alpha at kay Boss. Kapag aprubado ay saka ibaba sa mga Elites at Patrols. Buntong hininga ang unang naging sagot ni Sinag. Siguro ay napansin niyang hindi ko rin sinunod ang sinabi nito. Eh, excited ako! "Nagsimula na sila."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD