Two: Hello, The Odds

1284 Words
"LUNA—" "Yes, bossing. Tinatak ko na sa isip ko." Napailing na lang si Sinag sa inaakto ko, wala akong kasing excited! Ako lang ata ang hindi kinakabahan sa gagawing misyon ngayon. "Hangga't hindi nanlalaban huwag papatayin, Luna." pag-uulit niya pa. Ako na nga lang ang naiwan dito sa HQ dahil kailangan niya pang ulit ulitin sa akin ang sermon niyang iyan. "Oo na po," sabi ko na lang. Kanina ko pa kasi siya kinokontra pero wala naman akong ibang magagawa tungkol doon. Kahit si Daddy, paniguradong ganoon din ang gagawin. "Sige na, gumayak ka na." Halos mapahiyaw pa ako! Finally! Pagkatapos ng ilang minutong pandedelay sa akin ni Boss Sinag ay makakapunta na rin ako sa pwesto ko. Ngayon ang parade na gagawin para sa Freshmen's welcome party at ngayon din magsisimulang kumilos ang The Odds na galing sa isang tip. Lintek nga, eh. Inaabangan ko pa naman ang paradang iyon dahil kaabang abang ang mga colleges sa kung anong uri ng piyesta ang ginawa nila. Mayroong Pahiyas, Pinagbenga, Tuna festival at marami pang iba. Sayang, hindi ko magagawang panoorin ang lahat. Sumeryoso ang tingin ko sa paligid noong biglang nagvibrate ang maliit na gadget na nakaipit sa kwelyo ng damit ko. Kapagkuwan ay marahan kong pinindot ang maliit na itim na bagay sa may tainga ko — doon ko mapapakinggan ang lahat ng sasabihin ni Boss Sinag o hindi naman kaya ng iba pang kasamahan. The party has started! "Nakapwesto na?" napangisi ako ng narinig ang kalmadong boses ni Sinag. Talagang ipinagkakatiwala nito sa amin ang misyon. "Yes, bossing." ako ang unang nagsalita, sumunod ay si Ligaya, Sinta at Lirik na nasa kanya kanya na nitong pwesto. Kami ang magsisilbing utak ng misyon. Sa amin nakasalalay ang paggalaw ng mga Elites. Dahan dahan kong inilugay ang buhok para sumakto sa fitted na puting dress at pumps. Punyeta! Hindi ko talaga mapapatawad si Lirik sa ideya niyang ito. Marami namang pwedeng isuot pangdisguise ay ito pa ang napili niya. "Witwiw, sexy naman." sabi ng boses ni Lirik na nasa kabilang linya. "Tangina mo." Inayos ko ang pagkakasampay ng strap ng camera sa leeg bago nagsimulang maglakad papunta sa kumpol ng mga estudyanteng naroon. "Ate, dito samin!" Muntik pa akong mairita sa ginawang pag-uutos ng iilang estudyante, buti na lang naalala ko ang plano. "Sure, no problem." Bahagya akong umatras para makuhanan ang lahat ng andoon. Samu't saring ngiti ang ihinarap sa akin kaya mabilis ko ring pinindot ang camerang hawak. Kumuha ako ng tatlong litrato bago tiningnan. Magaling ka, MJ. Hindi ko man lang nakuhanan ang mga estudyanteng effort sa pagngiti kanina. Kung hindi naman kasi blurred, putol naman ang ulo ng matatangkad na estudyanteng nasa likuran. "Perfect! Thank you so much guys," pakonswelo ko na lang. Malay ko ba kung paano gumamit ng ganito. Paalis na ako nang pinili kong umatras pa ng kaonti dahil siksikan na ang mga tao. Sa pag-atras ay nabundol tuloy ng likod ko ang isang balbas saradong lalaki. Malaki ang katawan nito ay itinatago ang mukha sa pamamagitan ng suot nitong sumbrero at sunglasses. Dahil sa pwersang naidulot ng pag-atras ko ay hindi sinasadyang nabitawan niya ang maliit na plastik na hawak. Nag-unahan pa kaming pulutin iyon kaya ganoon na lang ang gulat ko nang mapagtantong isa itong sachet ng droga. Nang mapulot ay dali dali niya iyong itinago sa bulsa. "Tumingin ka naman sa daan, Miss." Bahagya akong yumuko at humingi ng tawad dahilan para tuluyan na siyang umalis doon. Hindi siya estudyante! At sigurado akong hindi siya isang guro. "Luna. Anong nangyari?" si Lirik iyon na sinundan ng pangungumusta ni Bossing. "Positive." Sabay sabay na napasinghap ang mga nasa linya, "Dilaw na tshirt, nakasumbrerong itim at may balbas. Malaki rin ang katawan. Hanapin niyo sa Medicine dali!" Hindi na nagsalita ang mga tao pero narinig ko ang iba't ibang kaluskos na parang nagsimula nang magsikilos. Katulad ng plano, kailangang makumpirman ko muna bago sila magsimula sa nakaaatang sakanilang mga gawain. "Nasa medicine ako," sabi ni Asul. Isa iyon sa mga Elites. Sigurado akong hahalo iyon sa College of Medicine dahil parehas ang kulay ng mga damit nito. Doon iyon hahalo lalo pa at manginginig na ang mga iyon dahil may nakakita sa drogang hawak niya. "Luna," si Pula naman ang nagsalita. "Sigurado ka ba? Nasa CIT ako at dilaw rin ang suot ng mga taong naririto." Lintek! "I got him. Nasa medicine nga ang sinasabi mo. Pakiramdam ko siya ito. Hindi ko na wawaglitan ng tingin." ani Asul. Doon ko pa lang napakawalan ang hiningang kanina ko pa pinipigil. Exciting ito, sigurado. Nagpatuloy ako sa ginagawang pagpapanggap, iilang kumpol ng estudyante na rin ang napicture-an ko. Kaya lang, paniguradong hindi ko iyon pupwedeng iupload sa sss dahil sa katangahan ko sa pagpicture. Hindi nagtagal ay nabored lang ako. Kahit gaano ko kasi gustuhin na magsimula ang rambulan ay hindi naman pupwedeng dito mismo namin iyon gawin lalo pa dahil libo libong tao ang naririto. Iniwan ko ang kumpol ng mga estudyante sa Education at tinungo ang mga estudyante sa Medicine. Habang naglalakad ay nagtatangis ang bagang ko, ano naman ang gagawin nila sa mga estudyante rito? Ire-recruit nila?! "Hi! Picture-an ko kayo, okay lang?" Mabilis na nagtanguan ang mga nandoon. Kinuhanan ko sila kahit palihim na inoobserbahan ang paligid. Mukhang may sadya ang The Odds sa college na ito. Kung ano man iyon, dapat malaman na namin agad. Tutungo na sana ako sa kabilang linya noong kay biglang umakbay sa akin at hindi ko na kailangan pang lingunin kung sino iyon. Ang dilaw na tshirt at malaking pangangatawan ay sapat na. "Babe," nakangisi nitong sabi. Binalingan ko ang mga taong nakakakita sa amin, ngumiti ako at tinanggap ang ginagawang pag-akbay ng lalaki. "Umalis na muna tayo rito, babe." pagsakay ko pa. Nang makalagpas ang iilang taong unang nakakita sa amin ay humigpit ang pagkakahawak ng lalaki sa balikat ko. Naramdaman ko rin ang paglagitnit ng swiss knife sa braso ko. "Luna," narinig ko ang boses ni Lirik sa kabilang linya, pagkatapos ay naging sunod sunod na. Mula kay Boss Sinag, Ligaya, Sinta pati ang iilang Elites. "'Wag mong papatulan 'yan dyan, marami pang tao sa parada. Exit! Now!" Napipilan lang ako habang ramdam na ramdam ang paghiwa ng lalaki sa braso ko. "Habulin mo 'ko, babe!" Mahigpit kong hinawakan ang kamay nitong kanina pa nakadiin sa balikat pagkatapos ay inikot kaya mabilis din nitong naiwala ang ginagawa sa kanan kong braso. Nang magsimula akong tumakbo, sinigurado kong sa isang tagong lugar kami mapupunta. Hindi ko na dapat pakawalan ang lalaki. Kung isa siyang miyembro sa The Odds, paniguradong marami kaming makukuha sa lalaki. Lumiko ako sa isang eskinita, malayo layo na sa mga taong dumadaan. Maya maya pa ay pumasok na rin doon ang lalaking kanina pa humahabol. "Kung wala ka lang sanang nakita, Miss." malakas ang naging sumunod kong paghalakhak. Lakas ng self confidence mo, bhie? Bahagya akong yumuko para kuhain ang paborito kong P226 X-Five na b***l na kanina pa nasa ilalim ng damit ko. Natatawang kinasa ko ito at saka tinapat sa lalaking malalaki rin ang ngisi. "Matapang ka." Tumaas ang sulok ng labi ko, "Magyayabangan lang ba tayo rito?" "Luna, calm down." si Ligaya na ang nagsalita na malinaw kong narinig sa kaliwang tainga. "Papunta na dyan sila Lirik kaya—" "Sigurado ka ba rito, Bert? Aba'y ka chix na babae!" awtomatiko akong napalingon sa likuran ko para lang makita ang lima pang lalaking naroon. Iba iba ang kulay ng damit nito pero sigurado akong lahat ng kulay ay may kaakibat na colleges. Nagsimula na nga ang The Odds at sadya nito ang lahat ng estudyante sa University. "Nasaan ang boss niyo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD