KABANATA II - m*******e

725 Words
KABANATA II BAGUIO/ PHILIPPINES FEBRERO palang pero ang mukha ko para na yatang April. Paano ba naman kasi inatake na naman ang kapatid kong si Emily, muntik ko na siyang dalhin sa Hospital. Labis ang pag-aalala ko dahil wala pa naman akong perang hawak. Mahina ang kita sa pagbibinta ng strawberry swerte nalang talaga kung makakaisang sako ako sa isang araw tatlong libo din 'yon. "Maayong bun-ag, Jane," bati sa akin ng kaibigan kong si Rose. Mabuti pa ito parang walang problema sa buhay. Umupo ako sa tabi niya, binaba ang tingin sa mga supot kong dala-dala. "Kamusta ka? Kamusta si Emily?" tanong nito sa akin. "Muntik na siyang isugod kagabi sa Hospital, mabuti nalang may gamot pa akong natitira para sa kaniya," sagot ko rito. Paano nalang pala kung naubusan na ako? Saan naman ako kukuha para rito. Hindi ko yata makakayang nahihirapan si Emily, siya nalang ang natitira sa akin. Hindi ko matatanggap kung mawawala siya. Hindi ko naman pinababayaan ang kapatid ko, sa abot ng makakaya ko lahat kaya kong ibigay dito. Huwag lang ito mahirapan. "Mag-p****k nalang kaya ako?" natatawa kong tanong kay Rose. Mabilis akong binatukan nito, hindi ko rin alam actually kung saan ko nakuha iyon. Desperada na rin siguro ako. "Maraming pang paraan, Bespren! Bakit hindi ka muna mag-isip keysa naman kung ano-ano 'yang iniisip mo!" sermon nito sa akin. Nahulog ako sa malalim na pag-iisip tama si Rose; marami ngang paraan, marami akong pweding gawin para makatulong sa pagpapagamot ni Emily. Sa isip ko muling sumariwa sa akin ang nakilala kong si Jaren, tungkol sa alok nito. Bente mil ang sasahurin ko buwan-buwan bonus pa ang pagpapagamot kay Emily na sasagutin nito. "Nakaisip na ako ng paraan, Rose," sambit ko sa kaniya. Nagtataka siyang napalingon sa akin, nagtatanong ang mga mata. "See! Ambilis mo nga makaisip ng paraan, sabi ko nga sa'yo e. Napakaraming paraan, Jane," nakangiting sabi nito. Agad akong tumayo, buo na ang desisyon ko. Alang-alang sa kapatid ko gagawin ko ang lahat, para kay Emily ang lahat ng 'to. "Aalis muna ako ngayon. Ikaw na bahala sa mga tinda ko, babalik ako agad." Nagmadali akong tumayo, kailangan kong puntahan si Jaren bago pa magbago ang isip nito. Nandito rin ang takot sa puso kong baka makahanap ito ng makukuhang ipapakasal kay Dominic--- ang kapatid nitong tila lantang gulay na dahil sa natamong aksidente. Tulad nga ng sabi ko kay Rose, buo na ang loob ko. Papakasalan ko si Dominic--- sigurado na ako. JAREN POV SAINT LOURDES HOSPITAL / BAGUIO "Bata pa lang tayo, ikaw na lagi pinagmamalaki ni Papa! Wala siyang bukambibig kundi ikaw nalang palagi, Dominic," kausap ko kay Dominic. Wala pa rin itong malay tao, sabi ng Doctor hindi nila alam kung magkakamalay pa ba ito. Walang nakakapagsabi at makakapagsabi. Napatingin ako sa kalendaryong maliit na nasa bedside table nito. Ilang buwan nalang ganap ng bente tres si Dominic, tulad sa nakasulat sa last will ni Papa--- kailangan niyang makasal bago dumating ang araw na iyon. Kung hindi ba naman kasi ako tinanggihan ng nakilala ko sa Park, hindi sana tapos na ang problema namin ni Mama. Kailangan ko makahanap sa lalong madaling panahon, kung hindi mapupunta sa chosen charities ang lahat ng ari-arian ni Papa na iniwan niya sa magaling kong kapatid sa labas. Napalingon ako sa labas ng pinto. Napatayo ako nang makilala ang taong nasa labas, walang iba kundi si m*******e. Ano ang sadya nito rito? Hindi kaya nakapag-isip na ito. "What are you doing here?" bungad kong tanong sa kaniya. Sinirado ko ng maigi ang pinto ng silid ni Dominic, kasalukuyan pa rin itong nasa ICU. "P-wedi ka bang makausap?" tanong nito sa akin. Kitang-kita ko ang siyang pagtaas-baba ng dibdib nito. Lihim kong pinapanalangin na sana nakapag-desisyon na ito. Para wala na akong problema lalo na si Mama. "Tungkol saan?" "T-tungkol sana sa alok mo, tungkol sa kapatid mo," simula nito. Lihim akong nakaramdam ng tuwa sa puso ko, problem solved. Hindi man lantarang sabihin nito alam kong buo na ang siyang loob nito. "Sa baba tayo mag-usap." Nagpatiuna ako sa paglalakad. Ayaw kong may kahit na sinong makarinig sa pag-uusap namin, ayaw kong may makakaalam sa magiging kasunduan namin ni m*******e. CHAPTER 3 MARY JANE POV HINDI ko alam kung tama ba itong gagawin ko. Hanggang sa sandaling ito, hindi pa rin ako makapagdesisyon.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD