MATAPOS niyang maligo at ayusin ang sarili ay binalikan niya si Brianne sa gym ngunit wala na ito roon. Tinungo niya ang silid nito sa isip na baka nandoon na ito pero wala rin ito roon. "Asan na naman ba 'yon?" tanong niya sa sarili at hindi napigil ang mapakamot ng hintuturo sa dulo ng kilay habang naglalakad patungo sa hagdanan. Akmang magtutungo siya sa direksiyon nang kitchen nang hindi sinasadyang mapatingin sa labas ng glass-wall window. Napakunot pa ang noo niya bago tinungo ang doorway at binuksan iyon. "Naylor?" tawag niya rito. Bahagya pa siyang nasilaw sa sinag ng araw na tumama sa kaniyang mukha kaya hindi niya kaagad nakita ang paglingon nito sa kaniya at pagngiti. "Pasensiya na kung hindi ako nakabalik kaagad, dumating na pala si Kean?” tanong nito. "Oo, halos magkas

