KATABI ni Bryle si Brianne Faith sa harap ng hapag kainan sa kanilang pananghalian. Gusto niyang ipagpasalamat kay Cloudy dahil nakumbinsi nito ang dalaga na dumulog sa dining table ngayon para sa tanghalian. Kahapon pa walang maayos na kain ang dalaga kaya dapat ay makakain na ito ngayon dahil kung hindi, baka lalo na itong masiraan ng bait dahil sa gutom. Sila na lamang lima ang naiwan doon dahil umalis si Naylor sapagkat may tawag ito buhat sa opisina, isinabay na nito ang Psychiatrist pabalik sa lungsod. Nilagyan niya ng pagkain ang plato ni Brianne. "Kumain ka na, para naman mabilis kang maka-recover. If Ethan were here, he wouldn't want to see you sa ganiyang kalagayan," sabi niya rito. Tiningnan siya ng dalaga. "Nasaan ba kase s'ya? Bakit hindi niya ako puntahan dito?" tanong

