"f**k!" bulalas ni Bryle nang sapitin niya ang kitchen. Inilagay nila sa lugar na hindi kaagad makikita ni Brianne ang mga matatalim na bagay roon upang makatiyak, pero hindi pa rin niya mapigil ang mag-alala lalo pa't wala si Brianne roon. Nagulantang siya nang marinig ang ingay ng nabasag buhat sa direksyon ng mini bar kaya naman nagkukumahog siyang nagtungo roon. Sinalakay siya takot at pag-aalala nang makita roon ang dalaga, hawak ang piraso ng binasag na bote ng alak at iniumang sa sariling pulsuhan. "Brianne!” hiyaw niya upang matiyak na mai-interrupt ito sa gagawing paglaslas sa sarili nitong pulsuhan. Tumingin ito sa kaniya kaya mabilis siyang kumilos palapit dito bago pa nito magawa ang iniisip. Nagawa niyang mahawakan ang bagay na iyon ngunit sa malas ay ang pinakatalim n

