MALIWANAG na ang paligid nang makabalik sila Bryle at Brianne sa safe house. "Where have you been?" salubong sa kanila ni Alexander Chase pagpasok pa lamang nila sa sala. Nakasimangot ito at para bang nayayamot. "Nag-ikot lang kami," tugon niya. "May problema ba?" tapos ay tanong niya rito habang sinusundan ng tingin si Brianne na noon ay nagpatuloy sa paglakad patungo sa hagdanan. "Tumawag kase si Isabella, may sakit daw si Cody," sabi nito na ang tinutukoy ay ang bunsong anak. Gumuhit sa boses at anyo nito ang pag-aalala. "Dinala raw nila sa ospital kase nagsusuka, mataas daw ang lagnat," dugtong pa nito. "Hah? Eh, ano raw sabi ng doktor?" nag-alalang tanong niya. "Inaantay pa nila ang result ng laboratory, luluwas na muna kami ni Cloudy, papunta na si Gerald dito," sabi nito na

