CHAPTER 9

1493 Words
Water "Hi Russel" bati ng grupo ng kababaihan. Nginitian lang niya ang lahat na tumatawag sa kaniya pero ang iba sakin nakatingin. Sila Gavin naman kasama ang mga kaibigan nila kaya si Russel at Tita ang kasama ko ngayon. "Pauline, mauuna na muna ako sa inyong umuwi" natatarantang sabi nito. "Bakit po? At saka hindi ko po alam ang mga pasikot po dito baka po maligaw ako" "Nanjan naman si Russel siya ang bahala sayo sumama lang talaga pakiramdam ko" She looked behind me so I looked too. There was a man of tall and natural skin, with a large chest, and well-groomed decent hair. Nasisiguro kong ito yung kinukwento sakin ni Tita kaya kung bakit nataranta siya at gusto na itong umuwi. Pagkalingon ko nakita wala na si Tita sa tabi kaya napatingin ulit ako sa lalaking pinagmamasdan ko kanina, napansin kong lumabas si Tita kaya ng sundan ko siya tumingin ang lalaki ito samin hanggang sa makalabas ako. "Tita! Tita!" sigaw ko "Not now, Pauline" "Pero--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko agad ng pumasok si Tita sa sasakyan at umalis na. Napabuntong-hininga ako ng makaalis sa harap ko ang sasakyan namin. Tinawag ako nina Chesca pero hindi ko sila magawang lingunin. "Hayaan mo muna si Tita Astraea" sabay hawak sa balikat ko. "She's still scared when he sees or Tito Kane" ani ni Gavin. "She was traumatized" dugtong naman ni Russel. Napalingon ako sa kanila ng walang sa oras dahil napansin kong alam nila ang tungkol kay Tita at sa dati niyang kasintahan. "Alam niyo?" tanong ko Tumango lang silang tatlo sakin sabay tingin nila sa Tito nila. Lumapit ito sa amin agad naman ang dalawa kong pinsan ay nagmano sa kaniya at si Russel naman binati ito, pinagmamasdan ko lang sila ng walang reaksyon kaya napaharap siya sakin. "Parang ngayon lang kita nakita" ani nito. "She's our cousin, Tito" singit ni Chesca. Napatango ito pero hindi pa rin nagagawi sa ibang dereksyon ang tingin ko kundi naka pokus lang sa kaniya "You're Ethan's daughter, right?" "Yes" maikli kong sagot "I'm Gyainner Viliejo" pagpapakilala niya sabay nakipag kamayan na ganun rin ang ginawa ko. "Pauline Lyanna Cervantrias po" magalang kong pagpapakilala. "Dito ka mag-aaral?" tanong niya? "Yes..Tito ngayon na rin po siya magpapasa ng requirements for enrollment" sabi naman ni Chesca. "How about you, Russel?" tanong ni Sir Gyainner "Dito rin po kase may college at saka scholar po ako dito" ani niya. Habang nag-uusap sila nagpasya si Sir. Gyainner na pumasok sa loob kaya sumunod na lang rin kami. Sa tapat ng entrance nagpaalam muna ako kay Russel na lilibutin ko muna ang buong school para bukas kapag pumasok at hinanap ko yung magiging classroom ko hindi ako maliligaw. Matakaw akong uminom ng tubig kaya kahit saan ako magpunta lagi akong may dalawang bote. Sa tapat ng dinadaanan ko ngayon ay gymnasium sa gilid ng pintuan may mga upuan, pagkapasok ko sa loob namangha ako sa lawak at ganda. Pagkalabas ko dumeretso ako sa taas masyado kong sinuri ang silid-aralan. Madami rin na estudyante ang mga pakalat-kalat at patingin-tingin sakin, sabagay bagong salta pa lang ako dito pero ang mga tingin nila na parang may nagawa akong masama. Nakakaramdam ako ng hindi maganda dahil sasabog na ihi ko ng wala sa oras, nasisiguro kong hindi mahahalata ng mga dumadaan kung anong nangyayari sakin. May isang janitor sa tapat ng hagdanan, dali dali akong lulmapit sa kaniya para itanong ko saan ba dito yung banyo. "Ate, pwede po bang magtanong" kalmahang tanong ko. "Ano 'yon" "Itatanong ko lang po sana kung saan yung cr dito?" "Hanapin mo na lang jan" nagulat ako sa sagot nito. Tahimik akong umalis para hanapin yung banyo dito kaso masyadong malawak ang school na 'to kaya napapansin ko na naliligaw na ako. Nagtago na lamang ako sa isang sulok, naiiyak na ako baka hindi ako makababa. I sat on the floor and leaned against the wall to endure my urine, so all I have to do is to calm myself because there was nothing I could do if I just cried and cried. I check my cellphone to see if the battery is full but I remember that my phone was not charged last night. Napainom na lang ako sa sobrang kaba hanggang sa may narinig akong naglalakad papunta sa dito sa pinagtataguan ko. Hindi ko malaman kung lulunukin ko ba itong tubig na nasa bunganga ko kaya dahan dahan akong tumayo baka sakaling lumagpas siya at para makatakbo ako. Sobrang bilis ng t***k ng puso dahil sa sobrang takot masyadong madilim ang pinagtataguan ko kaya kung anong halo halo pumapasok sa isip ko. Gusto ko ng lunukin yung tubig kaso hindi ako gumagalaw sa pwesto ko, until I heard the footsteps of his feet towards in my place. Dali-dali akong lumabas para hampasin sana siya ng bote na hawak ko kaso iba nangyari. "Ms. ayos ka-" isang lalaki na mas matangkad sakin na may pagka inosente kung titignan. Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya agad kong nabuga sa muka yung tubig na nakaipon sa bunganga ko. Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko, napapikit siya ng mabugahan ko siya ng tubig at biglang pinagkumpulan siya ng mga kasama niya. "Ohhhh" sabay na sinabi ng lima niyang kasama. "Dude!, hahaha" sabi ng naka white t-shirt. Gusto ko siyang abutan ng panyo pero natakot ako ng tignan niya ako ng matalim matapos niyang punasan ang kaniyang muka. "What the hell" he said in a thunderous tone Pati mga kasama niya nakatingin sa akin tila'y ang laki ng kasalanan na ginawa ko sa kaibigan nila. Kinakailangan kong humingi ng tawad kahit natatakot akong gawin at magsalita. "I-I'm sorry" sabi ko sabay takbo pababa ng hagdanan. Nawala yung pagpupumigil kong hindi mapaihi sa sobrang nerbyos ko sa kaniya, napapagod na akong tumakbo pero kailangan kong hanapin sila Chesca. Hindi pa nag uumpisa yung klase ganito na nangyari sa araw ko. "Cramp!" I whispered Patuloy pa rin ako sa pagtakbo hanggang sa nakita ko si Chesca nakikipag usap sa kuya niya pati kay Russel, agad akong nagtago sa likod ni Chesca ng hinihingal. "Anong nangyari sayo?" tanong ni Russel "Asan yung babae na 'yon!" naririnig kong sabi nung nabugahan ko. Hindi ako umalis sa pwesto ko kahit alam kong mapapansin nila ang suot ko. Sobrang higpit ng pagkakahawak ko sa bote dahil sa sobrang kaba, buti na lang kinausap nina Chesca yung mga naghahanap sakin. "Oo nga, Kuya Klaud... What's wrong?" ani ni Chesca. "May babaeng nagtatago sa 2nd floor and I was sure she got lost so I would help her but she suddenly blowing out the water from her mouth to my face!!" inis nitong sabi. Tahimik sila at alam kong nakatingin na sila sakin matapos sabihin nung Klaud yung nangyari pero minabuti kong hindi humarap sa kanila masyado na akong lubog sa kahihiyang ginawa ko. Pinagtitinginan na rin kami ng ilang estudyante kaya yumuko ako. "Tumabi ka jan, Chesca" he says angrily. Kaya naramdaman kong umalis sa pagkakatayo ang pinsan ko. Biglang may humawak ng mahigpit sa pulsuhan ko para mapaharap ako sa kanila. Naestatwa ako ng maiharap ako ng Kuya Klaud ni Chesca, minabuti kong tumungo ulit dahil wala akong maihaharap sa kanila masyado akong nahihiya sa ginawa ko. "May gana ka pang magtago" ani nito sakin. "Wait, anong ginawa sayo ni Pauline?" singit ni Gavin "Sinabi ko na sa inyo binugahan ako ng tubig sa muka" "Sigurado kang si Pauline?" sabi naman ni Russel "Hindi ako magsasabi kung hindi siya ang gumawa!" Naiiyak ako dahil sa hiya pati na rin sa pagkakahawak niya ng mahigpit sa bandang pulsuhan ng kamay ko. Lumapit si Chesca sa'kin para kumpirmahin kung ginawa ko nga ba 'yon. "Pauline is that true?" pag-aalala niyang tanong. Matamaan ko tinignan ang Kuya Klaud niya para humingi na rin ng pasensya at iklaro sa kaniya na hindi ko sinasadya lahat ng 'yon. "I'm really sorry kung nabugahan kita ng tubig it was just an accident at hindi ko intensyon na gawin 'yon sayo" I let my tears flow as my voice trembled with nervousness. Pinagtitinginan na kami mabuti na lang walang lumapit na guro o kahit mga admins dito sa school. Kumawala ako sa pagkakahawak niya at agad na lumabas. I know I was wrong pero hindi niya naman niya ako masisisi kung natatakot at nagtatago dahil na rin sa naliligaw ako. Tumakbo ako papunta sa may Mcdo habang pinupunasan ang mga luhang dumadaloy sa aking pisngi. "This is the most embarrassing thing that has happened in my entire life!" bulong ko. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta ayoko rin malaman ni Tita na may nangyari sakin ngayon araw. Sa pagkakatanda ko anak siya ni Sir Gyainner siya rin ang tinitignan ni Tita kanina kaya hindi ako pwedeng magkamali, sa tingin pa lang ni Tita nangingilid na ang mga luha niya paano na lang kung malaman niyang nakaharap ko anak ng isa sa taong minahal niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD