CHAPTER 8

1488 Words
School After they bought at Starbucks they decided that we would go to Fora to buy a uniform. When we went inside I was amazed at its strength and beauty, there were other people who greeted Chesca and Gavin, especially Tita and Russel. Pumunta kami sa second floor dahil mayroon nagtitinda ng uniform doon sabi ni Tita kaya sumunod na lang kaming apat. "Graduating ka ng senior high tama ba?" he clarified. "Ako ba kausap mo?" I asked and he nodded " Ah. Oo graduating" sagot ko. "Anong strand?" he asked again "ABM. Ikaw?" "3rd year college ngayong pasukan" sagot niya na ikinatayo ng balahibo ko braso. Nagmumuka akong maliit kapag katabi ko siya at ang kaniyang malapad na likod ang nagsisimbolo siguro na malaking tao talaga siya . "Pauline, what is your waist size?" Tita Astraea asked. "Twenty-five po" "Ang sexy mo naman" pang-asar na sabi ni Chesca. Napangisi na lang ako ganun din si Russel pero si Gavin nakabusangot ang muka na parang pinagbawalan lumabas. "Here we are!" Chesca said. "Hija, maghanap ka ng uniporme na kasya sayo tapos sabihin mo sakin" she said. "Sige po, Tita" Hinanap ko kung saan ang mga pambabae na uniporme saktong nakita ko si Chesca kaya lumapit na rin ako at naghanap ng makakasya sakin. Medyo napapalapit ang loob ko sa kaniya pero nag-aalinlangan pa ako kung ayos lang ba sa kaniya yung ugali ko kaya sa aming dalawa siya lagi ang unang nagsasalita. "Masanay ka na sakin lalo na sobrang kulit ko" sabi niya ng hindi ako tinitignan. "Nasasanay naman kahit papaano" "So is it okay for you that I'm naughty?" she looked at me and waiting for my answer. "Of course" masaya kong sabi. "Really?! Thank you!! Thank you!!" she was happy to hug me so I hugged her too. Napagtitinginan kami ng mga taong nasa paligid namin kaya kumawala si Chesca sa pagkakayakap sakin tsaka kinuha ang mga unipormeng napili at sukat sa kaniya. "Are you done?" sulpot ni Gavin sa likod ko. "Yes, Kuya." Chesca said. Pinuntahan ko si Tita para ipaalam sa kaniya na may napili na akong uniporme, nakita ko siya na nakaupo kaya ng mapansin niya na papalapit ako ay agad niya akong sinalubong. "Hija, nakapili ka na ba?" "Opo, panigurado po na sakto po ito sa akin kapag sinukat ko" "Mabuti naman kung ganun pumunta na tayo sa counter para mabayaran at makaderetso na tayo sa school na papasukan mo, ibibigay ko na sayo itong pambayad ng uniform mo at ikaw na lang magbayad sa counter" "Sige po, Tita" Hinanap namin sila Chesca dahil sa sobrang dami ng tao hindi naman alam kung saang counter sila nakapila. Pagkarating namin sa counter may isang upuan doon kaya pinaupo ko muna si Tita dahil napagod siya kakapasikot namin para hanapin sila Gavin, naaninag ko silang tatlo kaya lumapit na ako nasa kahuli-hulian ng pila si Russel kaya ng makita niya na papalapit ako ay umatras siya. "Dito ka na sa unahan ko" "Thank you" sabi ko. "Welcome" maikli niyang sagot. Medyo mahaba pa ang pila kaya ilang minuto pa ang hihintayin namin. "Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Chesca sakin. "Hinanap namin kayo kaso sa dami ng tao hindi namin kayo makita kaya ayon pinaupo ko muna si Tita medyo napagod siya" "You didn't tell her?" tanong ni Gavin sa kapatid niya. Napailing si Chesca sa tanong ni Gavin "I thought nasabi ko sa kaniya kanina na nasa counter 5 tayo. Sorry, Pauline" malungkot na sabi nito. "Ayos lang tsaka nakapila na ako" Napailing na lang si Gavin samin pero si Russel tahimik lang nakikinig samin. Pagkatapos ng mahabang oras mababayaran na namin ang mga napili naming uniporme, kaya masaya kaming kumain sa Chowking. Nagutom na rin kaming lahat kaya kumain muna kami at pagkatapos pupunta naman kami sa eskwelahan para magpaenroll. Mas lalo akong maninibago lalo na transfer ako sana hindi ako mahirapan. "Pauline, what do you want?" Tita Astraea asked. "Kahit ano na lang po" "Kayo ba Gavin and Chesca anong gusto niyong pagkain?" "Pork Siomai Chaofan po" she replied. "Same as Chesca, Tita" Gavin said. "Ikaw hijo?" tanong naman ni Tita kay Russel. "Ganun na lang din po" magalang nitong sagot. Hindi naman matagal ang paghihintay namin kaya naka kain kami ka agad. Tahimik lang na kumakain si Gavin at Russel habang kaming tatlo nagdadaldalan. "Honestly, I don't want to go to school yet" seryoso nitong sabi. "Bakit naman" "Well, uhm" "Because of some random guy who likes her" singit ni Gavin. "Kuya could you please shut up" iritadong sabi ni Chesca na ikinangisi naman ni Russel habang si Tita busy sa kakacellphone siguro may importante siyang kausap. "Why? I'm just telling the truth na may nagkakagusto at baliw na baliw sayo" kalmadong sabi ni Gavin habang kumakain ng halo-halo. "Bakit ikaw? Ganun din naman ginagawa mo sa anak ni Tito Arguis " pang-aasar ni Chesca na ikinapikon naman ng Kuya niya. "Damn you" inis nitong sabi. "Wag kang mainis jan nagsasabi lang naman ng totoo kapatid mo" sabi naman ni Russel. "Fvck you, dude" mas lalong galit na sabi ni Gavin. "Tigilan niyo na yan at ubusin niyo na 'yang kinakain niyo para makapunta na tayo sa school niyo" Tita Astraea said. Si Chesca na lang ang iniintay namin masyado niyang ninanamnam ang dessert na nakahain sa lamesa. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at tinignan lahat ang mga importanteng email sa sss account sunod kong tinignan ay ang messenger matagal tagal na rin ko rin hindi nabubuksan ang account ko sa f*******: kaya sabog ang lahat ng chat ni Gael sakin. "Umalis ka ng hindi mo man lang sinasabi sakin?" "Mapag-uusapan naman ito ng maayos pero minabuti mong hindi ako kausapin" Nangingilid ang luha ko ng mabasa ko ang ibang mensahe niya sakin kaya agad akong nalog out at pinunasan ang gilid ng mata. Tahimik ko lang pinagmamasdan ang mga plato na nasa harapan ko hindi lubos maisip na ganun pa rin ang matatanggap kong mensahe galing sa kaniya. Matapos kumain ni Chesca lumabas na kami at pumunta sa escalator bitbit ang mga binili naming uniform. Hindi ko pinahalata na malungkot ako dahil alam ko na tatanungin nila ako. Habang nasa escalator kami matamaan kong pinagmasdan si Tita Astraea. Matangkad siya ng kaunti sa'kin pero ang kaniyang kutis niyang morena na bumabagay sa kaniyang suot na square neck slip maxi dress at ang kaniyang buhok na sobrang itim. Simple lang siya manamit pero lahat ng damit bumabagay sa kaniya. Maganda, mabait at simpleng babae lang si Tita Astraea kaya ang masasabi ko bakit siya iniwan dahil lang sa ayaw ng pamilya ng lalaki sa kaniya. If you love someone no matter how hard it is you should fight for it because true love can overcome the problem no matter how painful it is. Pagkalabas namin sa Fora dumeretso sina Gavin at Russel para kunin ang sasakyan sa parking lot. Kahit papaano na enjoy ko pamimili dito kasama sila hindi man sobrang tagal masaya pa rin ako na nakapunta ako dito sa ganitong klaseng lugar. "Malapit lang school natin dito kapag may nadaanan tayong Mcdo sa tabi nun may papasok dederetsuhin lang natin ng kaunti at 'yon nandon na school" sabi ni Chesca. "Are you excited" sabi naman ni Tita sabay himas sa buhok ko. "Sa totoo lang po hindi ko pa po kayang pumasok" "Masasanay ka rin sa ngayon hindi pa dahil naninibago ka pa lang sa papasukan mo. After two months o hindi pa nangangalahating buwan baka may mga kaibigan ka na" na kay Tita ang pokus ko habang nagsasalita siya sakin. " Pero ito tatandaan mo kung sakaling may magkagusto sayo sa bahay mo dadalhin at wag kang sasama kahit kanino lalo na hindi po pa kabisado ang pasikot-sikot dito sa Tagaytay" Natawa ako sa sinabi ni Tita kaya nag iba nag ekspresyon niya sakin at tinignan ako ng maayos. "Why are you laughing?" "Lagot ka, Pauline" Chesca said in a teasing way. Napailing ako sa sinabi niya "Tita, natutuwa lang po ako kase ang cute niyong magsalita" ngiti ko. "Huwag mo kong biruin ng ganyan" "She's right, Tita" sang-ayon na sabi ni Chesca. "Kayong mga bata talaga lagi niyo kong binobola" Isang sasakyan ang huminto sa harap namin kaya sumakay na agad kami dahil alam namin na si Gavin ang nagmamaneho. Nag-aasaran sila ni Gavin kaya napatingin ako sa kanila, ngayon ko lang nakita si Russel na ganito tumawa sa sobrang saya niya pwede ng matanggal ngala ngala niya anytime. Lumiko kami at naaninag ko ang isang pangalan ng school "Olivarez College Tagaytay" ang nakalagay mahahalata mo pa lang sa pangalan na isa ito sa mga sikat na private school dito sa Tagaytay. Bumaba kaming apat si Gavin naman pinark niya ang sasakyan sa may gilid kaya hinintay na namin siya bago kami pumasok sa loob. Namangha ako sa ganda lalo na pumasok kami sa loob malaki tignan kapag nasa labas lalo sa loob sobrang lawak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD