Tagaytay
Hindi ko makakalimutan ang mga kinuwento sakin ni Tita kahapon, masasabi ko rin na masyado siyang na trauma sa mga nangyari. Sa sobrang pagod namin galing sa byahe nakalimutan na rin namin kumain ng hapunan.
Pagkagising ko nay naamoy akong masarap na ulam bumangon ako para tignan kung sino ang nagluluto. Sa may salas nakita ko si Russel nagwawalis ng sahig nagdadalawang isip pa ako kung babatiin ko ba siya o hindi.
"Good morning, Pauline" bati niya sakin.
Nakita niya agad ako kaya ganun din ang ginawa ko ang batiin siya.
"Morning" maikli kong sabi. Pagkatapos kong batiin si Russel dumeretso na ako sa kusina at saktong nakita ko si Tita naghahanda ng umagahan namin.
"Good morning, Hija" bati niya sakin.
Pagkabati ko sa kaniya dumeretso na agad ako sa hapag kainan at umupo. Ang sasarap ng mga niluto niyang pagkain kaya kahit ang amoy nito ay abot sa loob ng kwarto ko.
"Ang dami niyo naman pong niluto mauubos po ba natin 'to" tanong ko habang tinitignan lahat ng mga niluto niyang ulam.
"Kaya ako nagluto ng ganyan karaming ulam dahil unang araw mo dito. Sinabi ko naman sayo pati sa magulang mo na aalagaan kita at wag mong kakalimutan na anak na rin ang turing ko sayo" sabi niya sabay lagay ng kanin sa lamesa.
"Tita, alam ko naman po 'yon ang sakin lang po hindi naman po natin mauubos itong mga pagkain na 'to masasayang lang po" pag-aalala kong sabi na ikinatawa niya ng bahagya.
"Syempre hindi lang tayo ang kakain nito inimbita ko rin ang mga pinsan mo na makakasama natin dito" masaya niyang sagot sakin.
Medyo hindi pumasok sa utak ko mga sinabi ni Tita. Nandito mga pinsan ko? May pinsan pala ako dito.
"Hi, Russel!" bati ng isang magandang dalaga.
"What's up, Dude" isang lalaki na nakipagkamayan kay Russel.
Nag-uusap sila tatlo habang ako nakatingin sa kanila. Maya maya sinalubong ni Tita ang isang dalaga at binata na kausap ni Russel.
"Chesca! Gavin!" masayang salubong ni Tita sa kanila.
"Tita!" bati nila parehas sabay yakap at halik sa pisngi ni Tita Astraea at napansin nila na mag-isa ako dito sa kusina kaya lumapit sila sakin.
"Pauline right?" pagtatama niya kung pangalan ko ba.
"Yes" maikli kong sagot.
"Ohh I'm Chesca and this is Gavin my brother" pagpapakilala nila sakin.
"Nice to meet you" tanging sagot ko lang sa kanila. Paulit ulit na lang sinasabi ko ngayong araw nakakaramdam na ako ng pagkapagod.
Ngumiti lang sa'kin si Gavin si Tita naman tinawag si Russel para sabay sabay na kaming mag-umagahan. Masyado akong tahimik at hindi kayang sumabay sa mga usapan nila minabuti ko na lang kumain.
"Paulin, pagkatapos nating kumain maligo ka na para makapunta na tayo sa Tagaytay, uniform na lang naman ang kulang mo hindi ba? Dahil bago tayo umalis sa Nueva Ecija nakabili ka na ng mga gamit mo"
"Opo. Malapit lang po ba eskwelahan dito?" tanong ko.
"Yes, open na siya today kaya mag e-enroll kami nina Kuya Gavin at Russel. Wait dito ka mag-aaral?" tanong ni Chesca na may halong saya.
"Oo"
Nahihiya ako dahil mga nakatingin sila sakin lalo na si Russel na kanina ay pasulyap-sulyap lang. Habang sila Tita at Gavin kumakain pero nakikinig at nakatingin samin ni Chesca.
"That's great!! so anong year mo na? grade 10?" tanong niya ulit.
"Graduating ng senior high" paglilinaw ko na ikinatawa ni Gavin kaya napunta sa kaniya ang tingin ko ano tingin niya sakin grade 10?
Mukang masungit ang isang ito, may pinsan pala akong ganito kagwapo este unggoy. Habang nakatingin ako sa kaniya tinaasan niya ako ng kilay at ako naman napangisi sa iniisip ko sa kaniya na muka siyang unggoy.
Si Tita naman tinitignan lang kami at nginingitian habang si Russel nakasandal sa upuan at nakatingin na naman sakin kaya umiwas na lang ako ng tingin.
"Sorry I thought grade 10...graduating pala ng senior high. Sana magkaklase tayo tutal transfer ka naman dito kaya ayos lang yan" masaya niyang sabi.
Ngumiti na lang ako at inubos ang pagkain na kanina pa malamig at nagpaalam na rin ako sa kanila para maligo para maaga aga kaming maka-alis.
Pagka-akyat ko sa kwarto naghanap na agad ako ng masusuot tsaka dumeretso sa banyo. Nawindang ako sa ganda ng banyo at sa laki nito dito sa kwarto ko, naalala ko hindi ko pala siya natignan kahapon pagkatapos namin mag-usap ni Tita.
Nagbabad muna ako sa bathtub sobrang tuwang tuwa ako sa pag gamit nito hindi ko inaasahan na ganito magiging kaganda ang banyo dit, mga ilang oras nagbanlaw na ako 'di ko na kinaya yung lamig ng tubig.
When I came out of the bathroom to get dressed I was surprised because Chesca was sitting on the bed.
"Anak ka ng-!? Anong ginawa mo dito?" I shouted and immediately went into the bathroom
"Tapos ka na?" she asked calmly.
Sasagutin ko ba tanong niya? Bakit hindi ko man lang narinig na bumukas yung pintuan tsaka sa pagkakatanda ko sinarado ko ng maayos yung pintuan at nilock ko pa. Nasa labas pa damit ko, napasapo na lang ako sa noo.
"Chesca paabot naman ng damit ko" habang ang isang kamay ko nasa labas ng pintuan para abutin yung damit na ibibigay sakin ni Chesca.
"Ito na lang mas bagay sayo" sabi niya sabay bigay sakin ang isang dress na itim at pula.
"Hindi ito yung damit na kinuha ko" pagkaklaro ko sa kaniya.
"Oo pero pinalitan ko medyo nabaduyan ako sa pinili mo kaya pinalitan ko. Ayos lang ba? Hindi ka naman ba galit?" wala naman akong magagawa ito binigay niya sakin.
Ano bang baduy sa pinili kong damit ganda ganda nga nun isang pantalon at longsleeve na kulay itim tapos teternohan na lang ng puting sapatos.
Pagkalabas ko sa banyo dumeretso ako sa harap ng salamin para tignan kung bagay ba sakin,sumunod naman si Chesca at inayos niya yung laylayan ng dress.
"Chesca, hindi ako sanay na magsuot ng ganitong dress masyadong maikli, pwede naman siguro palitan." sabi ko
"No, bagay sayo kaunting ayos lang kailangan sayo"
Wala na akong nagawa kaya hinayaan ko siya sa gusto niyang mangyari. Pinaupo niya ako at inayusan hindi rin ako sanay na lagyan ng kahit anong make-up sa muka ko kahit simple pa ang tawag. Pagkatapos niya ako lagyan ng pampapula sa labi sinunod naman niyang ayusin ang buhok ko.
Inayos lang niya saglit buhok at pinaharap ulit sa salamin, hindi ko makilala sarili ko ng makita ko ang pagbabago sa muka ko kahit kaunting paglalagay ng make up ang ginawa ni Chesca.
"See ang ganda ganda mo" ngiti niya kahit ako tahimik lang habang pinagmamasdan sarili ko sa salamin pero biglang pumasok si Tita.
"Chesca and Pauline are you d--" namangha si Tita Astraea ng makita niya ako.
"Hija, y-you're so gorgeous" tsaka siya lumapit sakin.
"Dapat nga po ang susuutin niya pantalon and longsleeve na itim kaso pinalitan ko dahil ang baduy tignan" singit ni Chesca.
Habang nag-uusap sila kinuha ko ang mga requirements na kailangan sa school na papasukan kaya hinintay nila ako sa labas ng kwarto ko. Magkakasunod kaming bumaba kaya sinalubong naman kami ni Gavin pero si Russel hindi maalis ang tingin niya sakin.
"Ayos lang ba?" tanong ko sa kaniya.
"O-oo bagay na bagay sayo" ani nito na ikinangiti ko sa sinabi niya.
Sabay kaming lumabas at naabutan namin si Tita na may kausap sa phone at halatang hindi maganda ang pinag uusapan nila. Papalapit na kami ng ibinaba na ni Tita yung cellphone niya at ngumiti siya samin na parang wala lang nangyari.
Sumakay na kami sa sasakyan ni Tita at ang magmamaneho ay si Gavin katabi naman niya si Russel habang kami nina Chesca nasa may likod. Naninibago ako sa mga nadadaanan namin hindi ko lubos maisip na wala na talaga ako sa lugar kung saan doon ako lumaki. Namimiss ko na si Mama at Papa ngayon pa lang.
"Hija, ayos ka lang ba? Mukang malalim ang iniisip mo" bulong ni Tita sakin.
"Ayos lang po... medyo naninibago lang po sa mga nakikita ko" ngiti ko.
Mabilis ang byahe namin kaya maaga kaming nakarating sa Tagaytay, bumaba kami sa may tapat ng Starbucks dahil may bibilhin lang daw si Chesca at Tita Astraea at may isang magandang tanawin na umagaw sa akin ng pansin yung Taal Volcano.
First time kong makakita nito sa talambuhay ko nakakamangha dahil sobrang ganda. Sumasampal na ang hangin sa aking muka at nadadala rin nito ang buhok ko. Nakakarelax ang ganitong klaseng view.