Cavite
Pagkababa namin dumeretso na agad kami sa bus kung saan sakayan papuntang Balibago. Nagbayad si Tita Astraea ng pamasahe namin habang ako kumakain ng binili naming tinapay at nakatingin lang sa labas ng bintana.
"Pauline bukas mamimili tayo ng uniform mo para may susuutin ka na agad sa pasukan" she said.
"Pwede naman po sa susunod na araw na lang po kase po malayo layo rin po binyahe natin tsaka para rin po makapag pahinga kayo" I said worriedly.
"Ano ka ba may kasama naman tayo si Russel" masaya niyang sabi.
"Russel? May anak ka po?" kuryoso kong tanong.
"Hahaha hija wala akong anak. Si Russel ay anak ng kaibigan ko pinahabilin niya sakin ang anak niya kase mangingibansa siya wala rin siyang kilalang pwedeng tumingin sa anak niya kaya ang sabi ko sa akin na lang muna" tango lang ginawa ko dahil hindi ko naman kilala yung Russel.
Habang nasa byahe kami wala akong inatupag kundi makinig lang ng mga kanta sa cellphone. Medyo malayo pa ang byahe namin kaya nakikinig na lang ako at tumitingin ng mga pictures ni Gael sa gallery ko.
I'm out of sight, I'm out of mind
I'll do it all for you in time
And out of all these things I've done
I think I love you better now.
Nagbago ang lahat sa amin ni Gael ng malaman ko na may nagugustuhan siya, hindi ko naman siya masisisi dahil 'di naman niya alam na may nararamdaman ako para sa kaniya. Sana dati pa lang umamin na ako para hindi ako nasasaktan ng ganito.
Binura ko lahat ng mga kuhang litrato namin at tumingin na lang sa binatana dahil wala na rin naman patutunguhan kung ano pang namamagitan sa aming dalawa.
"Hija" kalabit ni Tita para mapalingon ako "matulog ka muna malayo layo pa naman ang byahe baka maaga aga tayong makauwi dahil hindi naman traffic"
"Ayos lang po nalilibang naman po ako sa pakikinig ng mga kanta ko po dito sa cellphone" sabay ngiti ko para hindi niya mapansin na nakasimangot ako.
Sumang-ayon naman si Tita sa'kin kaya hindi na niya muna ako inistorbo.
Mabilis ang byahe kaya pagkababa namin ng bus tumungo na agad kami sa sakayan ng mga jeep papuntang lumil. Madaming bumabati kay Tita kaya minsan nakikipagdaldalan muna siya bago kami sumakay, may nagtatanong din kung sino ang kasama niya kaya hindi maiiwasan na hindi ako ngumiti sa mga kakilala niya.
"Astraea ikaw pala yan" bati ng isang matabang babaeng nasa harapan ko.
"Nancy what a coincidence" tawa naman ni Tita.
"Saan ka galing? Bakit ang dami mong dala?"tanong nito.
"Sinundo ko itong pamangkin ko" sagot naman ni Tita.
Hinayaan ko na lang sila magkwentuhan pero natatawa ako dahil ang daldal pala ni Tita, sila ang pinaka maingay sa loob ng jeep lahat ng mga pasahero tinitignan sila. Naalala ko na iuupdate ko pala sila Mama kaya kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng bag.
To: Mama
Ma, nakasakay na po kami ng jeep papuntang lumil po. Mabilis din po kase ang byahe kaya maaga po kaming makakarating po sa bahay ni Tita.
Pagka send ko ng text kay Mama ay bumaba na 'yong kausap ni Tita. Iilan na lang din ang pasaherong kasabay namin kaya paniguradong malapit na kami. Naninibago ako sa mga taong nakikita ko pati na rin sa lugar na 'to pero masasanay din ako kapag nakailang linggo o buwan na sa pagtira dito sa Cavite.
Naririnig ko ang tunog sa cellphone ni Tita kaya tumingin ako sa kaniya, saktong kinuha niya at sinagot ang tawag.
"Tita saang banda na po ba kayo?? sa kabilang linya isang boses ng lalaki ang nagsasalita.
"Pababa na kami nasa may caltex na kami" sagot ni Tita tsaka binaba ang tawag. Inayos ko na ang ilang gamit na dala namin, masyado ang mahigpit ang hawak ko sa bag ko feeling ko mawawala ako.
Tumigil ang jeep na sinasakyan namin sa may caltex, isang lalaki ang nasa labas para kunin ang ilang gamit namin, siguro ito yung Russel na sinasabi ni Tita.
"Tita andito na po ba tayo"? tanong ko
"Oo, maglalakad na lang tayo papunta sa bahay" sagot niya. Uminom muna ako ng tubig habang si Tita at 'yong lalaki na kasama namin ay nag-uusap kaya umupo muna ako sa gilid.
"Pauline" tawag ni Tita sa'kin kaya lumapit ako sa kaniya.
"Yung kaya mong dalhin ikaw ang magdala tapos yung iba sa akin pati dito kay Russel" tumango na lang ako at kinuha na yung mga kaya kong dalhin.
Madaming tumitingin sa'kin pero hindi ko na lang pinapansin, yung iba mga mukang adik na hindi malaman kung tao pa ba sila o sadyang adik na talaga.Pagkaliko namin sa isang iskinita pumasok na agad si Tita pati si Russel sa isang malaking pulang gate kaya sumunod na lang ako.
Binaba namin lahat ng dala namin sa terrace at binuksan ni Russel 'yong pintuan. Namangha ako sa ganda at lawak ng bahay. May malawak na hardin si Tita na ikinatuwa ko, madaming bulaklak sa likod naman ng bahay kita ang isang malaking puno ng mangga.
Pumasok ako sa loob at nakita ko si Tita umiinom ng tubig sa kusina kaya pinuntahan ko siya.
"Tita sobrang ganda po ng bahay niyo"mangha kong sabi.
"Mukang hindi naman" biro nito na ikinangiti ko.
Sa lawak ng kusina nito mamangha ka talaga sa sobrang ganda lalo na kung ang istura ay pang eleganteng ang lamesa pati na rin sa kabuuan ng bahay. Inilibot ako ni Tita sa buong bahay, dalawang palapag ang bahay niya kaya sa may salas may malaking chandilier kung tawagin.
Pumunta kami parehas ni Tita sa salas at saktong nandun si Russel kaya pinakilala ako ni Tita sa kaniya.
"Russel, this is my niece and Pauline this is Russel. Ito yung sinasabi ko sayo kanina sa byahe natatandaan mo pa?" tanong niya sakin kaya tumango ako sa kaniya na natatandaan ko pa kung ano kinuwento niya sakin kanina.
"Nice to meet you, Pauline" magalang niyang sabi.
"Nice to meet you too, Russel" ngiti ko sa kaniya.
Nagpasya kami umakyat at sumang-ayon ako, sa kalagitnaan ng paghakbang ko sa hagdanan mapapansin talaga ang kalakihan at kagandahan ng chandilier. Nakakamangha pero napaisip ako na bakit parang magkaiba si Tita at Papa, gusto kong magtanong kaso mamaya na lang.
"Ito ang magiging kwarto mo" walang imik akong pumasok sa isang kwarto kung saan binuksan ni Tita ang pintuan.
Nanlaki ang mga mata ko ng pumasok ako sa loob "sobrang ganda po" mangha kong sabi.
Umupo ako sa malaki at malambot na kama at inilibot ang mga mata sa kabuuan ng magiging kwarto ko, masasabi kong pinag handaan ito ni Tita kaya sobrang ganda.
"Tita, bakit hindi niyo po sinabi na may ganito kayong bahay edi sana po isinama na po natin sila Papa" sabi ko. Ngiti lang ang ipinakita niya sakin at tumabi sa gilid ko.
"Actually may anak ako pero wala na siya" kwento ni Tita na ikinatahimik ko.
"What do you mean po na wala na siya?" tanong ko.
"Bago ka pa isilang sa mundong 'to sa kapanahunan pa namin may isang tao na nagpatibok ng puso ko. Hindi ako naniniwala sa mga pag-ibig na 'yan hanggang sa naranasan ko at nagustuhan siya, ilang beses kaming pinaghiwalay ni Kuya Ethan pero dahil pasaway ako non sinuway ko siya. Makalipas ng ilang linggo may nangyari sa amin, nalaman din ng magulang namin parehas na may dinadala akong bata kaya ang mga magulang ko sobrang nagalit pero kalaunan wala rin silang nagawa."
Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko ng marinig ko itong kwento na 'to galing sa kaniya, nalungkot ako at the same time nasaktan para kay Tita. Hinayaan ko siyang magkwento sa'kin at nasa kaniya lang ang pokus ko.
"Pero ang magulang ng taong mahal ko ay hindi ako gusto para sa anak nila kaya gumawa sila ng paraan para ipalaglag ang bata sa sinapupunan ko."
Ramdam ko ang sakit at pighati ni Tita base sa kwento niya kaya hindi ko na napigilang hindi mapaluha. I hugged her to make her feel better dahil sa sobrang hirap na napagdaanan niya kahit nasasabi ng ibang tao na matapang at matatag siya kung mas kikilalanin pa ng lubusan makikita mo pa rin sa kaniya ang sakit, hindi rin naman niya maiiwasang 'di umiyak kung hanggang ngayon ay mahal pa rin niya ang taong mahal niya noon.