Trip
Hindi ko namalayan kagabi na sa sobrang pag-iyak ko nakatulog na ako kaya tinanghali na rin ang gising ko. Nagmadali akong bumaba ng maalala ko na inuutusan ako ni Mama na bumili ng gamit ko pang eskwela kaya pagdating ko sa may salas tinignan ko kung nandun sila kaso wala.
May pagkain sa lamesa kaya kumain agad ako pagkatapos naghilamos at saka nag sipilyo. Sa ngayon wala munang ligo ligo hindi ko pa nasasabi sa kanila na papayag na ako sumama kay Tita. Tamang pag-aayos lang ng mukha nagbihis rin ako dahil hindi maaaring hindi ako magpalit lalo na kung lalabas akong nakapantulog na damit.
"Anak, nagmamadali ka naman ata" sulyap ni Mama sa bintana.
"Tinanghali na po kase ako hindi ba po may inuutos po kayo sa'kin"
Natahimik si Mama kaya nilingunan ko siya na tila'y iniisip niya pa kung ano inutos niya sakin kahapon.
"Ngayon ko lang naalala, nak" natauhang sabi nito.
Napailing ako sa sinabi niya pero ng matapos ako sa ginagawa ko humarap ako sa kaniya para kunin ang mga ipapabili niya sakin sa bagong palengke. Napagtanto ko na nakalimutan nga ni Mama ang sinabi niya kahapon.
"Ma, ayos lang po" ngiti ko habang tinatanggap ang walong libo na pera.
"Ito ang pambili mo sa mga gamit mo may masosobra naman jan."
"Nga po pala na saan po sila Papa at Tita may sasabihin mo kase akong importante e"
"Tita Astraea mo baka nasa kwarto pa hindi pa siya lumalabas simula kaninang alas siyete"
"Ganun po ba" mahina kong sabi.
"Ano ba sasabihin mo? Pwede mo naman sabihin sakin, ako na bahala magsabi sa kanila"
"Nakapag desisyon na po kase ako na sumama po kay Tita gaya po ng pagpapaliwanag niyo kung bakit doon po muna ako sa kaniya" sa pagkakasabi ko pa lang titig na titig ang nanay ko.
"T-talaga ba, anak? Salamat at naintindihan mo kung bakit namin gusto ng Papa mo na sa Cavite ka muna mag-aaral" niyakap niya ako at saka tinawag sila Tita.
"Anong meron?" ani ni Tita pero si Papa iniintay niyang magsalita si Mama.
"Pumayag na si Pauline na mag-aral sa Cavite" nakahawak ako sa braso habang magkakaharap kaming apat. Malungkot ang mga mukha nila Papa pero alam kong para rin sa amin 'to lalo na makakabayad kami sa utang paunti-unti.
"Ganun ba? Ngayon saan ka pupunta?" tanong ni Tita sakin.
"Bibili po ako ng mga gamit ko para sa pang eskwela" sana bukas pa kami umalis ayoko pa sa ngayon umalis tanghali na rin baka wala na kaming masakyan kung gabihin kami sa byahe.
Gusto ko munang makasama ngayong araw ang magulang ko kapag umalis na wala silang ibang kasama wala rin akong kapatid kaya sa ngayon susulitin ko muna.
Nagpaalam ako sa kanila na pupunta muna ng bagong palengke para makauwi ng maaga. Madaming tao namimili ngayon sa nalalapit na pasukan kaya kahit sa mga mall maraming tao kaya sa malapit-lapit na lang ako mamimili.
Papalakad pa lang ako papunta sa kanto ng makita ako ni Mang Karding tinanong niya lang naman ako kung saan ako pupunta ng sabihin ko ay sa bagong palengke kaya sinabi niya sa'kin na ihahatid niya ako ng libre.
I realized everything that know matter how fall you are to someone or to your bestfriend if they don't like you, accept it even if it is hard. As they say, don't let your friendship break just because you like him or her.
Oo masakit masaktan pero mas masakit siguro kung baon na kayo sa utang habang ang magulang mo nagkakandakuba para lang may maibayad lalo na kung wala kang maitulong sa kanila.
"Neng.. Neng..." pagkukulbit ni Mang Karding.
"Po.." bigla akong natauhan ng naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko sa sobrang tulala ko habang nasa byahe.
"Malalim ata iniisip mo"
"Natulala lang po. Salamat po pala sa paghatid sa'kin dito" ngiti ko.
Isa siya sa pinagkakatiwalaan ng magulang ko simula bata pa lang ako hanggang ngayon kaya malaki ang utang na loob namin sa kaniya dahil nanjan siya maghirap man kami umaalalay siya sa amin nina Papa.
"Wala 'yon ang mahalaga nandito ka na" masayang sabi nito.
Hindi man naging mahaba ang usapan namin so I went downstairs where everyone was selling school supplies. Masikip ang bawat iskinita na dinadaanan ko sa sobrang dami ng tao sino ba naman hindi pupunta dito kung ang mumura ng mga presyo ng paninda.
Napapatagal ako sa bawat binibili kong gamit kase hindi ko maiwasang itago at hawak ng mahigpit ang dala kong pera, mamaya sinisiksik nila ako pagkatapos kinuha na pala nila ang dala kong pera ng hindi ko namamalayan kaya mas mabuti na lang na mag-ingat.
After I buy the school supplies that I need naghanap na agad ako ng masasakyan na tricycle sa kanto. Sobrang bigat ng dala ko mabuti na lang na napansin ako ng isang mamang lalaki kaya nagtanong ito kung sasakay daw ba ako.
"Neng saan ka?"
"Sa may barangay maligaya lang po" ani ko.
Pinasakay na ako nito kaya nakapagpahinga rin habang nakaupo. Habang nasa byahe mabigat pa rin sa damdamin ng maalala ko ang pinag-usapan namin kagabi.Bakit tama naman ginawa ko pero bakit ang sakit pa din.
Ang daming tanong na pumapasok sa isip ko pero ang sagot naman pwede ng isampal sa'kin.
"Sana inaya ko si Mama " bulong ko.
Lumabas ako ng tricycle ng saktong itigil niya sa harap ng bahay namin. "Pa! patulong nga po nito" sabi ko. Pagkatapos kong tawagin si Papa ay nagbayad na ako ng isang daan dahil na rin naihatid ako ng maayos dito.
"Dapat pala sumama ako nahirapan ka tuloy" sabi ni Papa.
"Ayos lang po 'yon wag po kayong mag-alala" ngiti ko. Inilagay namin ni Papa lahat ng pinamili ko sa kwarto para kapag katapos namin kumain aayusin ko na lang.
Nasabi sakin ni Mama na nag-aayos na ng gamit si Tita kaya nauna na akong kumain sa kanila madami dami rin ang aayusin ko.
"Ma magluto ka nito ah gusto ko magbaon nito bukas" sabi ko kay Mama.
"Alam kong paborito mo yan kaya malabong hindi ka magdala ng mga gusto mong ulam"
Sinabayan na ako ni Mama kumain kaya kahit sa pagkwekwentuhan napapasarap kami at napatagal na rin ng ilang oras. Ngayon pa lang namimiss ko na sila ni Papa paano pa kaya kapag umalis na ako.
"Ako na magliligpit dito ayusin mo na mga gamit mo para wala ka ng kakalimutan pagka-alis niyo bukas" sabi ni Mama.
Yumakap ako sa kaniya dahil ngayon lang ako mapapalayo sa kaniya pati na rin kay Papa.
"Mamimiss kita, Ma" malungkot kong sabi.
"Ang dalaga ko malugkot...isipin mong para naman sayo yan kung bakit ka mapapalayo samin ng Papa mo" paliwanag niya. Nakayakap lang ako habang nagsasalita siya mahigit dalawang minuto kaming nag-uusap.
Pumunta na ako sa kwarto at inayos ko muna ang mga damit na dadalhin ko. Medyo madami dami ang madadala kong damit kaya pinagkasya ko na lang sa isang maleta at sa pangalawang maleta naman lahat ng pagkain ko pati na rin mga hygiene. At ang ibang mga gamit ko dito sa kwarto na kaya kong ilagay sa bag pinagkasiya na lang.
Habang naghahanap ako ng susuutin ko bukas biglang nag text si Gael. Wala akong gana para ibigay ang atensyon ko dahil sa text niya pagod ang isip ko pati na rin puso ko sa ngayon.
After arranging my things I had to go to bed early because we had a long flight tomorrow. When I came out of the bathroom, I just combed my hair and went to bed, "it's my last day here" isang mahabang buntong hinga ang pinakawalan ko.
Tama lang naman 'tong desisyon ko ang mag-aral at tumira muna kay Tita Astraea gusto ko makalayo sa sakit at makatulong na rin kay Mama at Papa sa pagbabayad ng utang, sa tagal kong pag-iisip nakatulog na ako.
Nagising ako sa alarm clock ng mga bandang alas tres ng madaling araw hindi ko aakalain na ngayon na ang alis.
Dumeretso ako ako sa cr dala mga susuutin ko, mabilis lang ang paliligo na ginawa ko dahil pwedeng pwede ka na maging yelo sa sobrang lamig ng tubig. Nanginginig buong katawan ng matapos magpunas at nagbibihis ng pang-itaas.
"Sana pala nagpainit muna ako ng tubig"
Nagtatakbo ako papunta sa kwarto tiyak na sinarado ang pintuan at saka nag-ayos ng itsura. Hindi naman matagal ang ginawa sa kwarto so I decide na ibaba na ang mga dadalhin kong gamit.
Nakita ko si Mama na nagtitimpla ng kape habang si Papa katabi niya.
"Gayak na ba lahat ng mga gamit mo?" tanong nito.
"Opo. Nasa salas na rin do'n ko po muna nilagay"
"Hello!" bati ni Tita at umupo na sa tabi ko.
"Mama mamimiss kita" iyak kong sabi. Tuloy tuloy na ang pagbagsak ng iyak ko kahit sa pakikipag-usap sa kanila.
"Wag kang pasaway sa Tita Astraea mo at wag kang mag bibigay ng sakit ng ulo sa kaniya ha naiintindihan mo ba ako Pauline" paalala niya sakin.
Tumango lang ako at niyakap na lang siya, ganun din ang ginawa ko kay Papa na kanina pa nakatayo sa may pintuan.
"Mag-aral ka ng mabuti para matupad lahat ng mga pangarap mo" lungkot na sabi ni Papa.
Mahirap man para sakin o sa amin ang gantong sitwasyon pero kailangan kong gawin para kahit papaano matulungan ko sila. Lumabas na kaming apat si Papa naman tinulungan akong ilabas ang dalawa maleta at inihatid kami sa sakayan ng bus papuntang munomento.
"Ako na bahala jan sa batang 'yan Ate Mearra"sabi ni Tita kay Mama para maging maayos sa pakiramdam nito.
"Salamat. Mag-iingat kayo" si Papa.
"Kayo rin po" sagot ko.Hanggang sa nakasakay na kami tsaka tumulo luha ko buti na lang niyakap agad ako ni Tita Astraea.
"Ayos lang yan, Hija" hagod niya sa likod ko.
Pinunasan ko na ang mga luhang umaagos sa aking mata at umupo ng maayos. Dahil mahaba haba pa ang byahe namin nag check muna ako sa social media. When I opened my f*******: account I saw Gael's post with Blaize in a nice place but he looks happy without me.
I made the right decision na sumama kay Tita para rin makalimutan ko ang sakit. I need peace, I want to heal. So I decide na ideact lahat ng social media accounts ko.
"Tita matutulog po muna ako tutal matagal pa po byahe natin" paalam ko.
"Osige mabuti yan gigisingin na lang kita kapag malapit na tayo bumaba"