Confess
Nag-iba tono ng boses ko ng bumuhos lalo ang luha kaya pinagpahinga na muna ako nila Mama. Sumang-ayon naman ako sa kanila para din kumalma ang sarili ko na kanina ko pa gustong isigaw ang sakit na nararamdaman, sa pag-iisip ko sa mga nangyari kanina hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Bandang 5:30 ng hapon nagising ako para kumain na kaya bumaba ako, nakita ko rin si Tita Astraea na malungkot ang itsura kaya nilapitan ko.
"Tita, ayos lang po kayo?" pag-aalala kong tanong ng ikinagulat niya ng makita niyang nasa harap niya ako.
"N-nanjan ka pala. Ayos naman ako wag mo kong alalahanin" ngiti niya.
Tumango ako sa kaniya pero nakatayo pa rin ako sa harapan kaya bigla ko na lang niyakap si Tita kahit papaano gumaan ang pakiramdam niya.
"Ang pamangkin ko nanlalambing" pang-aasar niya sakin na ikinangiti ko naman.
"Pwede rin po, Tita" ani ko.
Mga ilang minuto ko lang siya niyakap pagkatapos sabay kami pumunta sa kusina para kumain ng hapunan. Nakita ko rin sila Papa na nag-hahain ng pagkain sa lamesa kaya napansin niyang papalapit kami ni Tita at bigla siyang lumapit sa'kin.
"Okay ka na ba?" si Papa.
"Medyo okay okay na rin po"
"Bakit anong nangyari?" singit ni Tita.
Hindi siya pinansin ni Papa kaya sabay sabay kaming tatlo pumunta sa kusina, nagtanong rin si Mama at ganun lang rin ang isinagot ko gaya ng sagot ko kay Papa.
"Hello? Anong nangyayari?" pagkukulit ni Tita samin.
"Kase po....." itutuloy ko ba? Nakakaramdam na naman ako ng sakit paano ba 'to.
"Kase?" si Tita.
"Kase may gusto po ako kay Gael...'yong kaibigan ko po na pumupunta po dito. Hindi niya po alam na may gusto ako sa kaniya pero naiintindihan ko naman po 'yon kaso po 'di ko na rin po napigilan sarili ko po kanina na sinagot na siya ng babaeng gusto niya na si Blaize po. Isa rin po sa dahilan kung bakit po isinama niya po ako kanina ipapakilala daw po niya ako kaso 'yon nga po sinagot na rin po siya kanina" bumilis ang t***k ng puso ko habang kinukwento sa kanila ang mga nangyari kanina.
Tahimik silang nakatingin sa'kin pero gumagawi ng tingin si Tita sa magulang ko na tila'y may alam sila.
Ngumiti si Tita sakin "Alam mo, Hija hindi naman maiiwasan 'yan ang magkagusto ka diba. Pero ang ganyang klaseng pag-ibig hindi sineseryoso lalo na kung sa kaibigan mo ikaw magkakagusto maswerte ka na lang kung ganun rin ang nararamdaman niya para sa'yo. Sa ngayon pahilumin mo muna ang sakit mahirap kumilos, mag-isip kapag ganyan" ani ni Tita.
Tama naman medyo natauhan rin ako nahahalata kong may experience si Tita sa mga gantong bagay. Wala rin ang nasabi sa payo nito kaya nag-aya na si Papa na kumain sa tabi naman niya si Mama at sa tabi ko si Tita.
"Nga pala anak uutusan kita bumili ng gamit mo pang eskwela naka budget kase ang pang-gastos mo kaya bumili ka na lang bukas sa bagong palengke" ani ni Mama.
"Sige po" tanging sagot ko at nagpatuloy sa pagnguya.
Hindi ko na naman ulit maiwasan isipin si Gael habang nagliligpit ako ng pinagkainan namin habang sila Papa nasa labas kausap si Tita Astraea. Pinag papatong-patong ko muna lahat ng pinggan at idineretso kong ilagay sa lababo nilinis ko muna 'yong lamesa namin bago ako tuluyan hugasin lahat ng mga pinagkainan namin.
Habang naghuhugas na ako ng mga pinggan naisip ko ang sinabi nina Mama about sa pag-aaral ko na sa puder muna ako ni Tita para doon mag-aral sa Cavite. Ayoko naman takasan ang problema dito lalo na baon na kami sa utang pero nandito pa rin ang kapatid ni Papa.
Maliit lang ang bahay namin pero masayang pamilya ang mayroon dito sa loob ng tahanan kaya ito na lang muna maitutulong sa magulang ko ang sumama kay Tita Astraea doon muna ako magtatapos ng pag-aaral, kahit sa gantong paraan nakatulong rin ako kahit papaano sa magulang ko.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabanlaw sa mga hugasin ng biglang tumunog cellphone ko kaya tinigil ko muna para matignan kung sino tumatawag. Siya ulit....Kanina pa tumatawag sila Gael pero hanggang ganun pa rin ang ginagawa niya pero ako heto pinagmamasdan ko lang pagtawag niya at hindi sinasagot.
Hindi ko muna hinawakan ang cellphone para makatapos agad ako sa gawain nilinis ko rin ang buong kusina tsaka pinuntahan sila Papa sa labas. Nakita ko sila nagtatawanan, pinagmamasdan ko sila hindi ko rin mapigilan na hindi mapangiti dahil sa mga nakikita ko kaya napansin ni Papa na nakatingin ako sa kanila.
"Kanina ka pa ba jan?" si Papa.
"Hindi naman po katatapos ko lang rin po maghugas ng mga pinagkainan po natin" sabay lapit sa kanila.
Kinuwento rin nila sakin kung ano pinag-uusapan nila hanggang sa napapatawa na rin ako dahil sa kapanahunan nila si Papa daw nagsusuot ng mga pambabaeng damit, naglalagay ng mga pampaganda sa mukha at umaarteng babae para lang mapasaya si Mama.
I can feel the happiness sa mata ni Mama dahil sa mga kwentong sinasabi ni Tita kaya masasabi kong ang swerte ng magulang ko sa isa't isa. Hindi ko na mapigilan ang pagtawa kahit sila ganun rin, sa bawat hampas ng hangin sa buhok ko kahit nakatingin sa kanila naging masaya ako kahit papaano.
Naging magaan lahat para sa'kin ng makasama ko sila at nagkwekwentuhan laughing with your family is the most memories you need to treasure in your life kase hindi sa lahat ng pagkakataon kasama natin sila kaya mas magandang sulitin.
"O siya pumasok na tayo sa loob dumadami ang lamok lalo na sa bandang likuran ko gusto ata nila akong halik-halikan" ani ni Papa.
"Kapal talaga maubos sana dugo mo " ani ni Mama na ikinatawa ko ng bahagya.
"Nakakadiri" si Tita.
"Ayaw niyo lang tanggapin na ang gwapo ko kaya ka nga nagkagusto sakin eh" pagmamalaki ni Papa.
Sabay-sabay kaming pumasok sa loob pero hindi pa rin tumitigil ang bardagulan ng magulang ko samantalang si Tita ang pait ng titig kaya napailing na lang ako.
Nauna na akong pumunta sa kwarto nakita ko na kakapatay lang ng tawag sa cellphone kaya chineck ko kung sino. 100 missed calls ang nakalagay galing kay Gael pati na rin mga messages niya mahigit 100, humiga na ako sa kama para matulog pero biglang tumawag ulit si Gael kaya sinagot ko na para tumigl na rin.
"Kanina pa ako tumatawag bakit hindi mo man lang sagutin" malungkot na sabi niya sa kabilang linya.
Tahimik lang ako nararamdaman ko ang kirot sa aking puso pati na rin ang luhang gusto ng tumulo.
"Hey. May problema ba?" tanong niya.
"Wala busy lang ako kanina. Pasensya na rin kung h-hindi ako napagsabi agad sayo na umuwi ako kanina nagmamadali kase ako"
"Kahit na nagsabi ka pa rin nag-aalala ako kanina pa pero ikaw hindi ka man lang nag text o chat" may halong inis sa boses niya pero hindi ko na lang pinansin.
Ayokong maubos ang sarili ko sa gantong sitwasyon. Pagmamahal lang 'to... nagmahal lang ako pero hindi ibig sabihin sasaktan ko ng husto.
"Matutulog na ako" ani ko.
"No. Wala munang matutulog paniguradong may problema ka na hindi mo sinasabi sakin" natahimik ako sa sinabi niya ito ang iniiwasan ko mamaya magtanong siya tapos wala akong masabi.
"Wala akong problema"
"Ngayon lang nangyari 'to"
"Ang alin?" tanong ko.
"Yung umalis ka ng hindi ka nag text sakin. Kahit emergency nagsasabi ka sakin kaya imposibleng may problema ka pero ayaw mo lang sabihin" don't tell me na nahahalata niya ako?
"Wala akong problema kaya matutulog na ako" walang gana kong sagot.
Tahimik lang ako kahit sa kabilang linya ganun rin mahigit isang minuto rin kaming tahimik kaya bigla akong nagulat sa tanong niya.
"Nagseselos ka ba kay Blaize?"
"Gago bakit ako magseselos?" pilit na hindi ipinapahalata.
"Sigurado ka?"
"Oo nga kulit"
"Hindi ako naniniwala kaya hindi rin kita tatantanan sa pagtatanong" nainis na ako sa sinabi niya kaya hindi ko na napigilan na hindi sabihin sa kaniya ang totoo. Wala na akong pakealam kung ano kalalabasan ng pag-amin ko sa kaniya, pero tahimik lang muna ako ng mga ilang segundo bago magsalita.
"Ano bang pinagsasabi mo hindi magseselos si Blaize alam niyang magkaibigan tayo"
Napatawa ako at napailing sa sinabi niya na "magkaibigan tayo".
"Yan ba talaga para sayo ang magkaibigan tayo"
"Ano bang pinagsasabi mo h-hindi kita maintindihan"
"Hindi mo ko maiintindihan dahil ang manhid mo"
"Oo gusto kita, oo mahal kita noon pa masaya ka na?"
"G-gusto mo ko?" utal na sabi ni Gael.
"Oo nagseselos ako... Oo nasasaktan ako... masaya ka na?" hindi ko na napigilan hindi umiyak.
"Sa sobrang manhid mo hindi mo man lang naisip na ako yung nanjan simula nung mga bata pa tayo!. Hindi mo man lang ba naisip kahit minsan na may nararamdaman ako sayo?! Hindi diba!! Dahil simula nung sinabi mo sakin na may nagugustuhan ka at lalo na kahapon sa sobrang saya mo nakalimutan mong kasama mo ko! Dapat nga nandun din ako sa inuupuan niyo pero ginusto ni Blaize na humiwalay ako at sumang-ayon ka. At ito pa sa sobrang saya mo na sinagot ka niya nagselos ako Gael at hindi mo yun nararamdaman o napapansin kase ang pokus mo sa kaniya lang!!?
Sobra sobrang luha na ang lumalabas sa mata ko binaba ko ang tawag niya. I confess pero hindi ko na makokontrol kung gaano ako nasaktan kaya tama lang siguro 'to.