CHAPTER 3

1498 Words
Hurt Sa pagkakasabi pa lang ni Gael na bestfriend niya ako hindi ko mapigilan na hindi mangilid ang luha siguro dahil kaharap ko lang 'yon babae na gusto niya kaya naiiyak ako ng wala sa oras. "Hi...it's nice to meet you" ani ni Blaize. Nginitian ko lang siya para hindi halata na hindi ko siya gusto for Gael pero bago pa kami makapasok sa loob tinignan muna niya ako hanggang ulo. "Tara na sa loob sobrang init na dito sa loob" singit ni Gael. Nauna sila sakin pumasok hindi ko rin alam kung kaya ko bang magtagal dito. Maganda naman itong napili nilang pagkikitaan kaso nga lang ang mamahal ng mga pagkain, inumin. Samantalang kami halos maubos na namin 'yon tinda ng magfifishball kase mura lang naman tapos itong babaeng 'to sa ganto pa nagustuhan. Dalawa lang ang upuan bawat lamesa kaya humiwalay na lang ako sa kanila baka sabihin ni Blaize lagi akong nakabuntot sa kaibigan ko. Tinignan ko muna ang laman ng wallet ko bago umorder dahil baka kulang pala ang dala kong pera, nakakahiya kung magkataon na mangyari. "Pau!" tawag ng gago sa'kin na ikinalingon ko naman. "Ano?" "Ayos ka lang jan?" ngumiti ako sabay tango pero sa loob loob ko hindi ako ayos. May gana pa 'to magtanong kung ayos lang ako ano ba sa tingin niya! Naiinip na ako sinasabi ko na bang wala akong gagawin dito, nakahalumbaba lang ako at kung sino sino lang tinitignan ko, para akong tanga dito wala rin akong maorder. "Miss, may gusto po ba kayo" siya po gusto ko sabi ko sa isip ko. "Ang mamahal po baka hindi na ako makauwi kapag hindi bumili pa ako" "May gusto ka po bang drinks?" tanong nito sakin. "Cappuccino po sana" "Ganito na lang po since P 230.00 po siya hati na lang po tayo sa bayarin" ngiti nitong magandang babae sa'kim. "Hala hindi na po tsaka nakakahiya rin" "Ano ka ba ayos lang halata naman na nag-iisa ka, kilala mo ba sila?" turo niya kila Gael. "Oo, kaibigan ko iyong lalaki ang katabi naman niya ang nagugustuhan naman niya" May pagkachismosa rin pala itong babae na 'to pero natatawa ako sa reaksyon niya habang tinitignan sila Gael bakas sa mukha nito na nandidiri siya sa panlalambingan nila ni Blaize. Tahimik lang ako sa kinauupuan ko hanggang sa may naglapag ng cappuccino sa harap ko. Hindi talaga nagpapigil itong babae na 'to binigyan niya pa rin ako kaya binigay ko sa kaniya ang P. 115.00 pesos na kalahati sa mismong presyo ng nitong inumin ko. "Salamat ha" ani ko. "Naku wala 'yon maliit na bagay" ngiti niya. Sa pagkakangiti niya pa lang namumula na ang kaniyang pisngi at masasabi ko sobrang ganda niya. Her hair that was beyond of her shoulders, exact body shape, especially the innocent face and simple woman. "Avrys! wag kang makipag chismisan jan sa costumer baka mawalan sila ng gana at hindi na ulit bumalik dito!!" sigaw ng isang lalaki na paniguradong siya ang may-ari nitong cafe. Nagulat at napayuko na lang ito sa sobrang kahiyaan kaya bumalik na siya sa trabaho. Samantalang ako hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya kase halos maluha luha na siya sa sobrang kahihiyan tsaka hindi naman dapat sigawan ang isang empleyado papaano kung gusto lang naman pala akong ientertain. Kumirot na naman ang puson ko ng magawian ko na ulit sila Gael sa kabilang lamesa sa muka pa lang niya halatang halata siya na masaya, hindi man lang niya ako puntahan dito saglit sarap niyang upakan kung pwede lang gawin ngayon kanina ko pa nagawa. "Wohoo!!' sabi ni Gael sabay tumayo sa ikinauupuan niya "Pauline!!! sinagot na ako ni Blaize" iinom sana ako ng sabihin niya sakin ang salitang 'yan na ikinatamlay ko. "T-talaga? Wow congrats!" Ibig sabihin matagal na nga talaga siyang nanliligaw kay Blaize ng hindi ko alam. I don't know how to react kase masyado na ata akong nawalan ng gana kumpara sa kanina medyo okay okay pa pero ngayon hindi na. Hinalikan niya ito sa noo sabay yakap ng mahigpit hindi ko inaasahan na ngayong araw pa talaga mangyayari 'to kung kailan kasama ako. Lumapit ako sa kanila para batiin ulit sila "Umayos ka, Pauline" bulong ko. "Congrats sa inyong dalawa" ngiti ko. "Thank you" sabi nilang dalawa. Nag-iisip ako na pwedeng idahilan para makalabas ako dahil kanina ko pa nararamdaman ang pangingilid ng luha ko kaya nagpaalam muna ako kay Gael. "Gael, sagutin ko lang tawag ni Mama" nakatayo ako sa likod nilang dalawa tila'y wala ng pakialam kung sino yung nagsasalita sa paligid nila. Lumingon siya sakin "sige sige" tanging sagot niya at humarap na ulit kay Blaize. Lumabas na ako dahil hindi na kaya ng mata ko na pigilan ang luhang kanina pa gustong lumabas sa mga mata ko. Nagmamadali ako maglakad para di ako makita o mapansin ni Gael na hindi ko naman kausap si Mama sa cellphone hanggang sa may nakabangga akong lalaki. "Sorry" ani ko. "It's okay" sabi nito kaya nakuryoso din akong tignan siya. Naka formal attire siya na tila'y isang business man sa isang malalaking kompanya hindi lang gwapo kundi matangkad rin. Tumingin muna ako sa kaniya hanggang sa naglakad na rin siya papuntang cafe kung saan nandun pa ang kaibigan ko pati girlfriend niya. Medyo malayo layo na rin ako sa cafe kaya naghanap na agad ako ng jeep para makauwi, alam kong rin na di ko na kakayanin kung babalik pa ako. Para akong pinagbabato sa sobrang sakit. Maybe this is biggest slap for me na hindi talaga ako magugustuhan ng kaibigan ko. Ang bigat sa pakiramdam kaya pati pagbabayad sa drayber ng jeep ay nakakalimutan ko buti na lang siniko ako ng katabi ko. "Neng, bayad mo daw" Hindi na ako nagsalita at inabot na lang sa kaniya ang para, mabilis rin inabot sakin ang sukli. Kung sa umpisa pa lang naman ako lang naman nagkagusto sa kaniya kaya wala akong dapat isumbat sa kaniya kung sakali naman na magusap kami. Makakatulog na sana ako kahit saglit sa byahe pero biglang nagvibrate ang cellphone ko. Mas lalo lang akong napapaiyak ng mabasa ko ang text ni Gael. Gael: Nasaan ka? Gael: Bakit 'di ka nagrereply sa text ko. Gael: Pauline! Can you tell me where are you? Kanina pa kita hinahanap nilibot ko na pati mall dito. Nakakailang tawag na rin siya pero hindi ko sinasagot kaya pinatay ko muna ito para di siya tumawag. Napatagal ang byahe dahil traffic buti na lang may alam na shortcut 'yong driver na sinasakyan kong jeep kaya nakauwi agad ako. Papalapit pa lang ako sa bahay nakita na agad ako ni Papa kaya sinalubong niya ako. "Anak anong nangyari?" pag-aalala niyang tanong sakin. Pinunasan ko muna luhang nagbabadya sa pisngi ko at humarap ng maayos kay Papa. "Wala po" ngiti ko sa tatay ko. "Hindi ako naniniwalang okay ka. Anong nangyari?" Pumasok na agad ako sa loob at dumeretso sa kwarto 'di ko alam kung kaya ko bang sabihin sa kaniya. Sinarado ko ang pintuan at dumeretso sa higaan para magtaklob ng kumot, mas lalo lang ako umiyak. Kumakatok sila pero ako nandito lang wala akong gana sa lahat o kahit makipag usap sa mga kasama ko dito sa loob. Narinig ko rin na binubuksan nila ang pintuan ng kwarto ko kaya hinayaan ko na lang. "Anak anong nangyari?" si Mama. Hindi ko na namalayan na nabuksan na pala nila 'yong pintuan. Naramdaman ko rin na umupo si Mama sa tabi ko kaya tinanggal ko ang kumot at niyakap agad siya. "May problema ba, nak?" tanong ni Papa. Hinihimas lang ni Mama ang likod ko habang mahigpit na nakayakap, gusto ko ng sabihin lahat ng nararamdaman ko sa kanila pero mas gusto ko lang ngayon ang yakap galing kay Mama. Sa yakap ng isang ina hindi natutumbasan ang kahit ano dahil mas sa simpleng 'to napapagaan ang mabibigat nating nararamdaman. In this part, it is very painful to like someone who doesn't like you na parang sa una nangangarap ka o di kaya nag iimagination na magustuhan ka rin nila pero masasampal ka na lang na hindi pala mangyayari 'yon. Kumalas ako sa pagkakayakap kay Mama inayos ko rin buhok ko dahil sa kakaiyak at pagkakagulo ng nakabaon ang ulo ko sa leeg ng Nanay ko. "Anong nangyari?" pag-aalala nilang dalawa. Paano ko ba sasabihin mas nauunang lumabas luha ko sa kaysa sabihin sa kanila ang mga nangyari. Nakatingin lang sila sakin tila'y nag-iintay sa kwento ko. "Ma, Pa ang sakit po magkagusto sa isang tao na hindi naman po kayo gusto diba po?" pagtatanong ko sa kanila. "Oo. Bakit mo nasabi 'yan sino nagugustuhan mo?" agap ni Papa. Nangingilid na ulit mga luha ko kaya di ko na mapigilan deretso si Papa "Ang sakit sakit po gusto ko po si Gael. Kaya rin po niya ako sinama kanina dahil ipapakilala po niya sakin 'yong babaeng gusto niya na matagal na po pala niyang nililigawan" di ko na napigilan na hindi umiyak sa harap nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD