"HINDI mo naibigay ano?" wika sa kanya ni Beauty habang naghihintay na lang sila na matapos ang trabaho nila. Malinis na ang shop, tapos na sila halos lahat, bale hinihintay na lang nilang dalawa si Amiel na nangakong susunduin daw sila. "Oo, mayroon naman siyang natanggap na pagkain. Nakakahiya namang ibigay ang niluto ko," mahinang wika ni Lovely. "Kahit na, dapat hindi ka pa rin nagpatalo! Hina mo rin kasi, my friend! Iyung babae na iyon? Si Ms. Charlotte, my ghad! Desperadang babae, hindi naman iyon gusto ni Sir. Kurt, maniwala ka sa akin," saad nito. "Maganda na rin na hindi ko ginawa. Saka ayaw ko naman na magkaroon ng kaaway. Lalo pa at magmumukha lang akong katawa-tawa roon." Nagsasabi lang naman ng masakit na katotohanan si Lovely. "Hmp! Bahala ka nga diyan, siya nga pala! N

