bc

Pangit na Kaakit-akit (Filipino)

book_age16+
1.0K
FOLLOW
4.2K
READ
possessive
humorous
enimies to lovers
rejected
slow burn
like
intro-logo
Blurb

Ang pangit at probinsyana na si Lovely ay kailangan lumuwas ng Makati upang makatulog sa magsasarang ampunan na kanyang kinalakihan. Gagawin niya lahat upang maisalba ang tahanan ng maraming kabataan.

Ngunit hindi lang trabaho ang nahanap ni Lovely, kung hindi limang manliligaw. Kahit na pangit ay may pagasa pa.

Pero sino nga ba ang pipiliin niya?

chap-preview
Free preview
Prologue
HINDI mawari ni Lovely kung bakit bumaliktad bigla ang mundo niya. Hindi ganito ang expected niyang buhay sa Makati. Ang main objective lang naman niya ay magtrabaho at makatulong sa bahay ampunan na kinalakihan niya. Hindi siya maganda, kaya napapaisip siya ngayon kung bakit ba siya hinahabol ng limang lalaki na iyon. Hello! Si Lovely lang siya. Walang espesyal sa mukha at katawan niya. Akala pa nga ng iba sa St. Monica—lugar na kinalakihan niya ay isa siyang mangkukulam. Mukha raw kasing gawa sa 'witchcraft' ang mukha niyang hindi maipinta sa pangit. “Uy, Teh! Grabe ka naman makatulala diyan! Sabog ka ba? May kinakain naman tayo rito sa boarding house, pero napili mo pa rin na suminghot ng katol,” wika ni Beauty na kababata niya. Huminga siya ng malalim at humiga sa kama. Nais lang naman ni Lovely na maging friendly. Wala siyang balak na maging habulin ng lalaki. “Malaki lang ang problema ko, teh." Isang malalim na buntong hininga na naman ang pinakawalan niya. Tinabihan siya ni Beauty at niyakap. “Lovely, huwag mo na masyadong isipin ‘yang love life na ‘yan! Maniwala ka na lang kay Lord! Bibigyan ka rin ng jowa. Basta yumaman ka lang para magka-sugar baby!" Natawa na lang si Lovely sa kagagahan na naiisip ng kanyang kaibigan. Kung alam lang nito. “Hindi naman ganoon ang problema ko, e!” dahilan niya. “Kung gano’n, ano pala?” biglang tanong naman ni Beauty sa kanya. Marahil ay na-curious sa kanyang mabigat na problema. “Chika mo naman, girl!” Napakagat labi muna si Lovely bago nagpatuloy sa kanya sasabihin. “Mangako ka muna na hindi mo ako pagtatawanan! Mahirap paniwalaan itong sasabihin ko! Kapag talaga ako tatawanan mo, sasabunutan ko ‘yang buhok mo up and down." Humagikgik naman si Beauty sa sinabi niya. “Ang bad! Pero sige na! Spill the tea na!” “Ganito kasi iyan,” medyo hesitant na simula niya. “May lima kasi akong manliligaw. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko. Ayaw ko naman silang saktan, ayaw kong pumili!” Biglang natahimik si Beauty sa sinabi niya, hanggang sa hindi na napigilan ng kaibigan nito na bumulahaw ng halakhak. Marahil ay akala nito’y biro lamang ang sinabi niya. “Teh naman! Benta na naman iyang punch line mo! Kaimbyerna na ito! Ang sakit tuloy ng tiyan ko. Ikaw na, teh! Ikaw na ang magandang mag-imagine diyan,” bulalas ni Beauty sa kanya habang nagpupunas pa ng luha sa kakatawa. “Kainis ka naman, e! Seryoso nga! Bahala ka nga diyan.” Napatigil ang kaibigan niya sa pagtawa. Nawala ang pagka-amuse sa mukha nito saka siya tiningnan. “Seryoso?” “Alam ko na pangit ako, at hindi ako mukhang habulin ng lalaki. Mukha lang akong tipo na hinahabol ng itak sa sobrang pangit. Kaya nga heto ako, o? Nababaliw sa kakaisip kung bakit ako pa?! Sa dinami-dami ng isda sa dagat ay sa hipon pa nila napiling pumila! Ayaw ko na! Hindi ko na pinapangarap na maging ligawin,” rant na lang ni Lovely. “Seryoso ka nga,” komento ni Beauty. “Kung sino man ang mga nanliligaw sa‘yo, nakita nila ‘yong mga bagay na hindi nakikita ng mga lalaking sa itsura lang bumabase ng kagandahan. Aba at mahirap nga ‘yan. Madami kang manliligaw, at hula ko ay malapit pa sila sa puso mo. Ako sa ‘yo? Pumili ka na habang maaga pa. Huwag mo nang hintayin na masasaktan ka sa kanila.” Pagkatapos sabihin ‘yon ni Beauty sa kanya, lumabas na ito mula sa silid nila at iwan siyang nag-iisip. NAISIPAN ni Lovely na imbes na magmukmok sa isang sulok ng kwarto niya ay pinili niya munang lumabas. Kailangang maging kapaki-pakinabang ang araw na ito, kahit sabihin na day-off niya mula sa coffee shop na kanyang pinapasukan. “Si Boss Kurt, ang unang crush ko rito sa Makati,” sa isip ni Lovely. “Mabait, sweet, at magaling magluto. Maliban pa sa mga katangian na iyon ay sobrang gwapo at makisig ng morenong boss ko. Siya ang unang hinangaan ko na lalaking hindi ako nilait o kinutya. Noon, pinapangarap ko na ligawan niya ako, ngayon naman ay hinihiling ko na huwag na lang sana.” Pumunta si Lovely sa isang convenient store at saka bumili ng ice cream. Sa park naman na malapit naisipan niya na magmuni-muni. “Si Chase naman ang pumangalawa. Lalaki na sadya atang maloko at napakapilyo at sama ng ugali. Laging nilalait ang invisible na beauty ko!” Mukha man siyang tanga sa pakikipag-usap sa isip niya ay pinagpatuloy pa rin niya. “Pero naging mas malapit na kami ngayon sa isa't-isa. Dati ang pangit niyang ka-bonding, napakasutil kasi na lalaki. Pero ngayon bigla na lang niya akong niligawan.” “Sumunod naman si Carl! Best friend naman iyon ni Chase, gusto rin akong ligawan! Parang kapatid na ang tingin ko sa kanya, e.” “Dumagdag pa si Arthur! Byudo na lalaking madalas na ka-late night talk ko. Mabait kasi at parang napakatalino na tao.” “And last, hopefully the least, ang dati kong kababata na si Sam, na ngayon ay nagtagpo muli ang landas namin at gusto akong ligawan!” Para siyang maiiyak. Iniisip ni Lovely na kaunting kembot na lang ay sa mental na ang bagsak niya! Ganito pala ma-stress ang magaganda! Pero hindi naman siya maganda! Hindi rin siya nangga-gayuma. Kaya nagtatanong si Lovely kung bakit niya nararanasan ang ganitong crisis sa buhay niya. Ngayon niya naisip na ang hirap pala magkaroon ng maraming manliligaw. Hindi niya keri. Kung pwede nga lang ibalik niya sa dati ang lahat, gagawin ni Lovely. Matapos niyang maubos ang ice cream ay tumayo na siya. Paglingon niya naman sa harap ng parke ay nakita niya ang limang manliligaw niya. Tila bumagal ang ikot ng mundo ni Lovely. Kita niya ang limang makikisig na papalapit nang papalapit sa kanya. “Hindi ito pwede! Hindi pwede!” NAPABANGON si Lovely sa higaan niya. Hindi pala siya talaga lumabas at pumunta sa park na iyon. Nakatulog at binangungot lang siya ng very slight. Dama pa rin niya hanggang ngayon ang takot. Naisip niya na dapat habang maaga pa ay ipatigil niya na sa limang lalaki na iyon ang kahibangan nila. Pangit lang siya! Ampon! Mababaw ang pinag-aralan at higit sa lahat, pakiramdam ni Lovely ay hindi siya deserve mahalin ng gwapo. Ayaw niya rin na sa huli ay magsisi ang mga lalaking iyon na pangit ang minahal nila. Bigla naman bumukas ang pinto at iniluwa nito ang kaibigan ni Lovely na si Beauty. “BAKLA! EMERGENCY!” “Ha?! Hala! Anong nangyari?!” aligagang tanong niya. “Nasa baba ang mga manliligaw mo! Halika nga! Sabunutan ko lang iyang buhok mo! Pisting yawa ka!” Nakaramdam ng pagkawala ng dugo sa mukha ni Lovely. Tila nagkatotoo ang bangungot niya. “Hindi na po ako magsa-sana all next time.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
164.4K
bc

His Obsession

read
78.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
71.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
112.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
22.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook