SA isang sikat na sikat na restaurant siya dinala ni Kurt. Sa una e masaya si Lovely, ito ang unang beses na makakakain siya sa labas, sa isang mamahaling lugar pa. Pangarap niya ito. At nais niya na maging memorable ang ganito na tagpo. Ngunit sadyang hindi ata kumpleto ang gabi niya kung hindi niya makikita abg harapan at pabulong na lait sa kanya ng ibang mga tao na kumakain din sa lugar na ito. "Alam mo, Sir. Masarap din kumain sa mga lomihan, lugawan, mga nagtitinda sa labas, take out tapos kakain na lang sa mga parke, basta," wika ni Lovely. Totoo na nais niyang kumain dito, sa mga ganito na klase ng lugar. Pero sa isip naman niya e hindi naman siya makakakain ng maayos kung sa kada sandali at pagkakataon ba naman e may mga tao at customer din na maya-maya e nilalait na siya. "I

