"DID you have fun?" Nilingon ni Camilla si Ate Denisse sa kanyang tabi ng marinig niya ang tanong nito sa kanya. Nakangiting tumango naman siya ng magtama ang mata nila. "Yes," sagot niya. "That's good to hear," nakangiting wika din nito. Nag-enjoy talaga si Camilla sa panunuod ng fashion show ni Miss Chelsea. Enjoy na enjoy ang mga mata niya sa kapapanuod sa mga modelong rumarampa sa catwalk kanina. Lalo na sa mga damit na suot ng mga ito. Talagang makikita na mahusay na fashion designer si Miss Chelsea dahil sa mga gawa nito. Marami nga siyang nakitang artista na dumalo din doon. And for sure, mga mayayaman ang lahat ng naroon. Pakiramdam nga niya ay siya lang ang hindi belong sa naturang event. "Let's go. Let's congratulates, Chelsea," mayamaya ay wika ni Ate Danielle. Katulad

