"SALAMAT." wika ni Camilla kay Ate Denisse nang i-abot nito sa kanya ang plato na may ulam. Tita Dana and Ate Denisse came to visit Ford Dean. May dala nga din ang mga itong pagkaing kaya hindi na siya nagluto para sa dinner nila ni Ford. Kaya ang mga pagkain na dala ng mga ito ang naging dinner nila. "You're welcome," sagot naman ni Ate Denisse sa kanya. Nagpatuloy naman na silang kumain. At habang kumakain ay napansin niyang inaabot ni Ford Dean ang ulam na gusto nitong kainin pero medyo malayo iyon dito. At mukhang siya lang ang nakapansin niyon dahil abala ang dalawa sa pagkain ng mga ito. Napansin naman niyang ibang pagkain ang kukunin ni Ford nang mapatigil ito ng i-usog niya palapit dito ang pagkaing kanina pa nito inaabot. Napansin naman niyang bahagya itong natigilan at na

