PINUNASAN ni Camilla ang namumuong pawis sa kanyang noo. Pagkatapos din niyon ay hinawakan niya ang puson na nananakit pa din. Mukhang hindi umepekto ang gamot na inimom niya para sa dysmenorrhea. Camilla took a deep breath. Saglit din siyang nanatili sa kusina hanggang sa napagpasyahan niyang lumabas at nagtungo sa sala kung nasaan si Ford Dean at ang physical therapist nito na si Hilario. May session kasi ang dalawa ng araw na iyon. Umalis na din ang magulang ni Ford Dean kanina. Naroon pa nga ang mga ito ng dumating si Hilario pero pagkalipas ng isang oras ay nagpaalam na din ang dalawa na aalis dahil may gagawin pa daw. Pero nangakong babalik ang mga ito sa susunod na araw para bumisita ulit. At nang makarating sa sala si Camilla ay nadatnan niya si Ford Dean at Hilario sa kalagi

