NAPATIGIL si Camilla mula sa paglalakad ng marinig niya ang galit na boses ni Ford Dean. Hinanap naman niya kung nasaan ito at nakita niyang may kausap ito sa hawak nitong cellphone. His brows furrowed and his lips pursed. Pansin din niya ang apoy sa mga mata nito. He is angry. Para tuloy siyang natatakot na lapitan ito baka kasi siya ang mabuntunan nito ng galit. At akmang aalis na siya sa kinatatayuan at babalik na sa pinanggalingan ng mapatigil siya nang muling magsalita si Ford Dean. "No. My decision is final. I want to sue them," mariin ang boses na wika nito sa kausap. Hindi naman niya napigilan ang mapa-curious. "I don't care if they make a public apology or how many times they apologize. I'll make them pay for what they did. They hurt her," pagpapatuloy pa na wika nito. Sin

