KUMUNOT ang noo ni Camilla nang nakailang ring na ay hindi pa din sinasagot ni Camillo ang tawag niya. Tinatawagan niya ito dahil gusto niyang kamustahin ang magulang niya. Apat na araw na din kasing hindi niya ito nakakausap. Sa text lang niya nakakamusta ang mga ito. Nang hindi din sinasagot ni Camillo ang tawag niya ay naisipan niyang i-text ito. Tawagan mo ako kapag nabasa mo ito, Camillo. Ibinaba naman ni Camilla ang hawak na cellphone nang ma-send niya iyon sa kapatid. Nangalumbaba siya sa mesa habang nakatitig siya sa cellphone. Makalipas naman ng limang minuto ay tumunog ang message alert tone ng cellphone niya. Agad niya iyong dinampot nang makita niya kung sino ang nagpadala ng text message sa kanya. Bakit, Ate? Kumunot ang noo ni Camilla nang mabasa niya ang reply nit

