NAGMAMADALI si Camilla na maglakad patungo sa pinto ng marinig niya ang pagtunog mg doorbell sa labas ng penthouse ni Ford Dean. Pagkabukas niya ng pinto ay sumalubong sa kanya ang pamilyar na mukha ng isang magandang babae. At nang magtama ang mga mata nila ay awtomatikong ngumiti ito sa kanya. "Hi," bati ng babae sa kanya. "You are Camilla, right?" wika nito sa pangalan niya habang hindi pa din nawawala ang ngiti sa labi nito. Bahagya namang kumunot ang noo niya habang nakatingin siya sa babae. Kilala siya nito? Alam nito ang pangalan niya. Pamilyar ang mukha ng babae pero hindi lang niya matandaan ang pangalan nito at kung saan niya ito nakita. Pero sigurado siyang nagkita na silang dalawa. "It's Chelsea. The fashion designer," pagpapakilala nito, mukhang nabasa nito ang nasa is

