NAKITA ni Camilla si Ford Dean na nag-angat ng tingin nang marinig nito ang pagtunog ng ringtone ng cellphone niya. Pinagdikit niya ang labi na bumaba ang tingin niya sa cellphone na nakalapag sa ibabaw ng mesa. She want to declined the call pero nang makita niya kung sino ang tumatawag ay hindi niya magawa. Nakita kasi niyang si Camillo ang tumatawag sa kanya ng sandaling iyon. And she want to answer the call baka kasi importante ang sasabihin nito sa kanya. Inilipat naman ni Camilla ang tingin kay Ford Dean. "S-sir?" wika niya dito nang magtama ang mga mata nila. "Hmm?" "Pwede...ko bang sagutin ang tawag ng kapatid ko?" tanong niya dito. "Go ahead, Camilla," mabilis nitong sabi sa kanya. Hindi naman niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi niya habang nakatingin siya dito

