NAPATIGIL si Camilla sa paglalakad nang makita niya si Ford Dean na isinasarado ang pinto sa penthouse. Lumabas ba ito? Hindi naman niya napigilan na itanong iyon sa isipan. Hindi kasi siya sigurado kung lumabas ba ito o hindi. Nasa kwarto kasi siya, nagpaalam kasi siya dito kanina na maliligo sandali. At nang pumihit ito ay napansin niyang may bitbit na itong dalawang paperbag. Bumili ba ito sa labas? Pero imposible namang lumabas ito? Sa ilang linggo na pananatili nila doon ay nakakalabas lang si Ford Dean kapag may check-up ito sa ospital o hindi kaya sinusundo sila doon ng magulang nito para magpunta sa mansion. Never pa itong lumabas dahil siguro nag-iingat na din dahil maraming aggresibong mga reporter na gustong makakiha ng scoop sa kalagayan nito. Pero sa totoo lang, simula n

