TAPOS na si Camilla na nagbihis. Tapos na din siyang nag-empake na dadalhin siya sa overnight stay nila sa private resort ng mga De Asis sa Batangas. Sinabi ni Ate Denisse na magdala siya ng damit panligo dahil for sure ay maliligo daw sila. Short at T-shirt lang naman ang dinala niya para doon dahil maliban sa wala siyang swimsuit ay hindi din siya nagsusuot niyon. Hindi naman kasi siya komportable. Lumabas naman na si Camilla sa kwarto. Hinihintay kasi niya ang pagdating ni Denisse dahil susunduin siya nito doon. Hindi sasama si Ford Dean kaya si Tita Dana ay maagang nagtungo doon para may makasama ito. Naisipan nga niyang mag-back out dahil nahihiya siya dahil may trabaho siya pero pinili niyang sumama kina Ate Denisse. Nang sabihin nga niya iyon ay si Tita Dana ang nag-convince na su

