"OH, BAKIT?" tanong ni Camilla kay Ford Dean nang makita niya ang hindi maipintang mukha nito ng pumasok siya sa kwarto nito kinabukasan. Hindi iyon ang inaasahan niyang sasalubong sa kanya kapag pumasok siya sa kwarto nito. Inaasahan kasi niya ang ngiti nito ang sasalubong sa kanya pero nagkamali siya. "I've been waiting for you to enter my room," wika nito. Hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito ng sandaling iyon habang nakatingin ito sa kanya. "Nagluto pa kasi ako ng breakfast natin," sagot naman ni Camilla kay Ford. Pagkagising kasi ni Camilla kanina ay sa halip na dumiretso siya sa kwarto nito ay sa kusina siya dumiretso. At agad siyang naghanda ng breakfast nilang dalawa. Humugot ng malalim na buntong-hininga si Ford Dean. "The next time you wake up the next day, com

