"WON'T you change your mind, Ford?" Agag na rumuon ang tingin ni Camilla kay Ford Dean nang marinig niya ang tanong na iyon ni Doc Trevor. "Even if the chances are small, they are still chances," dagdag pa na wika nito. At dahil nakatingin si Camilla kay Ford Dean ay nakita niya ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha nito. Napansin din niya ang paggalaw ng panga nito sa sinabing iyon ni Dox Trevor. Nasa office sila ni Doc Trevor sa ospital. Check up ni Ford and this time ay hindi nila kasama ang pamilya nito. Request iyon ni Ford para ituloy nito ang check up. Sa totoo lang kasi ay ayaw na ni Ford Dean na magpa-check. He said to his family that he is totally fine. Pero hindi pumayag ang magulang nito sa gustong mangyari ni Ford. Pumayag lang naman si Ford na magpa-check up ito kung hindi s

