"f**k!" Napatingin si Camilla kay Sir Franco ng marinig niya ang mahinang pagmumura nito ng malapit na sila sa ospital kung saan ang check-up ni Ford Dean. "Why, love?" Narinig naman niyang tanong ni Tita Dana nang marinig din nito ang pagmumura ng asawa. "Reporter," malamig naman na sagot ni Sir Franco. Naramdaman naman niya ang pag-igting ng mga panga ni Ford Dean sa kanyang tabi. At nang balingan niya ito ay nakita niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito habang nakatingin ito sa labas ng bintana ng kotseng sinasakyan nila. Nakita nito ang ilang reporter na nag-aabang sa labas ng ospital. May ideya naman na siya kung ano o kung sino ang dahilan kung bakit naroon ang mga reporter sa labas ng ospital. Alam niyang inaabangan ng mga ito si Ford Dean. "Bakit sila nandito? And how d

