NAPATINGIN si Camilla sa dereksiyon ng pinto ng marinig niya ang tunog ng doorbell na nanggaling sa labas ng penthouse ni Ford Dean. Iniwan naman niya ang ginagawa para humakbang patungo sa pinto para pagbuksan kung sino ang nasa labas. May ngiti namang sumilay sa labi niya nang makita niya si Tita Dana at ang asawa nitong si Tito Franco na nakatayo sa labas ng penthouse ni Ford Dean. "Hi, Cam, hija," bati ni Tita Dana ng magtama ang mga mata nila. "Good morning po, Tita Dana," nakangiting bati ni Camilla dito. Pagkatapos niyon ay sumulyap din siya kay Sir Franco. "Good morning din po, Sir Franco," bati din niya dito. Isang tango lang naman ang isinagot nito bilang pagbati sa kanya. Lihim naman napangiti si Camilla, alam na alam na talaga niya kung kanino nagmana ng pag-uugali si

