Chapter 9

1477 Words

KA-TEXT ni Camilla ang kapatid na si Camillo ng tawagin ng head nurse ang atensiyon niya. "Camilla." Inalis naman niya ang tingin sa hawak na cellphone at nag-angat siya ng tingin patungo dito. Nakita naman niyang kabababa lang nito sa hawak nitong telepono na nasa nurse station. "Bakit po?" tanong ni Camilla dito ng magtama ang mga mata nila. "Pinapatawag ka ng management. Gusto ka daw kausapin," imporma nito sa kanya. Bahagya namang kumumot ang noo ni Camilla sa sinabi nito. "Bakit daw po ako pinapatawag?" tanong niya, baka kasi nasabi ng management dito ang dahilan kung bakit siya pinapatawag. Nagkibit-balikat naman ito. "Hindi ko alam. Basta pinapatawag ka lang," sagot naman nito. "Sige po," sagot naman niya. "Salamat." "Gusto mo samahan kita, Cam?" mayamaya ay napatingi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD