"MAMI-miss ka namin dito, Cam," malungkot na wika ni Andi nang magpaalam na siya sa mga kasamahan niya sa trababo sa ospital na pinagta-trabahuan. Nang matapos siyang kausapin nina Sir Marcus kahapon ay tinanong siya ng mga kasamahan niya sa trabaho kung ano ang sinabi sa kanya ng ipatawag siya ng management. Sinabi naman niya ang pinag-usapan nila. Masaya nga ang mga ito para sa kanya. Pero nang sandaling iyon habang nagpapalam na siya dahil aalis na siya sa ospital dahil idi-discharged na si Ford Dean ay malungkot ang mga ito. Kinagat naman ni Camilla ang ibabang labi nang maramdaman niya ang pamamasa ng mga mata niya. Naiiyak kasi siya dahil nami-miss din niya ang mga ito. Ilang buwan din kasi silang magkasama. At ang mga ito ang naging kaibigan niya ng mag-trabaho siya sa Manila. "

