NAPAAWANG ang labi ni Camilla nang makapasok siya sa magiging kwarto niya habang nagta-trabaho siya kay Ford Dean. Nasa penthouse sila ng sandaling iyon. It's Ford penthouse. Gusto sana ng magulang ni Ford Dean na sa mansion muna pansamantala si Ford para mabantayan din ito. Pero ayaw nito, kaya wala ng nagawa ang magulang nito kundi payagan kung ano ang gusto ni Ford. Nangako namang papasyal ang mga ito para kamustahin ang lalaki. Hindi napigilan ni Camilla ang mapawang ang labi dahil sa pagkamangha. Malaki ang guestroom na inuukupa niya, maganda din ang interior sa loob. May sofa nga din sa loob ng kwarto. At halata ding mamahalin ang mga display na naroon. Natatakot tuloy siyang hawakan ang mga iyon baka mabasag niya. Baka wala siyang ipambayad kapag may nasira siya doon. "Okay l

