"MAKE Ford fall in love with you." Napatigil si Camilla sa pag-inom ng tubig ng maalala niya ang sinabing iyon sa kanya ni Denisse noong nakaraang araw. At nang maalala niya iyon ay parang replay na pumasok sa kanyang isipan ang mga naging pag-uusap nila. "What.. do you want me to do?" tanong niya, hindi kasi siya sigurado kung tama ba ang narinig niyang sinabi nito. "Make my brother fall in love with you, Camilla. At kapag na-i-inlove siya sa 'yo ay doon mo siya i-convince na magpa-opera," wika nito sa kanya sa gusto nitong mangyari. At nang malinaw na pumasok sa isip niya ang sinabi nito ay nalaglag ang panga niya. She couldn't believe what she heard. She couldn't believe the idea that came to his mind. And yes, her idea is an absurd. "Seryoso ka ba?" tanong niya ng makalipas an

