CAMILLA pacing back and forth in front of Ford Dean room while holding the food tray. Gusto kasi niyang pumasok sa loob para ibigay ang breakfast nito. Hindi pa kasi ito nakakapag-breakfast at alas diyes na ng umaga. Brunch na nito iyon kung sakali. Isang araw na itong hindi lumalabas ng kwarto nito pagkatapos ng check-up. Time to time ay tumatawag si Tita Dana sa kanya para kamustahin ang anak. Hindi daw kasi nito sinasagot ni Ford ang tawag ng Mommy nito. At siya ang pinakiusapan nito na mag-check kay Ford Dean. At kanina ay maagang bumisita si Tita Dana, kasama nito si Sir Franco para kausapin si Ford Dean pero hindi humarap si Ford Dean sa magulang nito, nanatili ito sa loob ng kwarto. Pansin naman niya ang sakit na bumalatay sa mukha ni Tita Dana at Sir Franco ng hindi hinarap n

