CHECK-UP ulit ni Ford Dean ngayon sa ospital. At hinihintay lang nilang dalawa ang sundo nila. Ready naman na sila. Mayamaya ay tumayo si Camilla mula sa pagkakaupo niya sa sofa ng marinig niya ang pagtunog ng doorbell. Pagbukas nga niya ng pinto ay sumalubong sa kanya ang mukha ni Francis. Hindi niya inaasahan na ito ang magsusundo sa kanilang dalawa ni Ford Dean. Akala kasi niya ay ang mga magulang nito ang susundo sa kanila gaya na lang ng unang beses ng check-up nito. "Good morning, Sir," bati ni Camilla kay Francis. Isang tango lang naman ang isinagot niya. "Where's Ford?" he asked her in a deep and baritone voice. Sa halip naman sumagot ay nilingon niya si Ford Dean na walang imik na nakaupo sa wheelchair nito. l "Sir Ford, nandito na po ang Kuya Francis niyo," wika naman

