"WHERE the hell have you been?" Nangatog ang tuhod ni Camilla habang sinasalubong niya ang titig ni Ford Dean sa kanya. His eyes were bloodshot as he stared at her. "And what time is it?" sunod na tanong nito sa kanya sa seryoso pa ding boses. Sunod-sunod naman siyang napalunok. "It's.. eight in the evening po, Sir Ford," sagot niya sa lalaki. "At anong oras ang sinabi mong uuwi ka?" sunod na tanong nito. Saglit naman niyang kinagat ang ibabang labi. "5 po, Sir," sagot ulit niya dito. Muling bumuka ang bibig niya para mag-explain. Mukhang kailangan kasi niyang magpaliwanag kay Ford Dean kung bakit ginabi siya ng uwi. Kailangan niyang magpaliwanag dito para hindi siya nito mapagalitan. "Pasensiya na po kung ginabi ako ng uwi. Medyo nalibang po kasi kami ng kaibigan ko kaya hindi na

