NAGTAKA si Camilla nang mapansin niya ang paninitig ng pamila ni Ford Dean dito. Kita nga din niya ang nakakalokong ngiti sa labi ni Denisse habang nakatingin ito sa kapatid. "So, Ford, naibigay mo ba ng maayos kay Camilla iyong chocolate na bigay ko?" tanong ni Denisse dito, binigyan diin pa nga nito ang huling sinabi. Napatingin naman si Camilla kay Ford Dean. At hindi niya napigilan ang pagtaas ng isang kilay nang hindi na lang ang tainga nito ang namumula, pati na din ang magkabilang pisngi nito. At nang mapansin nitong nakatitig siya ay tumikhim ito. "I feel nostalgic, Franco, love." Mayamaya ay narinig niyang wika ni Tita Dana. At balingan niya ito ay nakita niyang nakatingin ito sa katabing si Sir Franco. At katulad ng anak ay namumula din ang tainga at pisngi nito. Denisse

