YU'ER
"Hindi ba at sinabi ko sa iyo na mag-iingat ka? Bakit ka bumaba nang nakaganon? Gusto mo talagang masaktan, ha?" naiinis kong pangaral sa kanya. Parang sasabog na sa kaba ang puso ko kanina kaya sobra ang inis ko rito. "Kung balak mong magpakamatay huwag mo akong papanoorin. Hindi lang ako ang mawawala sa iyo, Rio, pati na ang anak mo!"
"I'm sorry, wife, hindi ko na uulitin. Sobrang saya ko talaga kanina dahil nakuha ko iyong gusto mo," pagpapaliwanag niya habang nakayakap sa aking likuran.
Nalukot ang aking mukha dahil sa huling sinabi nito. "Parang ipinamumukha mo naman sa akin na ako ang may kasalanan kung bakit nangyari iyon sa iyo," humihikbi kong saad sa kanya.
Nagiging emosyonal na naman ako dahil sa simpleng bagay na iyon. Kaagad namann silang lumapit ni mommy sa akin nang makita akong umiiyak.
"Mr. Reigo, anong ginagawa mo sa anak ko? Kung may balak kang manligaw bakit hindi ka muna dumaan sa amin?"
"Ma, ikaw nga ang nagpapunta sa bahay 'di ba?" nakasimangot kong saad sa kanila. "Bakit niyo po pala siya pinapunta sa atin? Hindi po ba at galit kayo sa kanya dahil sa ginawa niya sa akin dati?"
Hinawakan ni mama ang kamay naming dalawa ni Rio at pinasunod kami kay daddy na nagpunta sa bahay-bahayan. Doon daw kami mag-usap para kami lang magpamilya ang nakakaalam.
Napatingin ako kay daddy nang makaupo na kami sa may bahay-bahayan. Marami ang ganito rito kaya sa tingin ko ay pahingahan ito ng mga trabahante o di kaya'y tambayan mg mga bisita.
"Anak, pasensya ka na kung hindi ka kaagad namin natanong kung gusto mo bang bumalik sa iyo si Rio." Tumingin ako kay daddy at tumango.
"It's okay po, dad, tapos na rin naman po ang lahat kaya sa tingin ko ay makikisabay na lang ako sa agos ng buhay."
Iyon naman ang palagi kong ginagawa at hindi naman ako nagka-problema hindi naman naging mabigat sa akin ang buhay kahit sa maling mga desisyon ako tumutungo.
Ngayon na marunong na ako mag-desisyon para sa sarili ko at alam ko na ang tama at mali ay kailangan ko nang panindigan ang bawat desisyon na iyon at kung saan man ako dalhin ng bagay na iyon ay hindi ko na iyong pagsisihan pa.
"Pero bakit niyo po ba ginawa iyon?" Hindi ko maatim na hindi ko itanong ang rason kung bakit nila nagawa iyon. "Payapa ang buhay ko no'n kaya hindi ko na kailangan pa si Rio pero bakit bigla na lang siyang dumating sa buhay namin ni baby."
"Wala sana kaming balak na hanapin siya para sa inyo, hija, pero sa tingin ko ay kailangan ng isang bata ang ama nito. Ayaw rin ng mama mo na saktan at apak-apakan ka ng ibang tao dahil walang ama ang batang nasa sinapupunan mo."
Hindi ko inaalala ang sarili ko ngunit ang bata na ito. Kung ano ang magiging kapalaran nito paglaki kung wala itong mga magulang sa tabi niya.
"Tito, I'm really glad that you called me earlier. Pangako ko po sa inyo na hindi ko po pababayaan ang mag-ina ko, pero ang tungkol po sa kasal na sinasabi ninyo." Nilingon ako ni Rio para kunin ang ideya ko sa usaping iyon. "Gusto po sana namin ni Yu'er na mas lalong kilalanin ang isa't-isa bago magpakasal. Ayaw ko rin po na ikulong ang anak ninyo sa isang relasyon na makakasira lang sa amin. But I'll do my very best to give them everything. Trust me po, hindi ko po hahayaang masaktan ulit si Yu'er."
"Bakit ba ang seryoso niyo na! Ma, gusto mo bang magliwaliw muna sa labas?" tanong ko sa kanya. Mula kay Rio ay ibinalik nito ang tingin sa akin.
Tumayo ito sa kanyang kinauupuan at hinawakan ang kamay ko para lumabas na nf kubo.
"Ma, hindi po ba at ayaw niyo kay Rio? Bakit po gusto niyo siyang ipakasal kaagad sa akin?" puno ng kyuryusidad kong tanong. "Nagbago na po ba ang pananaw ninyo sa kanya?"
"Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya napapatawad dahil sa ginawa niya sa iyo no'n pero dahil mas gusto kong makasama mo ang ama ng bata ay mas pinili kong makalimot para mapasaiyo siya," nakangiting saad ni mama. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa ginawa nito o maiinis lalo na at sa ngayon ay wala na akong pagpipilian.
"Anak, pagdating ng araw ay mawawala rin kami ng daddy mo dahil matanda na kami. Kapag naikasal ka na huwag mong kalimutan na lahat ng problema ay may solusyon kung kaya niyo pang ayusin ang problemang iyon ay ayusin niyo. Huwag niyong hayaan ang na paghiwalayin kayo ng mga malilit na problema."
"Opo, mama, aalahanin ko po na ang asawa't mga anak ko at isipin na priority sila kaysa sa mga problemang haharapin ko pa lamang."
Ngumiti naman siya at tinapik ang aking balikat. Akala ko ay okay lang ito ngunit ilang minuto lang ay bigla na lamang itong napahawak sa kanyang dibdib. "Ma, are you okay? May problema po ba kayo? Masakit po ang puso ninyo?"
"Masakit lang siya pero mawawala naman kaagad ito. Balik na muna tayo sa kubo, hija, para makapagpahinga ako." Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kanya. "Tandaan mo lang palagi ang sinasabi ko at tiyak kong magiging matagumpay ang kasal ninyo ni Rio."
MABILIS na tumayo si daddy sa kanyang kinauupuan at sinalubong si mama. "Anong nangyayari?" tanong nito sabay tingin kay mama na halos hindi na makahinga nang maayos. "Sinabi ko naman kasi sa iyo, hon, na uminom ka ng gamot 'di ba?"
Iminulat ni mama ang kanyang mga mata at marahang inabot ang kamay ni daddy na nasa gilid ng kinahihigaan nitong papag.
"Maayos lang ako, hun, huwag ka masyadong kabahan. Tingnan mo nga amg itsura ng mga batang iyan halatang natakot mo, hmm."
Sabay kaming natawa ni Rio nang magsimula na silang magbangayan. Kahit matanda na sila ay para pa rin silang bata, katulad nang asaran nila ngayon.
"Ma, dy, aalis po muna kami ni Rio," pagbibigay-alam ko at hinila na palabas si Rio. Nang nasa kalagitnaan na kami nang aming paglalakad ay may naramdaman akong pumipisil sa akin kamay. "Rio, namimihasa ka na sa ginagawa mong paghawak sa aking kamay."
Natatawa naman siyang mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. "Rio, hindi ka naman lalanggamin sa ginagawa mong 'to hindi ba?" taas-kilay kong tanong sa kanya.
"Hindi pa pero kapag halikan mo ako ngayon hindi lang laggam ang aakyat sa atin ngayon—"
Tinakpan ko ang kanyang bibig para hindi na siya maipakumpara ang mga bagay-bagay. Baka hindi lang ang status ng relasyon namin ang sasabihin nito baka maski ang paghihiwalay nilang dalawa ni Zane ay mabanggit pa nito.
"Hindi ka naman lasing pero kung makasigaw ka roon akala mo naman ilang bote ng alak ang nainom mo—" Natigilan ako at sinuriya nang mabuti. Namumula na ang kanyang mukha habang pagewang-gewang m ito sa may daan.
"Hey, this is my wife, Yu'er!" hiyaw nito sabay palakpak tila ba nakakatawa talaga ang kanyamg pinanggagawa.
"Ano na naman inimom mo, Rio?"
"Iyong galing sa niyog na alak! Masarap iyon, Yu'er, pero simula kanina nang uminom ako pakiramdam ko ay babagsak na ako sa lupa." Natampal ko ang aking noo nang kakasabi pa lang nito no'n ay tumihaya nga ito sa lupa. "Wife, bihisan mo ako please? S-sorry I'm drunk galing akong work, eh, tas nag-invite iyong mga ka-trabaho ko na uminom!"
Sa halip na mainis ay maramdaman ko na lamang ang pagsilay ng ngiti sa aking labi. Masaya ako na ako iyong babaeng iniisip na niyang uwian. Kung pwede lang sana huwag ko na itong isauli kay Zane ay ginawa ko na, ngunit hanggat ayaw ng writer ay walang relasyon na mag-iimprove sa aming dalawa.
"Rio, umuwi na tayo. Bakit ba kasi ang dami ng ininom mo?" tanong ko sa kanya.
"Hindi marami kaunti lang pero tinamaan na yata ako..." Tumingin siya sa akin at pinisil ang aking pisngi.
"Tatamaan ka talaga hindi ka naman kasi umiinom ng ganoon. Pinipilit mo lang talaga ang sarili mo!"
"Huwag kang magseselos, Yu'er, dahil mas tinamaan ako sa iyo kaysa sa inomin na iyon!" natatawa niyang saad. Tawa now pero pitik ilong ka talaga sa akin bukas!
Kinuha ko na ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan si Alex—iyong lalaking nagbabantay sa farm nito. Pinakilala ito kanina sa amin ng kaibigan ni daddy dahil baka raw at magamit namin ito.
Hindi nga ito nagkakamali at kinailangan ko nga ng isang Alex dahil sa isang lasenggero na Rio na ito.
"Tawa-tawa ka pa r'yan! Sulitin mo na iyan dahil hindi ka na maglalasing sa susunod." Napatingin ako sa lalaking tumatakbo palapit sa amin at may dalang maliit na thermos.
"Ma'am, ito na po ang hinahanap niyo." Nagpasalamat ako sa kanya sabay kuha nang inilahad nitong thermos.
"Uminom ka na, Rio, dahil uuwi na tayo!" Kumunot ang noo nito para tingnan ang dala ko ngunit ilang minuto lang ay kinuha rin nito iyon sa akin at uminom na.
"Uwi na tayo, mgandang kong asawa!" malapad ang ngiting bitiw nito ng mga salita maski si Alex ay napapalingon na rito.
"Alex, can you help me? Pwede mo ba kaming alalayan hanggang sa makabalik kami sa kotse?" Tumango naman siya kaya.
Nagpasalamat ako kay Alex at binigyan ito ng pera bilang pasasalamat bago tuluyan nang pumasok sa loob. "Nak, uwi na tayo? Kailangan na kasing magpahinga ng mama mo. "
"Sige po, dad, dahil pinatumba niyo po si Rio," natatawang saad ko. "Pa, bakit niyo naman po nilasing itong si Rio."
Siya lang ang uminom ng bagay na iyon na halos lahat ng problemang kinikimkim nito ay nagsilabasan na.
"Isang shot lang iyang boyfriend mo, anak!" natatawang biro ni dadddy sa akin.
"Dy, naman!" reklamo ko rito nang magsimula na siyang mag-drive pabalik sa amin.